Chapter 35

415 8 0
                                    

Chapter 35

"Hindi ka ba nilalamok dito? Nakapalda ka pa naman."

Nang mag-angat ako ng ulo, nanlaki ang mga mata ko nang makita si Travis. Nakatayo siya sa harapan ko, naka-stretch ang isang braso dahil may ino-offer siyang ice cream sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Boom paos!

"Nakipagkita ako kay mommy kanina. Tapos... tinawagan ako ni Bia. Ayun." Nagkibit balikat siya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang cup ng ice cream.

Umupo siya sa swing katabi ko.

Tahimik lang kaming dalawa. Parehong nakatingin sa malayo. Hanggang sa di ko na nakayananan. Napahagulgol ako ng iyak. I used my hands to cover my face.

Mayamaya lang naramdaman ko si Travis na tumayo. Pagkatapos naramdaman ko ang mga bisig niya na bumalot sa akin. With that I feel being comforted.

"Bakit siya ganun? Ang hilig niyang i-manipulate ang buhay ko samantalang wala naman siyang pake sa'kin," I managed to say between my sobs.

Niyakap niya lang ako at hinayaang umiyak ng umiyak. Hinahaplos niya rin ang buhok ko, na nagpapakalma sa akin.

Nang mahimasmasan na ako, niyaya ako ni Travis na umuwi dahil lumalalim na ang gabi. Maaga pa naman daw ang pasok ko bukas. Ako pa ang inalala niya samantalang mas maaga ang pasok niya kaysa sa akin.

"Daan muna tayo sa condo ko bago kita ihatid sa dorm mo. May ibibigay ako sa'yo." Yan lang ang sinabi niya nang makasakay kami sa kotse niya. Pagkatapos nun, tahimik na kaming pareho.

Dire-diretso ang biyahe. Wala ng traffic dahil wala na masyadong sasakyan. Mabuti naman. Nag-aalala ako kay Bia. I know hindi siya mapakali sa oras na ito hangga't hindi pa ako umuuwi.

"I used to hate her," sabi mayamaya ni Travis matapos ang mahabang katahimikan.

Pinagmasdan ko siya. Nagmamaneho siya habang nakatingin ng seryoso sa daan.

"But I've missed her so much. She's my mom. And no matter what, I will always love her. Kahit na... iniwan niya kami at mas pinili si Mang Neo."

Natawa ako ng mahina. "Mang talaga?"

Nilingon niya ako at nginitian. He gently pinched my cheek. "Namamaga yung mata mo."

I know. At ang bigat bigat to the point na inaantok ako.

"Sinabi sa akin dati ni Tita na pinupuntahan ka niya pero tinataboy mo siya," sabi ko sakanya. Since sinimulan niya, sasabay ako sa agos.

Tumango siya. "Galit kasi ako sa kanya," aniya. "Galit na galit. Pero nanay ko pa rin siya. Mahal na mahal ko siya kaya kaya ko siyang patawarin."

Hindi ako nagsalita kasi hindi ko alam ang sasabihin.

"Parehas pala tayo," aniya.

"Di tayo magkaparehas," tugon ko. "Ikaw, sinusuyo. Ako, hindi pinapansin."

Tumahimik na uli sa loob ng kotse. Sinandal ko ang ulo ko at tumingin sa labas ng bintana. Naghikab ako dahil inaantok na talaga ako.

"Nakapagdesisyon na ako."

Napatingin ako uli sa kanya. Hinintay kong dugtungan niya ang sasabihin niya.

"I will stay at mom's place."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ang ibig sabihin lang naman nun... makakasama na niya si Rei sa iisang bahay. But hey! Naalala ko may condo unit na nga pala si Rei. Pero kahit na! Ipupusta ko ang buhok ko, iiwan ni Rei ang unit niya at titira uli sa bahay nila para makasama niya si Travis.

"Dasom?" Travis snapped. "Natahimik ka?"

"Ah w-wala." Tinago ko ang kaba ko.

Kinakabahan ako. Nakakatawa lang. Kasi ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ay natatakot akong makuha ng iba ang─ in the first place─ hindi naman akin.

"Tama ba ang naging desisyon ko?" Saglit niya akong tiningnan.

Tumango tango ako. "Your mom will surely be happy about that."

"But you sounded unhappy."

"Talaga naman kasing hindi ako masaya. Nagkasagutan kasi kami ng mommy ko," dahilan ko nalang. Half truth. "Buti nga dumating ka, eh."

Nasaksihan ko kung paano nag-stretch ang mga labi niya. He genuinely smiled. "That's one of my self-goals. To keep you happy. Kaya sabihin mo agad sa akin kung malungkot ka at may problema."

"Thank you," nakangiting sabi ko sa kanya.

***

"The last you were here... damn wag na nga lang banggitin."

"Baliw, ikaw naman kasi talaga ang pinunta ko. Nagkataon lang na nakita ko si Zeo. And the rest is history."

"Talaga?"

"Uh-huh."

The elevators door slipped open. Paglabas namin ni Travis, nagkatinginan kami dahil natatanaw namin ang daddy niya na nakatayo sa tapat ng unit niya.

Bumagal ang hakbang ni Travis habang nakatingin sa ama. Tila nagdadalawang isip kung aatras o aabante. Nang tingnan ko siya, ang seryoso na niya unlike kanina.

Napalingon sa amin si Tito George. Nginitian niya kami. I smiled back but Travis remained his expressionless.

Biglang huminto si Travis. "Damn, I can't talk to him." Pipihit na sana siya kaya pinigilan ko. Hinawakan ko siya sa braso.

"Travis," seryosong tawag ko sa pangalan niya. Nakakahiya dahil matagal na akong hiningan ng pabor ni Tito George pero wala manlang akong nagawa. "Kausapin mo naman ang daddy mo, oh."

"Dasom, ayoko."

"Alam mo mabuti ka nga pareho kang sinusuyo ng parents mo kahit na hiwalay sila. Di ka pa rin nila kinakalimutan kahit na may bago ng pamilya ang mommy mo at magkakaroon ang daddy mo. Eh ako?"

Tinitigan ako ni Travis. Nag-iisip.

Yumuko siya at bumuntong hininga.

"Go and talk with your dad."

Hinintay kong mag-response si Travis. At halos mapatalon ako sa tuwa nung tumango siya.

Hinawakan ko siya sa wrist at giniya papunta kay Tito George.

Nginitian uli ako ng daddy niya at isang beses na tumango. Pumasok sila sa unit habang ako ay nagpaiwan sa labas. They needed the privacy.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon