Chapter 6
"Hinila ako ng kolokoy na 'yan kaya nasa ibabaw niya ako. Monggoloyd kasi 'yan."
Nasa sala kaming tatlo ngayon. Nagpapaliwanag ako kay Bia habang si Travis tawa ng tawa. Lalo tuloy nag-iinit ang ulo ko sa kanya.
Maski si Bia tumatawa. Pinipigilan niya lang kasi alam niyang mabibwisit ako. "Kanina ka pa explain ng explain wala naman akong sinasabi." Ngumiti siya ng makahulugan.
Pinagsalin ni Bia ng juice ang baso ni Travis.
"Salamat," ani Travis. Tumingin siya sa akin at tumawa na naman.
Hindi ko alam kung ano ba ang pinagtatawanan nilang dalawa. Yung nangangamatis ko bang mukha o ang sunod sunod na pagpaliwanag ko. Hindi talaga ako tumigil sa kapapaliwanag simula pa nung nasa kwarto pa kami hanggang makarating kami rito sa sala.
"Baka kasi kung ano ang isipin mo. Yung utak mo pa naman," tugon ko kay Bia. Tumingin ako kay Travis at inirapan siya.
"I'm Travis, by the way. Travis Spencer," pakilala niya kay Bia.
"Oh, so ikaw yung kinikwento ni Dasom na gwapong hindi niya alam kung bakit niya niyakap?"
Gusto ko pa sanang takpan ang bibig ni Bia kaso huli na. Nasabi na niya ang word na gwapo. Ayan, lumobo tuloy ang ulo ng kumag.
Siniko ako ni Bia. "Pano ba yan? Siya ang unang lalaking dinala mo rito sa dorm?"
"Hindi ko naman siya dianala dito. Siya mismo ang pumasok dito. Hindi siya counted," sagot ko na pinandidilatan ng tingin si Travis.
Bia shrugged her shoulders in a way na hindi niya bibilhin ang katwiran ko.
Tumingin sa akin si Travis. Nakakunot ang noo niya at ang mga mata niya ay nagtatanong. "Hindi mo pa nadala dito yung ex mo?"
"Ten days lang naman naging sila," si Bia ang nag-react. "Wait lang, kukuha lang ako ng cake sa ref." Tumayo siya at iniwan kaming dalawa ni Travis.
***
"Papuntahin mo ulit dito si Travis," sabi ni Bia kinagabihan. Speaking of that guy, natuwa ata dito sa dorm kaya dito na nag-dinner. Nagpadeliver siya ng bucket meal sa KFC. Kung hindi pa dahil sa curfew dito sa dorm, mukhang wala pa siyang balak makaalis.
"Nag-enjoy ka naman sa kanya?"
"Selos ka naman?"
"Duh. Di pa nga ako nakaka-move on kay Zeo."
"Kung ako sa'yo, kay Travis ka nalang. Gwapo si Zeo pero mas gwapo si Travis at mas matangkad pa. Mukha pang seryoso. Sigurado ako hindi ka paiiyakin nun."
"Kung alam mo lang..." Boy pa-fall nga ang kumag na yun.
"Kilala ko na si Travis dati pa."
"Oh?" gulat ko. "Eh bakit pinakilala pa niya ang sarili niya sa'yo kanina eh magkakilala na pala kayo?"
"Hindi ko sinabing magkakilala kami. Ang sabi ko, 'kilala ko siya'."
Kumunot ang noo ko. "Paano?"
"Duh!" she blurted out. "Madalas ko siyang makita sa News Feed ko sa Facebook. At dahil ang gwapo niya," Humagikgik siya. "Hinanap ko siya sa Twitter at Instagram. Grabe, hindi pa siya artista pero may mga fan page siya. Actually hindi lang siya. Anim silang magkakaibigan. Siya, Thadeus, Shiloh, Alfie, Zayden at Brett. Naka-turn on nga ang notifications ko sa kanila sa FB at Twitter para kapag nagpost sila malalaman ko pa. At! Every post nila nag-co-comment ako."
I grimaced at her. Fan girl lang ang peg?
"Actually napatili ako kanina hindi dahil sa nakita ko kayong magpakapatong."
Ugh, pinaalala na naman niya!
"Kundi dahil nakita ko siya in person. Gusto ko ngang himatayin kaso nakakahiya."
Kaya naman pala ang daldal at hindi mapakali itong si Bia kanina nang nandito pa si Travis.
"Tara na, matulog na tayo. Maaga pa pasok natin bukas," anyaya niya mayamaya.
Tumayo na kami. Pinatay ko ang TV bago sumunod sa kanya. We said our good nights tapos pumasok na sa sariling kwarto.
Paghiga ko sa kama ko saktong tumunog ang phone ko. May unknown number na tumatawag. Sino kaya ito? Wala naman akong pinagbigyan ng number ko this past few days. May nakilala akong bago at si Travis iyon, ngunit hindi naman kami nagpalitan ng contacts.
Sinagot ko ang tawag. Hindi muna ako nagsalita para kilalanin ang boses ng caller.
"Hi," bati sa kabilang linya.
Napaupo ako nang mabosesan siya. "Travis?"
"Galing, ah."
"Paano mo nalaman ang number ko?"
"Nung natutulog ka kagabi."
"Tss. Baliw ka talaga."
"Sayo."
"Euw. So corny!"
Narinig ko siyang tumawa. "Matutulog ka na ba?"
"Patulog na nga ako nung tumawag ka, eh."
"Sorry sa istorbo. Sige na, matulog ka na. Sweet dreams!"
"Likewise."
Binaba ko na ang tawag pagkatapos sinave ang number niya sa contacts ko. Hindi ko alam pero may excite akong naramdaman sa puso ko.
Good morning! Kumain ka na. Mahiya ka sa katawan mong konting ubo nalang Pepe Smith na :D
Yan ang text ni Travis na bumungad sa akin kinabukasan. Di ko napigilang tumawa.
Excuse me, hindi naman ako ganon kapayat! Oh well, good morning din :)
Simula nun palagi na kaming magkausap sa phone. Nagpalitan kami ng accounts sa social networking sites. At tama nga si Bia, sikat itong si Travis. Just now palang na post niya, tatlong numero na agad ang may likes tapos may mga comment pa na hindi niya pinapansin. Edi siya na famous!
Dahil nga sa palagi ko siyang kausap, nakakalimutan ko na ang magpapansin kay Zeo which is a very good thing.
Travis tells me every details of his day. Madalas din kaming magpalitan ng selfies sa Facebook Messenger. And each time we talk, I think lalo kaming nagiging close. Hindi kami nawawalan ng topic kahit non sense lang ang pinag-uusapan namin. Puro pa nga asaran, eh. At minsan, bumabanat siya. Minsan sinasakyan ko, pero madalas binabasag ko. Haha!