Chapter 9

631 16 3
                                    

Chapter 9

"Inaantok ako," naghikab si Travis. May balak pa siyang ipatong ang ulo niya sa balikat ko kung di ko pa iniwas.

"Edi umuwi ka."

"Basta sasama ka."

Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin.

Tumawa siya pagkatapos pinisil ang pisngi ko. "Ang cute, cute mo talaga!"

"Ano ba!" Hinampas ko nga palayo ang kamay niya sa pisngi ko.

Iniinda ko pa ang sakit ng pisngi nung tumayo siya at naglakad patungo sa kusina.

"Oy, saan ka pupunta?"tanong ko habang sinusundan siya ng tingin.

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Ilang sandali akong nanahimik, nag-isip kung ano ang maaaring gawin niya doon. Inisip ko rin kung may nakalimutan ba akong linisin sa kusina dahil nakakahiya naman.

Nilapag ko muna ang libro sa table dahil balak kong sundan siya. Subalit hindi pa man ako nakakatayo, nakabalik na siya. May dala siyang pitcher at baso.

Tulala kong pinanood ang kilos niya hanggang sa ilapag niya sa table ang mga dala niya. "Titimplahan sana kita ng juice kaso naalala ko nag-softdrinks ka kaya magtubig ka nalang. Marami pa namang pizza dyan. Wag kang magpagutom matutulog lang ako."

And he left me with my mouth hanging open.

Sinubukan ko pang magbasa ngunit kahit anong pilit ko, puro pangalan ni Travis ang nababasa ko. Pakinshet, naloloka na ata ako! Bago ko pa masabunutan ang sarili kong buhok, bigla akong natauhan. Pumasok si Travis sa kwarto ko AT HINDI NA NAMAN SIYA NAGPAALAM!

Sinugod ko siya. Naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair sa harap ng study table.

"Wala talaga sa bokabularyo mo ang magpaalam, ano?"

Inikot nito ang kinauupuang swivel chair paharap sa kanya. "At home na at home nga, diba?" kaswal na sabi nito.

"Teka, ano 'yang hawak mo?" bigla kong napansin na hawak niya ang photo album ko. Naglalaman iyon ng mga litrato simula nang mag-college ako. At bilang si Bia ang madalas kong kasama, siya rin ang madalas na kasama ko sa mga pictures. Mabuti nalang hindi ko dinala dito sa dorm ang throwback album ko kasi kung oo, baka ayun ang hawak ni Travis ngayon at malamang pinagtatawanan niya ako.

"Ang pabebe ng mga pictures mo dito."

Nagmartsa ako papunta sa kanya. Plano kong hablutin ang album sakanya ngunit hindi pa ako ganap na nakakalapit, tumayo na agad siya kasabay ng pagtaas niya ng kamay niya. Argh, ang tangkad niya at ang haba ng braso niya! Kahit tumalon talon ako hindi ko maabot ang album.

"Akin na nga yan!" sabi ko habang tumatalon talon pa rin.

"Kiss muna." Tinapat niya sa akin ang kaliwang pisngi.

"Sampalin ko pa 'yan."

"Sungit. Lalo kong hindi ibibigay sa'yo 'to."

"Edi wag! Sayong sayo na yan." Sumuko na ako dahil alam ko sa sarili ko na wala akong laban. 5'3 lang ang height ko habang siya 6 footer.

"Ayoko nga nito. Pictures lang ito, eh."

Binaba niya ang album sa study table.

"Bibitawan mo rin naman pala," naaasar na sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Sa halip, dinagdagan niya ang sinabi niya kanina, "Gusto ko ikaw." Kinindatan niya ako.

"Euw!"

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon