Chapter 1

2.6K 41 1
                                    

Malabong Ugnayan

written by PekengKyoot

"Mamahalin mo pa ba siya kung alam mong ang mga ginagawa niya sayo ay ginagawa niya rin sa iba?"

Chapter 1

"Hindi pa ba malinaw sa'yo? Wala na tayo, OK? Tigilan mo na yang pangungulit mo. Nakakaistorbo na."

"Zeo─" Hindi na niya ako hinayaan na magsalita, binaba na niya ang tawag. Panay ang agos ng luha ko habang sinusubukan siyang tawagan ulit.

Cannot be reached. Tingin ko kung hindi niya in-off ang phone niya, ini-airplane mode naman. Pumikit ako ng mariin at hinayaang maglandas ang di mapigilan kong luha.

Nasanay na ako kay Zeo. Nasanay na akong kasama at kausap siya. Nasanay akong nasa akin ang atensyon niya kaya sobra akong nahihirapan at nasasaktan ngayon na binabalewala nalang niya ako.

A week ago, I made a biggest mistake. At iyon ay ang pakikipag-break kay Zeo. Basta-basta nalang ako nagdesisyon. Hindi manlang ako nag-isip ng mabuti kung kakayanin ko ba. Kaya heto, ako rin ang nagdudusa.

Bakit nga ba ako nakipag-break? Nung hinawakan ko kasi ang phone niya, nalaman kong marami siyang babaeng kausap sa chat. Hindi lang basta pakikipag-usap. Nakikipaglandian. May nabasa pa ako na "Kailan tayo magkikita?" Galing sakanya ang mensaheng iyon kaya nag-init agad ang ulo ko. Bukod doon, ang sweet ng way niya sa pakikipag usap sa mga babae. Tila baligtad ang sinabi niya na 'hindi siya mahilig sa babae'. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay nagsinungaling siya sa akin. At pakiramdam ko rin ay niloko niya ako.

Pero kasalanan ko dahil hindi ko manlang siya binigyan ng chance na magpaliwanag. Basta nalang ako nagpadala sa galit at selos ko. Tama siya, napaka-immature ko.

Paulit ulit na naririnig ko sa utak ko ang mga sinabi ni Zeo, at paulit ulit din na tinutusok ang puso ko. Zeo was my first boyfriend, and the first one who broke my heart.

Nagsisi ako sa lahat ng mga kamalian at pagkukulang ko sa kanya. Sa tingin ko, hindi ako naging mabuting girlfriend sa kanya. Ngayon gusto kong itama ang mga iyon. Gusto kong bumawi. Kaso mukhang huli na...

After school, hindi ako dumiretso ng uwi sa dorm. Nagpunta ako sa park kung saan kami madalas magkita ni Zeo. At kapag iniisip ko talaga na wala na kami, nasasaktan ako. Kung may button lang sana na pwedeng i-rewind ang lahat...

Wala na akong pakialam sa tinatawag nilang pride, tinawagan ko ulit siya kahit na binababaan niya lang ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapakinggang ang ring. Sasagutin kaya niya? Sana...

Tumalon ang puso ko nang sinagot niya. Sobra ang kagalakan ko. Although hindi siya nagsalita, atleast sinagot niya.

"Pwede ba tayong magkita?" puno ng pag-asang tanong ko sakanya.

"Bakit pa?"

Binalot ako ng lungkot dahil sa lamig ng boses niya.

"Gusto kong ayusin ang relasyon natin, Zeo."

Hindi siya sumagot.

"Pagbigyan mo lang ako promise hindi na kita kukulitin."

Matagal bago siya sumagot. "Sige, pumunta ka dito sa condo ko."

"Thank you! I love you, Zeo!"

"Okay." Yun lang at binaba na niya ang tawag.

Tumingin ako sa kalangitan. Madilim na rin. Bumuntong hininga ako. Hindi manlang nag-offer si Zeo na sunduin ako. Tss. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Wala na kami. Kaya wala na siyang pake sa akin.

Hindi ko alam kung bakit sobra akong kinakabahan lalo na nung nasa tapat na ako ng pinto ng unit ni Zeo. Huminga ako ng malalim. Nagpunta ako dito para ayusin ang relasyon namin. Umaasa ako na maibabalik pa ang samahan namin.

Nag-doorbell ako. Ilang minuto lang pinagbuksan niya ako ng pinto.

Naglaho ang kaba ko nung sinalubong niya ako ng ngiti na para bang walang nangyari.

"You missed me, huh?" sabi niya matapos isara ang pinto.

"Super."

Agad niyang hinablot ang bewang ko at hinila ako papunta sa kanya. He kissed me, I kissed him back. Habang dinadala niya ako papunta sa kwarto niya, unti-unti nagiging agresibo ang halik niya.

Naramdaman ko ang malabot na kama sa likod ko kasabay ng pagdagan niya sa akin. Hinahaplos haplos niya ang tagiliran ko hanggang sa naramdaman ko ang palad niya sa dibdib ko.

"Zeo, ano ka ba!" Tinulak ko siya.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Napakaarte mo talaga. 'Yan palang ang nagawa ko sa'yo, nag-iinarte ka na."

"Zeo..." Tumayo ako at nilapitan siya.

"Wala kang kwenta."

"Nagpunta ako dito para makipag-ayos," sabi ko sa kanya.

"And then? Tingin mo ganun kadaling ibalik yun? Sawang sawa na akong pakisamahan ka."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Damn! Kailangan ko pa bang ipamukha sa'yo? Ang boring mo, wala kang thrill!"

Iyak lang ang naisagot ko sakanya. Hindi ko na alam kung ano ang pumapasok sa utak ko ngayon. Ang alam ko lang, sobra akong nasasaktan. Parang ibang Zeo ang kaharap ko ngayon.

"Makakaalis ka na." Hinawakan niya ako sa braso at kinaladkad palabas ng unit niya.

Gusto kong magmakaawa sa kanya, ang dami kong gustong gawin pero nawalan ako ng pag-asa ng pagsarhan niya ako ng pinto. Mukha na akong tanga na kinakalampag ang pinto niya habang iyak ng iyak at nagmamakaawa na kausapin niya ako.

Dahil sa sa umiiyak ako, blurry ang paningin ko kung kaya't paglabas ko ng condominium building hindi ko napansin ang paparating na sasakyan. Nasilaw ako sa ilaw kaya napapikit ako.

Ito na ata ang katapusan ko. Nag-aabang ako ng sakit ng katawan. Ngunit sa halip, nakarinig ako ng sigaw ng isang lalake.

Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang lalaking kalalabas lang ng kotse. Nanlalabo pa rin ang mga mata ko kaya di ko makita ng maayos ang hitsura niya. Basta tall and lean siya at nakasuot ng long sleeve shirt na nakatupi hanggang siko.

Sinara niya ang pinto ng kotse tapos sumandal dito. "What the heck is your problem, woman?" iritadong sabi niya.

Sa di maipaliwanag na dahilan, kusang kumilos ang katawan ko. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya. Ganun man hindi siya nagsalita. Hinayaan niya akong ibuhos ang luha ko.

"Omigad, I'm sorry." Bigla akong natauhan. Lumayo ako sakanya at mabilis na pinunasan ang luha ko gamit ang aking palad.

"Sorry? Ganun ganun nalang matapos mong basain ang damit ko?"

"Makapagsalita ka parang nasira. Nabasa ko lang naman ho. Matutuyo din yan."

"Still."

"Ewan ko sa'yo. Dyan ka na nga." Tinalikuran ko na siya. Masakit ang puso ko ngayon kaya wala akong panahon na makipagtalo sa isang estranghero.

Nakakailang hakbang palang ako nung lumitaw siya sa harapan ko. Napatalon ako sa gulat.

"Matapos kitang i-comfort, aalis ka nalang bigla? Wala manlang bang Thank You?"

Sabagay, kahit wala siyang ginawa o kahit sinabi, gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

"Edi, thank you─"

"Yes, you are. And as your gratitude, you are going to treat me dinner."

"What?"

"C'mon." Hinila niya ako papunta sa kotse niya.

"Hell no!" pigil ko. "I won't go out with a stranger."

"Nangyakap ka nga."

Pinamulahan ako sa sinabi niya.

"It's because I was vulnerable kanina."

Hindi niya ako pinakinggan.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon