Chapter 13

626 12 0
                                    

Chapter 13

Lock your door. Text ni Travis.

Magkasama na nga kami kanina, magkatext pa kami ngayon. Ewan ko lang kung hindi kami magsawa sa isa't isa.

Tapos na kanina pa. Matutulog na ako. Good mornight :)

Hindi ko namalayan ang oras. Mag-a-alas onse na kami nakauwi dahil naglibot libot pa kami matapos namin kumain. Ala una na ng madaling araw at ngayon lang ako nakaramdam ng antok. Siguro kasi natulog ako kanina.

Nilapag ko na ang phone ko sa side table at pinatay ang lamp shade. Nakapikit na ako nang kumanta ang phone ko.

I lazily stretch my arm to reach my phone. "Ano 'yon, Travis?"

Alam kong siya 'yon kasi may naka-assign sa kanyang ring tone. Maski sa message, malalaman ko agad kung siya o hindi ang nagtext kasi may assign message tone rin.

"Nasaan ka?" bungad niya.

"Nasa kama."

"Patulog na?"

"Tas inistorbo mo."

Nakarinig ako ng maikling tawa sa kabilang linya. Napangiti ako. Gustong gusto ko talaga ang tawa niya.

"Palabas na ako," aniya.

"Oh tapos?"

"Papunta na ako dyan."

Napabalikwas ako ng bangon. "SERIOUSLY?"

"Kelan ba kita niloko?"

Hindi ako umimik. Pinakinggan ko lang ang kaluskos na naririnig sa kabilang linya. Binuksan ko ang lamp shade at tumingin sa pinto, nag-aabang na bumukas iyon at iluwa ang si Travis.

Oo nga pala naka-lock ang pinto sa sala. Bigla kong naalala.

"Nasa tapat na ako ng pinto mo."

"Wait lang. Pagbubuksan kita." Binaba ko ang mga paa ko sa sahig. Patayo na ako nung pinigilan niya ako.

"No, di na kailangan."

Bumalik ako sa pagkakaupo. "Bakit?"

"Iche-check ko lang kung nag-lock ka talaga ng pinto." Nakarinig ako ng tunog ng doorknob na pinipihit pihit.

"Diba sabi ko naman sa'yo ni-lock ko? Wala ka bang tiwala?" Tunog nagtataray pero ang totoo kinikilig ako. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Travis is really a sweet guy.

"Pabalik na ko sa kwarto ko. I just made sure you locked your door so you're safe. Matulog ka na. Sweet dreams."

There, nakatulog ako ng mahimbing at may ngiti sa labi.

Pasado alas otso ako nagising kinabukasan. Matapos kong magpasalamat kay Lord, kinuha ko ang phone ko. Wala pang text si Travis. What would I expect? Travis isn't a morning person, anyway. Kung walang alarm clock, 10AM ang pinakamaagang gising nun.

I stood up. Bago ako lumabas ng kwarto, hinila ko ang malaking kurtina. Pumasok ang liwanag through glass wall, at natanaw ko na naman ang hindi nakakasawang view. Kung may ganito ba naman sa dorm namin ni Bia, siguro araw araw maganda ang gising ko.

Nagtungo ako sa kusina para magluto ng almusal ko. At dahil may hang over pa ako sa pagiging thoughful ni Travis kagabi which I find really sweet, matapos kong kumain at gawin ang morning routines ko, ginawan ko siya ng breakfast.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkain sa loob ng fridge, na halos lahat ay galing sa kanya. Kadalasan mga easy-to-cook ang nakikita ko. Hanggang sa nahagip ng mata ko ang pizza. Nilabas ko iyon sa fridge at inilapag sa counter. Kumuha rin ako ng mga ingredients para sa gagawin kong chicken sandwich.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon