Chapter 15

615 16 1
                                    


Chapter 15

Hanggang makarating ng hotel hindi ko pa rin kinakausap si Travis. Di ko alam pero iritang irita ako sa pagmumukha niya. Lalo na kapag hahawakan niya ako? Jusko! Parang nakikita ko ang bacteria na pinasa sa kanya nung linta tuwing didikit ito sakanya. Tapos kapag nakikita ko yung pisngi niya, kung saan siya hinalikan ng linta bago ito nagpaalam para umalis, gaaahh! Para gusto kong buhusan ng alcohol para mamatay ang mga mikrobyo.

"Kapag hindi mo pa ako kinausap iisipin ko na talagang nagseselos ka."

Nilingon ko si Travis, na kanina pa ako tinitignan sa salamin nitong elevator.

Nag-iwas ako ng tingin papunta sa digital display. 10th floor.

"Asa." Umirap ako at humalukipkip.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. Hindi ko nalang pinansin. Hanggang sa wakas nakarating kami sa 18th floor.

Lumabas agad ako at binilisan maglakad. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko ngunit nagpanggap ako na walang narinig.

Pagpasok ko sa room ko, agad kong sinara ang pinto. Napasandal ako dito at napabuntong hininga. I'm acting strange. Weird.

Dumiretso ako sa bedroom at binagsak ang pagod kong katawan doon. Nang makapagpahinga na, bumangon ako at naisipang mag-shower. After that, naisipan kong magluto ng kakainin ko kaya dumiretso ako sa kusina. Nag-dinner kami sa labas pero nagugutom pa rin ako. Paano ba naman ako makakakain ng maayos kung nasa harap ko si Travis at may lintang yakap ng yakap sa kanya na halos isubsob nalang nito ang malalaking dibdib kay Travis.

Napangiwi ako habang nagbabate ng itlog.

"Proud sya sa dibdib nya huh." Dahil sa nanggigigil ako, tumalsik ang binabate ko. Mabuti nalang hindi ko nakalimutang magsuot ng apron.

Naghiwa ako ng cheese into small cubes tapos isinama ito sa binate kong itlog. Nilagyan ko ng katamtamang asin, then pinrito ko na sa pan. Lalo akong natakam habang pinapanood ko ang pag-melt ng cheese na nakahalo sa ngayo'y nagsisimula ng malutong itlog.

Saglit lang at naluto na rin ang scrambled egg with cheese. Nilagay ko na ito sa pinggan at pumapak ng kaunti tapos naghiwa ako ng apple. Niliitan ko ang paghiwa. Tapos, binudburan ko ito ng powdered milk. Medyo dinamihan ko para mas masarap.

Bitbit ang tray na naglalaman ng scrambled egg with cheese, tatlong slice ng tasty, apple na ginawa ko, fresh milk at baso, nagtungo na ako sa living area. I'm prepared for a night movie watching!

Kakaumpisa palang ng pinapanood ko nang tumunog ang phone ko. Dali dali ko itong kinuha sa bulsa ng jogging pants ko. Buong akala ko si Travis ang tumatawag, si Zeo pala. Hindi ko kasi napansin ang kanta.

Tinitigan ko ang screen. Sasagutin ko ba?

Matagal akong nag-isip. Hanggang sa tumigil na sa pagtunog ang phone ko. Ilang segundo ang nakalipas, naka-recieved ako ng text mula rin sa kanya.

Musta?

May napansin akong kakaiba magmula pa nang tumawag si Zeo. And that is, my heart beat remains calm unlike before it was beating so fast as if in a race. I don't feel uneasy anymore. Sa katunayan, wala akong gana na reply-an siya. Parang wala nalang sa akin na nagparamdam siya.

Binaba ko ang phone sa table at napangiti. The heartache is fading. I can feel it.

"You didn't lock."

Muntik nang matapon ang gatas na sinasalin ko sa baso dahil sa gulat. "Hindi ka rin naman kumatok!" Nilapag ko na uli ang gatas at tiningnan siya.

Ganun nalang ang pag-iiba ng ekspresyon ko. From being mad to stunned. Naka-sando siya na kulay puti at PJs. Naka-bedroom slippers din. Halatang patulog na siya. And every night before he goes to bed, he would go outside just to check if I lock my door.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon