Chapter 21
Each tour package spent a day. So Tour B-E, apat na araw pa kaming nag-stay sa El Nido. Bumalik na kami sa Puerto Gallera, matapos bumili ng mga souvenirs, dumiretso na kami sa airport para lumipad pabalik ng Manila.
Bye, Palawan Paradise! See you again!
Dumating ang pasukan, naging busy si Travis kaya hindi na kami masyadong nakakapag-usap katulad ng dati. I can't blame him. Fourth year college na kasi siya. Ako nga second year college na, pero sandamakmak na ang school works, siya pa kaya na graduating na?
8PM ang tapos ng klase niya. Kaya palagi akong naghihintay na makauwi siya para maka-chat ko siya. Sa loob ng isang araw mga dalawang oras nalang kaming nagkakausap. Nakakapagod din maghintay. Kadalasan hindi saktong 8PM siya nakakauwi kasi bumabiyahe pa pero malapit lang naman ang school nila sa condo niya. Most of the time mga 10PM ko na siya nakakausap. Pinakamaaga na ang 9PM. Minsan nga naiinis ako. Hindi manlang ba niya naisip na may naghihintay sa kanya? I know pwede ko namang hindi siya hintayin. Pwede ko siyang tulugan nalang. But... I just can't. Nasanay na kasi akong kausap siya palagi. At hindi mabubuo ang araw ko without having any conversation with him.
Naiinip na ako sa kahihintay. Dahil dun, humingi ako ng sign. 9PM na at kapag 9:30 wala pa rin siyang message, aba hahayaan ko nalang siya! Di na ako maghihintay sa kanya.
Umidlip muna ako kasi antok na antok na talaga ako. Pinipigilan ko lang dahil gusto ko pa siyang makausap.
Nagising ako after 20 minutes. Mabuti hindi ako nakatulog ng tuluyan. Dali dali kong chineck ang phone ko. Natawa nalang ako dahil naka-pop out ang chathead ni Travis. May pulang pulang number 3 doon.
Pagbukas ko,
Travis Spencer active now
Sama ka sakin bukas?
Tulog na?
Kainis di kita naabutan.
Napangiti ako. Looks like ayaw ng tadhana na maputol ang communication namin. Lol.
Saan mo ko sasama? reply ko sa kanya.
Mabilis niyang na-seen. At mabilis rin na nakapag-reply.
Buti naman hindi ka pa tulog!
Birthday ni Alfie. Gusto ka niyang makilala :)
Huh ang nireply ko sa kanya. Anong ibig sabihin nito? Kinikwento niya ako sa kaibigan niya.
Isama mo si Bia.
Tuwang tuwa si Bia nang sabihin ko sa kanya na iniimbitahan kami ni Travis sa party, which is nandoon ang mga crush niyang lalake. Hindi pa nga siya mapakali kung ano ang isusuot, eh. At sa dami ng damit niya hindi siya makapili. Panay black kasi ang mga damit niya which is her favorite color. Sa mga dress na hinilata niya sa kama para pagpilian, nauwi siya sa blouse and jeans. Pareho kami. Hindi naman kasi sinabi ni Travis kung klaseng party. Ano bang malay namin kung dapat mag-formal attire?
Sinundo kami ni Travis. Nakahinga kami ng maluwag dahil casual lang ang suot ni Travis. Pero ang buhok niya ay nakataas. Naka-polo siya na lalong nagpapakita kung gaano kaganda ang built ng katawan niya. He looks... hot!
House party. Birthday pala ni Alfie pero hindi manlang kami in-inform ni Travis.
"Happy birthday! Sorry kung wala kaming regalo. Nakakahiya," sabi ni Bia na hindi na binitawan ang kamay ni Alfie nung makipagkilala ito at makipagshake hands.
Hinila ko ang kamay ni Bia at pasimple siyang binulungan. "Mas nakakahiya 'yang ginagawa mo, girl."
"Wala 'yon. Atleast I gained a new friends." Ang smiling face ni Alfie! Ang sararp makipag-usap sa kanya kasi nakakagaan ng loob.