Chapter 39
"Nung huling pag-uusap natin para mo na ring inamin na gusto mo 'ko. Pero makikita nalang kita may ka-date kang lalake."
Umirap nalang ako at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
Mushroom as ever Travis! Hindi ko alam kung bakit alam niya kung saan man ako magpunta. At hindi ko rin alam kung bakit sinusundan niya ako. Ang galing niya nga eh. Hindi ko siya napansin. Nasa labas lang pala siya ng coffee shop, pinapanood kami ni Michael.
Si Michael pa ang nagsabi sa'kin na pinapanood kami ni Travis. Sinabi niya yun at itinuro ng pasimple kung saan nakatayo si Travis. Yun bang hindi makakahalata si Travis. Tapos ito namang si Michael, gusto RAW niyang asarin si Travis. Ayun! Nagpaka-clingy. Todo akbay sa'kin habang naglalakad pabalik ng dorm na malapit lang naman. Walking distance lang naman. Sadyang tamad lang talaga akong maglakad. But Michael insist. Hinatid niya ako hanggang dorm at naglakad lang kami. Natatawa nalang kami kasi may kotseng mabagal na sumusunod sa'min. At kapag lumilingon kami, titigil iyon. Halata namang kotse ni Travis yun. Tss.
Bago umalis si Michael, hinalikan niya ako sa noo. Sinabi pa niya ng mahina na, "Friends pa rin tayo, OK? Walang magbabago." Tapos nung tuluyan na siyang umalis, doon na bumaba ng kotse si Travis.
"Dasom, kausapin mo nga ako!"
"Hindi ba dapat umiiwas ka na?"
"Bakit kita iiwasan?" balik tanong niya.
Napabuga ako ng hangin. "Alam mo ang labo mo kausap! Nababaliw talaga ako kapag nakikita kita."
"Ikaw yung malabo! Akala ko ba ako yung gusto mo? Eh bakit hawak ni Michael ang kamay mo kanina? Nagyakapan pa kayo! Tapos kung makaakbay siya sa'yo kala mo girlfriend ka niya."
"Stop acting like you're jealous!"
"I really am!"
Napaatras ako nung sumigaw siya.
"Ganyan ba talaga kayong mga babae? Napakabilis magbago ng feelings niyo. Damn it!"
At, aba! Nag-walk out bigla ang prinsipe niyo! Ni hindi manlang ako hinayaang magpaliwanag.
Papalapit palang ako sa pinto, naririnig ko na ang ingay nila BIa at Falls. Yea, makikitulog na naman ang pinsan ng walk out king na si Travis dito sa dorm.
Pagpasok ko, ang balak ko sasawayin ko ang dalawa. Ngunit hindi ko nagawa dahil nasorpresa ako.
Rei's here.
Naghahampasan silang tatlo ng unan habang tumatalon talon. They looked happy. Nakaramdam ako ng inis. What now? Pati ang mga kaibigan ko balak rin niyang agawin?
"Anong ginagawa mo rito?"
Tumigil sila sa kulitan at tumingin sa akin.
"Bestie, gusto niyang makipag-ayos sa'yo," ani Bia.
Tumaas ang sulok ng labi ko. "Talaga ba? O baka naman nagpapanggap ka lang dahil gusto mong kunin pati ang mga kaibigan ko? Lahat na kaya kunin mo?"
Yumuko si Rei at hindi nagsalita.
Nilapitan ako ni Falls at hinawakan sa braso. "Wag ka ngang mag-mataray, Dasom! Di bagay sa'yo."
Napa-Ano ako sakanya. Pinagsasasabi ng babaeng ito?
"Hayaan mong mag-explain si Rei, bestie. Nagsisisi na siya. Pumayag nga siya na sabunutan namin siya ni Falls kanina eh."
"Sorry, Dasom."
Humalukipkip ako. Wala na akong ibang narinig ngayong araw na ito kundi puro sorry!
"Lately na-realize ko kung ano ang mga pagkakamali ko, at nagsisisi ako. Patawarin mo sana ako. I'll do everything. Kung gusto mo lumayo ako sa mommy mo, sa pamilya mo, gagawin ko. Kung iniisip mo na nakalimutan ka na ng mommy mo, nagkakamali ka. Dahil sa tuwing magkasama kami, ikaw ang bukambibig niya. Kapag magpapasama akong mamili ng damit sa kanya, palagi ka niyang naaalala." Ngumiti si Rei.