Chapter 27

465 10 0
                                    


Chapter 27

"Nakakainis siya, Bia! Alam mo ba yun? Sabi na nga ba keme niya lang na busy siya, eh. Well, busy naman pala talaga. Busy sa babae! Nakahanap lang ng bago kinalimutan na agad ako? Ganyan na ba talaga ang mga lalake ngayon?"

I was pacing back and forth infront of Bia, who's sitting at the couch while eyeing me.

"Ako nga nagiging busy din pero ni minsan hindi ko siya ini-snob at ni minsan hindi ko sinabi sa kanya na busy ako. Ano naman kung busy siya? Hindi naman twenty four seven siyang may ginagawa, diba? Kung importante talaga ako sa kanya, gagawa siya ng paraan kahit na magkausap kami kahit saglit lang─" Natigilan ako nung bigla akong tawanan ni Bia. Naglakad ako para lalong akong mapalapit sa kanya. Pumaywang ako and belted out, "Anong nakakatawa, aber?"

"Ikaw kasi eh. You rant as if you're his girlfriend."

Natameme ako bigla. Umayos ako ng tayo at napaiwas ng tingin. After I heaved a sigh, I slumped into the couch beside my bestfriend.

Tama si Bia. Kung makapag-rant ako as if girlfriend ako ni Travis. Tsaka, ano nga naman kung hindi magparamdam ang taong yun? Wala akong dapat ikagalit. At lalong wala akong karapatang magwala kung makita ko siyang may kasamang babae. It's his life. Wala akong pakialam kung sino man ang kasama niya. I don't have a place in his life but a friend.

"Hay, sinasabi ko na nga ba," iiling iling na sabi ni Bia.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Oh, ba't ka ganyan makatingin?" Humalakhak siya. "Admit it, you are in love with Travis."

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Niyakap ni Bia ang braso ko. "OK lang yan, bestie."

Umiling iling ako. "It's not okay. Nakakapraning kaya!"

Bia chuckled.

"Dapat pala nung una palang iniwas ko na yung sarili ko. Ang kulit, kulit naman kasi nung Travis na 'yan."

"Makulit siya pero di mo siya nilayuan kasi alam mong napapasaya ka niya."

Nanahimik ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Feeling ko may gusto rin naman sa'yo si Travis, eh. Ang sweet kaya niya sa'yo."

I glanced at her. "Pinapaasa mo ba ako?"

"Medyo."

Inirapan ko siya ng pabiro. "Hindi rason ang pagiging sweet niya para umasa ako. Nadala na ako, bestie. May lalaki rin na naging sweet sa akin noon, pero iniwan rin naman ako."

"Zeo."

Tumango ako.

Right after dinner, ginawa ko na ang hard copy ng report ko sa history. Sa sala ako gumawa dahil inaantok ako kapag nasa kwarto. Pagkatapos, ni-review ko ang mga modules ko. Alas diyes na ng makaramdam ako ng antok. Kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko mabasa ng malinaw ang naka-print sa papel dahil nanlalabo na ang mga mata ko sa antok.

Inubos ko ang gatas sa baso bago sinimulang ligpitin ang mga gamit ko.

Si Bia? Naghihilik na sa kwarto niya. Kanina katabi ko yun dito sa couch, nagre-review din. Pero hindi siya sanay magpuyat kaya wala pang alas nwebe nag-good night na siya sa akin at pumunta sa kwarto niya para matulog.

May kumatok. Nabigla ako kaya nabitawan ko ang hawak na libro sa sahig. Pinulot ko muna iyon bago nagtungo sa pintuan para buksan ito.

Pagbukas ko ng pinto, nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa mukha ni Travis. Kung ano ang suot niya kanina nung nakita ko siya sa coffee shop, ganun pa rin ang suot niya hanggang ngayon. Yung mukha niya hindi kasing fresh ng usual. Medyo haggard siya pero ang gwapo niya pa rin. At diba sinabi ko sainyo na mas messy ang buhok niya, mas gumagwapo siya. Medyo bumabagsak na ang buhok niyang nakataas.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon