Chapter 33"Haaay! Natapos ka rin!" sabi ko habang nakatingin sa sampung plates na natapos ko ng i-drawing. Nakatatlong oras din ako rito huh. At ang sakit lang sa likod!
"Ang bilis mo naman!" sabi sa akin ni Bia. "Nakakaanim palang ako."
"Mamaya mo na kasi reply-an si Mamot."
Kaya ang tagal niya gumawa kasi pahinto hinto. Paano, text ng text.
"Eh nilalait yung noo ko eh. Alangan namang di ko bawian."
"Ewan ko ba sainyo," iling iling na sabi ko. Nag-stretching ako. Sheeet. Ang sarap sa pakiramdam na mabanat ang buto ko. Nangalay rin ang braso ko.
"Bakla, bibili lang ako ng pagkain. Anong gusto mo?" Sinimulan ko ng ligpitin ang mga gamit ko para maluwagan sa table si Bia at makakilos ng mas maayos.
"Ang sweet naman. Libre mo? Gusto ko ng burger sa Zarks." Ang lapad ng ngiti ni Bia. At kulang nalang kagatin niya ang hawak na asul na lapis sa sobrang saya niya. Oh well, ganyan pasayahin ang best friend ko.
"Suure. Basta pagbalik ko dapat tapos ka na. Kapag hindi, magbabayad ka."
"Grabe ka naman. Don't pressure me. Baka pumangit drawing ko, pumangit din grades ko."
"Joke lang." Nagpunta ako sa kwarto at iniwan doon sa lamesa katabi ng laptop ang mga gamit ko. Kinuha ko ang wallet ko tapos umalis na.
Sumakay ako ng taxi papuntang Venice Piazza. Doon kasi may pinakamalapit na Zarks mula sa dorm namin.
Hindi muna ako tumuloy sa Zarks. Pinanuod ko ang pamilyang masaya na nagpi-pigeon feeding. Naglakad ako papasok ng mall. Mamaya nalang ako bibili ng burger. I gave Bia a time. Panigurado kasi pagbalik ko, kakalimutan na niya ang ginagawa niya. Uunahin niya ang pagkain tapos tatamarin na siyang ipagpatuloy ang ginagawa niya.
Umakyat ako papunta sa Grand Canal. Yay, Italian vibes! Dumiretso ako sa bridge na katulad ng Realto Bridge sa Italy at nagmuni muni habang nakatingin sa berdeng tubig. Sa susunod dadalhin ko rito sila Bia at Falls at aayain na mag-Gondola ride. Ayun yung sasakay ka sa bangka.
Impit akong napatili dahil sa gulat. May bigla nalang kasing yumakap sa akin sa likuran.
"I miss you so damn much," sabi niya malapit sa tenga ko.
Pumikit ako ng mariin. Totoo ba ito? O imahinasyon ko lang since kanina pa ako nagre-reminisce?
Dinilat ko ang mga mata ko at dahan dahang nilingon siya. It's real.
"Watching you from afar isn't enough."
Ibig bang sabihin nito hindi nga guni guni lang ang nakita ko? He's watching me from afar.
"Sorry for the acusation, Dasom. Don't hate me, please. I miss you. I hate the sight of you being happy with another guy. I miss you."
Tell me! Paano ako hindi mag-a-assume kung ganito siya? Paano akong hindi aasa kung ganito siya magpakita ng motibo? They say I must not fall in love with his words, but for his actions. But hell! I fell in love with him for both!
I bit my bottomlip. I love the feeling of being surrounded by his arms. I love being with him. But this is just so wrong! May girlfriend na siya, diba? So bakit ganito siya umasta sa akin? Pinaglalaruan ba niya ako? Pinapaasa?
Tinaboy ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.
"Kailangan ko ng umalis," malamig na sabi ko sakanya.
"Dasom..."
"Busy ako." Pag-ikot ko, nagkaharap kami.
"Really?" tanong niya na halatang di naniniwala sa akin.