Chapter 10

646 12 0
                                    

Chapter 10

"Bestie, sorry talaga! Biglaan kasi silang nagbalak ng family reunion."

"OK lang. I understand." I smiled at her.

"Timing naman kasi. Nakakainis magiging drawing yung matagal na nating pinlano."

October palang nagbabalak na kami ni Bia na magpunta sa Palawan for summer vacation. And now, it's already summer. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng magbakasyon sa school. Nakapag-search na kami sa internet kung saang beach resorts kami pupunta, kung ano ang magagandang restaurant na puntahan, mga activities at kung anong tour package ang kukunin namin. We were both excited. Ngunit katulad sa kadalasang matagal pinaplano, nagkakaroon ng gasgas. Tumawag sa landline kanina ang mommy ni Bia at pinaalam sa kanya na this summer magkakaroon sila ng family reunion sa Tarlac.

"Tutuloy ako."

"What? Ikaw lang mag-isa? No way."

"Yes way."

She gave me a you've-got-to-be-kidding me look. "Mag-mall nga hindi mo magawa mag-isa. Magbakasyon pa kaya sa Palawan?"

"There's always a first time in everything." Habang nakahiga sa couch, inabot ko ang nachos sa table at nilantakan ito. Tumingin ako sa TV screen. Ang dami ko ng nalaktawan na scene sa pinapanood ko: Decendants Of The Sun. Paano, kausap ko si Bia tapos ka-text ko pa si Travis.

"Doon ka nalang sa Stars Condominium magbakasyon."

Napatingin ako kay Bia. Nanonood siya habang pumapapak ng fried chicken. Nasa sahig siya sa may floor mat na maraming flur nakaupo.

"Gagawin ko naman dun?"

"Ang alam ko malawak rin ang pool doon sa condominium na yun. Doon ka mag-stay kay─pumili ka: Zeo o Travis?"

"Sa elevator nalang."

Gusto kitang i-date sa ilalim ng kabute. Text ni Travis. Pinadulas ko pababa ang daliri ko screen para balikan ang huling text ko sa kanya─Haha.

Bakit? reply ko.

Biglang kumanta ng Shake It by Sistar ang phone ko. Napatingin sa akin si Bia at ngumiti ng nakakaloko.

"Si Travis yan, 'no?" Ang tumatawag.

"Nope. Si Daddy." Hinarap ko sa kanya ang phone ko para ipakita sa kanya ang naka-display na pangalan at picture sa screen.

Tumayo ako at nagpunta sa kusina bago sinagot ang tawag. "Yes, Dad?"

"Ngayon na ang flight namin papuntang Singapore. You sure ayaw mong sumama? Pwede kang sumunod ipapa-book kita agad ng flight."

"Hindi na ho. Alam niyo naman po na ako nalang ang umiiwas sa sama ng loob." Gusto kong sumama dahil bonding rin naming mag-anak iyon. Ang kaso, kasama ang pinsan kong si Rei na paborito ng aking mommy. Palagi niya kaming ipinagkukumpara. Ako ang anak niya ngunit mas mataas ang tingin niya sa pamangkin niya. Bituin ang tingin niya kay Rei habang basahan naman sa akin. Sumasama ang loob ko everytime na pinagkukumpara niya kaming dalawa sa harap ng mga kamag-anak namin. Nakaka-degrade. Nakakasama ng loob. Hindi lang ako umiimik dahil alam kong magkakasagutan lang kami ni Mommy at ayaw kong mangyari iyon. Kahit na mukhang mas mahal pa niya ang pamangkin niya kaysa sa akin na sarili niyang anak, mahal na mahal ko pa rin siya.

"Wag mo nalang pansinin ang mommy mo. Marahil nagtatampo lang 'yon dahil hindi nursing ang kinuha mong kurso."

"Dati pa naman niya paborito si Rei," nagseselos na sabi ko. At sa tingin ko lalo niya itong naging paborito nang mag-college ito at kumuha ng kursong nursing. Sabi pa niya, gusto niyang maging nurse dahil idol niya ang mommy ko. Oh diba, straw lang. Lakas sumipsip.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon