Chapter 37

429 10 0
                                    


Chapter 37

These days, it felt like you're mine, It seems like you're mine but not
It feels like I'm yours, It seems like I'm yours but not
What are we? I'm confused

"Kelan mo balak sagutin si Travis?" nakapahalumbabang tanong ni Bia habang nakatingin sa'kin.

"Pa'no ko siya sasagutin? Di naman siya nanliligaw."

Humagalpak ng tawa si Bia. "Napaghahalataan ka!"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ayun ba yung problema mo kaya lagi kang tulala at panay ang buntong hininga?"

"Di ah," agad na tanggi ko. "Ba't ko naman siya poproblemahin?"

"Eh kelan mo nga balak sagutin yung tawag ni Travis? Kanina pa 'yan. Konti nalang makakabisa ko na yung ringtone mo sa kanya."

"Ayun talaga yung purpose ko kaya di ko sinasagot."

"Ha-ha! Nakakatawa." Tumayo si Bia at nagpunta sa may pintuan. "Ang tagal naman nun," sabi pa niya.

"Sino?" kwestyon ko.

"Si Falls."

"Hmm? Gagawin niyo?"

"Manonood ng sine sa mall then shopping. Kasama ka. Stress ka kasi simula nung umuwi ka galing sa bahay niyo."

Tumigil sa pagtunog ang phone ko. Ngunit mayamaya, kumanta na naman uli ito ng Some. Dati Shake It ang assinged-ringtone ko kay Travis. Ngunit simula ng maintindihan ko ang lyrics ng Some, ito ang pinalit ko.

"Sagutin mo na kasi," panunudyo ni Bia.

"Ayoko nga─"

"Ay, di nga pala nanliligaw." Tapos tumawa na naman siya.

Yung kaibigan mong ang lakas mang-asar!

Tumawag si Falls sa phone ni Bia. Di na raw sya dadaan dito sa dorm namin. Sa mall nalang daw kami magkita kita. So, nag-ayos na kami ni Bia.

Hindi ko naman alam na kasama ni Falls si Travis. Tingin ko sinadya nilang huwag sabihin sa akin kasi ramdam nilang magba-back out ako once na malaman kong makakasama namin ang taong iniiwasan ko.

Yes, iniiwasan ko na siya. Simula ng maramdaman ko ang closeness sa pagitan nila ni Rei, umiwas na ako. Bakit pa? Eh naaalala niya lang naman ako kapag wala na siyang magawa. Well, feeling ko. Hindi niyo ako masisisi kasi naman ang lalaking yun parang palitaw. Minsan lulubog, minsan lilitaw. Minsan magpaparamdam, pero madalas hindi. Kaya ayun...! Nagdesisyon akong sanayin ang sarili ko na wala siya. Kahit mahirap pinipilit kong wag siyang kausapin.

"Anong gusto niyong movie?" tanong ni Falls. Ang ganda ng ngiti niya! Natutuwa ako sa ngiti nila ni Bia, promise! Di nakakapikon. Oo nga, hindi nakakapikon. Super!

"Gusto ko horror," tugon ko. Iniiwasan kong tingnan si Travis na katabi lang ni Falls na katapat ko. Gaah!

"Ay, ayaw ko nun." Bumitaw si Bia sa akin at lumipat sa tabi ni Falls. "Gusto ko yung Disney."

Ngumiwi ako.

"Yeah, me too!" sang-ayon naman ni Falls. "Baby, ikaw?" Nakatingala siya kay Travis.

Saglit kong tiningnan si Travis.

"Kahit ano," walang kaemo-emosyong sagot niya habang nakatitig sa'kin.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Ah, alam ko na!" Falls shrieked. "Since we have in common, let's watch movie together!" Umangkla siya sa braso ni Bia.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon