Chapter 23

484 11 0
                                    


Chapter 23

Nakita kong saglit na natigilan si Travis nang tawagin ko siya. Subalit hindi siya nagsalita o kahit lingunin manlang ako. Tinungga niya beer na iniinom.

Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya.

"Why are you here? Aren't you supposed to be inside the party?" Patay malisyang tanong ko. Kunware wala akong nalaman something personal about him.

Umiling siya at ngumiti ng sarkastik. Halata na hindi niya nagugustuhan ang nangyayari.

"The woman is a fraud," madiing sabi niya. "All she wants from my dad is his goddamn money."

"Travis, nagiging judgemental ka na yata."

I was taken aback when he glared at me. Ngayon niya lang ako tiningnan ng ganitong paraan, sa paraan na galit. "You don't know anything!"

"Shit, I'm sorry." Yumuko siya at bumuntong hininga. "Matapos kaming iwan ni Mommy, gabi gabi nalang may inuuwing babae si Daddy. May isang gabi pa nga na nung pumasok ako sa sa kwarto niya para dalhan ng dinner, naabutan ko siyang gumagawa ng milagro kasama ang dalawang babae.

Galit na galit ako sa kanya. At galit na galit rin ako kay Mommy dahil siya ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang Daddy ko. Sinigawan ko siya, sinumbatan. Magmula noon, hindi na siya nagdala ng babae sa bahay. Naging maayos kami kahit na wala si Mommy. Pero nang mag-teenager ako, nagdala siya uli ng babae at pinakilala bilang girlfriend niya. Noong una tinanggap ko dahil masaya siya. Pero hindi naman sila tumagal. Ilang beses siya ulit nagkaroon ng girlfriend at lahat naman sila pera lang ang habol sa Daddy ko."

"Kilalanin mo muna ang fiancee ng daddy mo bago mo siya husgahan. Sa nakikita ko naman mukhang mahal niya talaga ang daddy mo."

Umiling iling siya. "Ayoko. Ayokong makasal si Daddy sa iba. Pero ano nga bang magagawa ko? Anak lang naman ako. Kaya nga madali para sa kanila ang balewalain ako." Tumawa siya ng pagak.

"Mahal ka ng daddy mo, sigurado ako doon."

Nilingon niya ako. "Salamat."

"Huh?" Parang ang layo naman ng sinabi niya.

Bigla niya akong niyakap. Naamoy ko ang pabango niya na nakikipagtalo sa amoy ng alak.

Napilit ko si Travis na pumasok sa hall at makipagkulitan nalang sa mga kaibigan niya kaysa magmukmok siya sa isang tabi.

Nginitian niya ako. "Ang ganda mo ngayon," puri niya bago naunang pumasok sa loob ng hall.

Natigilan ako. At namula sa papuri niya. Pero... ngayon lang?

Humakbang ako papasok ng hall, pagkunwa'y natigilan nang...

"Pwede ba tayong mag-usap saglit?" Si Tito George.

Humarap ako sa kanya at tumango. "Opo."

Kinutuban na ako kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. At kinutuban rin ako na posibleng narinig niya ang pag-uusap namin ni Travis kanina. Aish, nakakahiya! Wala manlang akong magandang naipayo sa anak niya para kahit papaano ay mabigyang linaw ang isip nito. Hindi naman kasi ako magaling mag-advice. Sad.

"Maaari ba akong humingi sa'yo ng pabor?"

"Oo naman po. Ano po ba iyon?"

"Gusto ko sanang paglapitin mo kaming mag-ama."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Mag-advice nga hirap ako, maging tulay pa kaya?

But then I found myself nodding. Bahala na! Alam ko namang tutulungan ako ni God para paglapitin ang mag-ama. Or maybe, ako lang ang gagawin Niyang daan. Besides, gusto ko rin na mawala ang galit ni Travis sa parents niya. All I ever wanted is his happiness.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon