Chapter 38Nagulat si Bia nang madatnan niya ako sa dorm at malamang nauna akong umuwi sa kanya.
"Ang aga mo namang umuwi. Hindi ba kayo nag-date ni Travis?"
"Date? Ginagawa lang yun ng nagliligawan at magshuta," mapait na sabi ko. Sumandok ako ng ice cream at sinubo ito. Stress eating na naman ako. Yung ice cream ko nag-uumapaw ng chocolate toppings.
"Wow naman, bestie. Sa pagkakakilala ko sa'yo nagtatakaw ka sa sweets kapag may mapait na naganap ah. Di mo ba 'yan ishi-share sa human diary mo?" She giggled.
May kumatok sa pinto. Tumayo ako para buksan iyon. Akala ko si Falls ang bisita. Kaya nagulat ako dahil hindi ko inaasahang si mommy ang makikita ko.
"Hello po, Tita," bati ni Bia sa kanya ng makita ito.
Nginitian siya ni Mommy at muling tumingin sa'kin.
"Pwede ba tayong mamasyal?"
Ayun palang ang sinabi niya nagsimula na agad akong maging emosyonal. Kahit hindi niya sabihin alam kong gusto niyang bumawi. Ramdam kong nagsisisi siya sa mga pagkukulang niya. At sa tono ng pananalita niya, ramdam kong bumalik na ang aking ina.
Tumingala ako, nilakihan ang mga mata at hindi kumurap ng ilang segundo para pigilang umiyak.
I nodded. Then mom hugged me.
Ang saya saya ko ngayong araw. Bawing bawi sa kahapon. Pinuntahan namin ni Mommy ang playground na madalas naming puntahan noon. Maraming nagbago pero tuwing titingnan ko ang bawat sulok, marami akong naaalala. Nag-shopping din kami. Binilihan niya ako ng maraming damit at binilihan ko rin siya ng relo na galing sa ipon ko. Tapos nung magdi-dinner na kami, nagulat ako kasi naghihintay sa loob ng restaurant sila Kuya Nikko at Daddy. Ang saya saya ko talaga. Ang tagal bago naulit na kumain kami ng sama sama na may kasamang bonding.
Hating gabi na ng maihatid ako pauwi nila Daddy sa dorm. Hindi na sila tumuloy pero pinapabati nila si Bia at binilinan pa ako na huwag ko raw bawasan ang mga pasalubong kay Bia. Tss.
Pagpasok ko sa dorm, napatalon ako dahil nakita ko si Travis. Nakaupo siya sa couch at nakapikit.
Tinawag ko siya. Napamulat siya agad at tumingin sa direksyon ko.
Umayos siya ng upo at sinabing, "Oo na. Ako na makulit."
"Wala pa nga akong sinasabi."
Naglakad ako papunta sa kusina. Pinasok ko sa fridge ang mga dala kong pagkain. Pagsara ko ng pinto ng fridge, tumambad ang nakatayong si Travis. Sumunod pala siya.
"Kumain ka na?" tanong ko habang naglalakad pabalik ng sala. Hindi ko siya tiningnan sa mga mata.
Sumunod na naman siya.
"Nagbago ka na," rinig kong sambit niya.
With that, natigilan ako. Hinarap ko siya ng may ngiting nakakainis. "Oo eh. Nagbago na 'ko. May nahanap na kasi akong bagong kinabi-busyhan kaya nagiging palitaw nalang ako sa'yo. Lulubog, lilitaw." May sarcasm sa himig ko.
"Ano bang sinasabi mo?" Nakikita ko na ang iritasyon sa mukha niya.
"Ang sinasabi ko lang, one at a time ka lang dapat. Isa lang dapat yung hinaharot mo. Hindi yung kapag wala yung isa, pupunta ka dun sa isa at ayun ang haharutin mo─ "
"Pwede ba diretsahin mo ko?!"
"Dun ka sa Rei mo!"
Humalakhak siya. Lalo tuloy nag-init ang ulo ko. "Sabi na nga ba nagseselos ka."