Chapter 7

586 20 0
                                    

Chapter 7

Nasa school ka pa ba? Text ni Travis 2 hours ago.

SLR ngayon ko lang nabasa. Katatapos lang ng klase ko. Y?

"Bestie, tara na," ani Bia nang makalapit sa akin.

"Wait lang, aayusin ko lang 'tong bag ko. Ang gulo, eh."

Tinulungan niya akong mag-ayos ng mga hand-outs. Jusko, bumibigat ata itong bag ko dahil sa basura: scratch papers and tissue.

Nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ito. "Hello."

"Puntahan mo ako dito, please."

"Huh? Anong meron? Bakit?"

Bia looked at me and mouthed 'Sino 'yan?'.

"Travis," mahinang tugon ko.

Tumango siya at siya na ang tumapos sa pagliligpit ng mga gamit ko.

"Magpanggap kang girlfriend ko."

"What? Ayoko. Uuwi na ako."

"Please, ngayon lang. Kailangang kailangan. Kanina pa ako hindi makatakas sa babaeng yun." He sounded so irritated. Gusto kong matawa kasi na-i-imagine ko ang iritado niyang mukha.

Tutal may utang na loob ako sa kanya, sige go. "Sige, nasaan ka ba?"

"Yes! Thank you, thank you!" Sinabi niya sa akin kung nasaang mall siya. "Shit, andito na siya. I'll wait you here. And please be fast. Come here ASAP."

"Baby, bakit ba takas ka ng takas?" ang huling narinig ko bago ko naputol ang tawag.

Tumatawa ako habang binubulsa ang phone ko.

"Buang lang?" biro ni Bia.

"Natatawa ako kay Travis, eh."

"Ayeee!"

"Che, tigilan mo ako. Sa boys ka nalang muna sumabay umuwi. May pupuntahan pa ako." Boys, sila yung mga lalaking kaibigan namin.

"Makikipag-date ka lang," kantiyaw niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko. Ginulo ko rin ang kanya.

***

Sa labas ng mall ako hinintay ni Travis para daw mabilis ko siyang makita. Pagbaba ko ng taxi, nakita ko agad siya. Sa lahat kasi ng nasa labas ng mall, siya ang makaagaw pansin.

Napansin kong may magandang babae ang nakalingkis sa braso niya. Daldal ito ng daldal habang si Travis ay obviosly hindi naman nakikinig. Nakatingin lang siya sa malayo.

Tumigil ako sa mismong tapat ni Travis. Pinigilan kong tumawa nang makita ang nakasimangot niyang mukha.

Ngumiti ako sa kanya pagkatapos sa babaeng kasama niya.

"And who are you?" taas kilay na tanong ng babae.

"Dasom," I said, introducing myself. Naglahad ako ng kamay para makipag-shake hands pero tiningnan niya lang iyon.

Niligtas ako ni Travis sa kahihiyan. Hinawakan niya ang kamay kong nakalahad at pinagsalikop ang mga daliri namin.

Nanlaki ang mga mata ng babae habang nakatingin sa kamay namin ni Travis. She glared at me.

"Falls ang pangalan niya," wika ni Travis.

"Babyyy!" parang batang tawag niya kay Travis. "Uwi na tayo."

"Umuwi ka."

"Di mo ba ako ihahatid?" nagtatampong untag nito.

"May driver kang kasama."

"Ehh!" Pumadyak padyak ito. "Gusto ko ikaw! Dali na, baby!"

"Aish!" Tinakpan ni Travis ang magkabilang tenga gamit ang mga kamay niya, na ang isa ay nakahawak pa rin sa kamay ko. So, nakataas ang braso ko. "Rinding rindi na ako dyan sa kabi-baby mo! Pwede ba, mas matanda ako sa'yo."

Nagpout ang babae. Nang tumingin siya sa akin inirapan niya ako.

Tiningnan ako ni Travis na para bang sinasabing 'Do something'.

"Babe, nagugutom na ako. Kumain na muna tayo."

Travis gave me a disgust look. Bakit ba? Ginaya ko lang naman an pagiging spoiled brat ni Falls, huh?

Hinawakan ko siya sa braso. "Please?" Nag-puppy eyes pa ako. Hindi naman talaga ako nagugutom. This is the only way I know para mailayo si Travis kay Falls. At ayun ang silbi ng pagpunta ko rito.

"Umuwi ka na, Maria Kristina," utos ni Travis.

"Euw! Sabi ko diba don't ever call me that!"

"That's your beautiful name."

"No, it's not."

Napa-poker face ako. Kung magtalo sila para silang magkapatid. Parang kami ng Kuya Nikko ko.

"Tara na, ihahatid na kita."

"Really? Thanks!" Lumapit na naman siya kay Travis at yumakap sa bewang nito. Pinakitaan niya ako ng ngiting tagumpay.

"Dito ka lang," bilin sa akin ni Travis.

Lalong lumawak ang ngiti ni Falls. Para siyang linta na nakadikit kay Travis habang naglalakad sila. May mga napapantingin na nga sa kanila, eh.

Tumigil sila sa harap ng isang magarbong kotse. Binuksan ni Travis ang pinto sa passenger seat.

Todo ngiting pumasok sa loob si Falls. Pagsara ni Travis ng pinto, naglakad na siya papunta dito. Binuksan ni Falls ang pinto ng kotse at sumigaw, "Baby, hanggang bahay mo ako ihatid!"

Nakalapit na sa akin si Travis nang lingunin niya ito. Inakbayan niya ako at kumaway sa nagwawalang si Falls bago ako giniya papasok sa loob ng mall.

"Yan ang napapala mo. Pina-inlove inlove mo tapos maiinis ka kapag hinabol habol ka," sabi ko sa kanya habang naglalakad. Nasa loob na kami ng mall.

Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at tiningnan ako. "Pa-fall talaga ang tingin mo sa akin?"

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi talaga."

"Oh, really?" I told, sarcastically.

"Bahala ka."

Well, I guess hindi ko siya maiintindihan.

"Bakit nga pala ayaw mo kay Falls? Eh, ang ganda ganda niya parang artista. Yun nga lang, bratinella."

"She's my second cousin."

Natigilan ako sa paglalakad. "Incest?"

"Katwiran niya, magkaiba kami ng middle name at apelyido kaya pwede kaming ikasal." Naglakad na ulit siya. Ganun din ako.

"Nakakatawa siya," umiiling iling na sabi ko.

"By the way, buti sumipot ka?"

"I owe you a lot cause you put me out off danger."

Kumunot ang noo niya.

"You know, my virginty."

Natawa siya ng mahina.

-----

Sorry for the short update, guys! And also bare with me if it took so long to upload this chappie. I'm excited for the next scene. It's more nakakakilig! Hihi 😉 I'll post it tomorrow, I promise. After school, I guess.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon