Chapter 22
Nagulat ako ng isang araw nagpunta sa dorm si Falls. Nakahalukipkip siya ng pagbuksan ko siya ng pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" Ang unang pangungusap na nasabi ko.
Hinawi niya ako at pumasok. Nagtungo siya sa couch at naupo sa tabi ni Bia. Ang kaibigan ko naman, nagulat. Binigyan niya ako ng tingin na natatanong.
"Baby sent me here kasi hindi ka raw niya masusundo," saka niya lang ako sinagot. "Uh, juice?" Tumingin siya kay Bia.
Ang mabait kong kaibigan, sumunod naman. Umalis ito para magtungo sa kusina.
Lumapit ako kay Falls at naupo sa tapat niya. "Sunduin? Wala naman kaming napag-usapan na pupuntahan."
Falls shrugged. "Well, I think, wala rin naman sa plano ni Baby ang pumunta sa engagement party ng dad niya. Napipilitan lang siya kasi he has no choice."
"Engagement party? Teka, di ako prepared. Wala akong dress para sa ganoon event."
"Sino ang tinutukoy niyang baby?" Nakabalik na si Bia na may dalang pitcher ng four-seasoned juice at isang babasaging baso.
"Thank you!" sabi ni Falls kay Bia. She faced me again, "Kaya nga I'm here, diba? Ako ang bahala sa'yo."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Why would I trust you? Inis ka nga sa'kin, diba? And Bia, si Travis ang tinutukoy niyang baby."
Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ni Bia.
"I'm not a shallow person, don't worry. I'm doing this for my baby."
Ako ang kinikilabutan everytime na tinatawag niyang baby si Travis. Magkadugo kaya sila! Kahit na second cousin lang. Still..
"So ano?" Tumingin siya sa wrist watch niya. "We only have two hours before the party."
"Party na naman? Last week lang nasa party ka din, ah?" Matawa tawang sabi ni Bia.
"Sumama ka, bestie."
"Sorry, pero dito nalang ako. Keri mo na 'yan, bestie. Makikilala mo na an family ng Bebe Travis mo." Diniinan pa niya ang Bebe Travis na para bang ipinagduduldulan kay Falls.
Umirap naman ang second cousin ni Travis.
"He's expecting you to come."
Bumuntong hininga ako. Di ako prepared, naman!
Nagpunta kami sa isang sikat na botique. Dapat daw mauna ang pagpili ng damit para kapag inayusan ako ng make-up artist, ibabagay nito ang ayos ng mukha ko sa damit.
Cocktail dress na oceanic green ang kulay. Ito talaga ang na-spot-an ng mga mata ko pagpasok namin ng botique. Naalala ko kasi ang Palawan. At kapag naaalala ko ang magandang lugar na iyon, naaalala ko ang mga moments ko with Travis.
Simple lang ang ginawa sa buhok ko. Kinulot ang dulo tapos nilagyan ako ng hair clip na puting bulaklak sa gilid ng ulo ko, malapit sa tenga. Sabay kaming inayusan sa parlor ni Falls. Magkatabi kami. And I didn't expect na magiging kaibigan ko siya. Yeah, sa oras na nagtabi kami habang inaayusan, ramdam ko na nagiging kaibigan ko na siya. Ang dami niyang kinikwento sa akin. Tapos nabanggit niya rin si Bia, na halatang gusto niyang maging kaibigan ito. In fact, kanina nung nasa botique kami tinanong niya kung ano ang favorite color ni Bia. Ayun pala, binilihan niya ng dress.
Limousine ang nagsundo sa amin ni Falls para ihatid kami sa isang five star hotel kung saan ang venue.
Pagkarating namin sa hall, dinala agad ako ni Falls sa daddy ni Travis, George Spencer. At sa fiancee nitong si Anastacia Alcante.
"Tito, Tita, this is Dasom. Your son's girlfriend."
I was shock on how Falls introduced me. Naalala ko, ang akala nga pala ni Falls ay kami ni Travis.
"H-hello po. Congrats!"
Waahh!! Nakaka-intimidate ang daddy ni Travis! On how the man stood, parang may pinagmamalaki ito sa buong mundo. At tingnan ko palang siya, masasabi ko na agad na business man siya.
"Pleasure to meet you, hija." Nakipagkamay siya sa akin.
Nginitian ako ni Anastacia. Shucks, ang ganda niya! Ang lovely ng ngiti niya.
"Uhm, nasaan po si Travis?"
Nasaksihan ko kung paano lumungkot ang mukha ni Tito George. But then tinago niya ito sa isang ngiti. "He is just around. By the way, kumain na muna kayo."
Tinuro niya sa amin ang buffet table.
The soon-to-be-married couple excuse themselves para lapitan at kausapin ang mga bisita. Kami naman ni Falls, nagpunta sa mahabang table na may masasarap na pagkain. May mga nakatayo lalake doon na naka-longsleeves na white at may blazer then don't forget about their bow tie.
Sa sobrang dami ng pagkain hindi ko alam kung ano ang kukunin ko. Nauwi nalang ako sa ceasar salad at mga finger foods. Umupo kami ni Falls sa isang table at nagkwentuhan habang kumakain.
Tumingin ako sa dance floor, sa center at maging sa ibang tables. I'm seacrhing for Travis. But he's out of sight. Nakita ko ang mga kaibigan niya, na binati ako kanina nang magkasalubong kami. Tinanong ko sa kanila kung nakita ba nila si Travis pero hindi rin daw nila alam.
Ang elegant ng mga tao dito. Kadalasan mga nasa middle aged. Kung hindi mga business man at business woman, mga nasa politika. Mayroon rin akong namumukhaan na mga taga-showbiz. Mga bigating tao.
"Nasaan kaya si Travis?" tanong ko sa sarili.
Sumagot naman si Falls. "Baka nag-e-emote somewhere."
I stared at her. Umiinom siya ng lemon juice using her straw. "Bakit naman?"
"He doesn't like his father to get married with another woman. Matagal nang hiwalay si daddy at ang mommy niya but up to now umaasa pa rin siya na muling mabubuo ang family nila. Kahit na parehong may sarili ng buhay ang parents niya. At kahit na... galit siya sa parents niya."
"Huh? Parang ang gulo naman. Gusto niyang maayos ang pamilya nila pero galit naman siya sa mga magulang niya?"
Nagkibit balikat si Falls. "Minsan talaga mahirap intidihin si Travis. Kung titingnan parang wala siyang problema. Palagi siyang mukhang masaya. But deep inside, he was broke."
Natahimik ako. Di ko alam na may ganito kabigat palang dinadala si Travis, na siyang palaging nagpapasaya sa akin.
"Washroom lang ako," paalam ko kay Falls.
Ngumiti naman siya at tumango.
Bago ako makarating ng washroom, may nadaanan akong sliding door patungong terrace. Bahagya itong nakabukas kaya naman nung lagpasan ko ito, naramdaman ko ang preskong hangin galing sa labas.
Hindi ko alam pero parang may sariling utak ang mga paa ko para bumalik at pasukin ang terrace. Nakarinig ako ng tunog na parang mga boteng nag-uumpugan. Sa takot ko, binalak kong umalis. Ngunit may napansin ako sa dulo. Madilim pero alam kong tao iyon.
Lumapit ako. I gasped in realization. "Travis?"