Chapter 34
"BESTIE! BESTIE, YUNG PINSAN MO SUMUSUGOD!"
Nakarinig ako ng tunog ng nagmamadaling tao na parang may halimaw na humahabol sa kanya. At mayamaya lang, lumitaw na sa doorframe si Bia.
"Yung pinsan mong si Rei nasa labas. Nagwawala!"
Napaupo ako sa kama ko.
"May balak ata siyang sirain yung pinto natin. Di ko pinagbuksan kasi nakakatakot siya!"
Binitawan ko ang phone ko at tumayo. Pinuntahan ko ang nagwawala kong pinsan. Kung kalampagin niya ang pinto namin parang may malaking utang ako sa kanya at ako ay nagtatago. As if!
Binuksan ko ang pinto at tinaasan siya ng kilay. Humalukipkip ako habang hinihintay siyang magsalita.
Nagtataas baba ang balikat niya na wari'y hingal na hingal. Ang sama niya kung makatingin sa akin as if any moment kakainin niya ako ng buhay.
"Ang kapal ng mukha mo," nagtatagis na sabi niya.
"Ang kapal ng mukha ko dahil...?"
"Napakasakim mo talagang babae ka! Bwisit ka! Lahat nalang ng atensyon gusto mo na sa'yo! Ikaw na ang paborito ng lahat ng kamag-anak natin. Tapos ano? Pati ba naman si Travis aagawin mo sa'kin? Ano pa ba, ha? Ano pa ang gusto mong maagaw sa'kin?"
Natawa ako sa sinabi niya. Nainsulto siya at napansin kong kumuyom ang palad niya.
"Unang una, hindi ko kasalanan kung ako ang paborito ng kamag-anak natin. Kung hindi ako nagkakamali, ayun ba ang dahilan mo kaya inaagaw mo ang mommy ko? Tapos si Travis? Inaagaw ko? Sa'yo? Come on! Sa'yo ba siya? Hindi diba? Pansin ko lang, Rei, lumalaki kang ambisyosa." I smiled at her sarcastically.
Sinabihan niya akong sakim? Hindi ba niya alam na malaking parte sa buhay ko ang inaagaw niya dahil kinukuhanan niya ako ng nanay? Wala siyang ideya kung gaano kasakit ang pakiramdam na mas importante pa siya kaysa sa akin kay mommy. Hindi niya alam kung ilang beses akong umiyak dahil pakiramdam ko mas mahal siya ng sarili kong ina. Hindi niya alam 'yon. Pero ano? May narinig ba siya ni isang salita sa akin?
Marami akong gustong sabihin at isumbat sa kanya pero pinili kong isarili nalang. Hindi ko kailangang ipaliwang sa kanya dahil wala naman siyang pake.
Rei growled in frustration. "I REALLY HATE YOU!"
"The feeling is mutual, girl."
Lumingon ako. Si Bia, sumali sa alitan namin. Nginitian ko siya.
"My bestie despises you." Bia winked at Rei.
Umirap si Rei at padabog na nag-walk out.
"Lakas ng loob niyang sugurin ka dito sa lungga natin, huh," sabi ni Bia. Siya na ang nagsara ng pinto. Hinila niya ako at pinaupo sa couch. "Gusto mo ba ng malamig na iced tea para mahimasmasan ka? Lutuan kita ng egg with cheese tas papakin natin? O kaya pabili tayo ng ice cream?"
"Dami mong offer. OK lang ako."
"Pero yung pinsan mo super hindi OK. Ano bang pinuputok ng butsi niya? Inaagaw mo daw si Travis? Eh diba ikaw ang naunang maging close nun? Ano ba yan pati ba naman sa lovelife magkaribal kayong magpinsan."
Bumuntong hininga ako. Hindi pa nga nagiging akin si Travis, may karibal na agad ako. Partida pinsan ko pa. Hays. Paano ko naman ipaglalaban si Travis kung in the first place wala akong pinanghahawakan?
Kinabukasan, nagtext sa akin si Mommy. Pinapauwi niya ako sa bahay. Sobrang saya ko kasi naisip ko na na-mi-miss niya ako at gusto niya akong makasama. Hindi ko na pinasukan ang sumunod kong subject. Bumiyahe na ako. Nag-offer pa nga si Michael na ihatid ako but I refused kasi ayaw kong pati siya hindi pumasosk sa klase. Hapon ako bumiyahe at madilim na nung makarating ako sa bahay. Napaka-traffic naman kasi sa Edsa!