Chapter 8

698 19 0
                                    

Chapter 8

As a promise, here it is 😉

-----------

Linggo ngayon at ako lang ang mag-isa sa dorm. Umalis si Bia kasama ang kapatid niyang si Jana para manood ng sine. Tahimik ang dorm. Hindi nakabukas ang TV at wala ring music na maririnig. Just like in Bruno Mars' song Today I don't feel like doing anything. But to read. Himala ngang hindi ko hawak ang phone ko. Kagabi, nakalimutan ko iyong i-charge kaya paggising ko kanina lobat. Tinamad rin naman akong i-charge. Out of nowhere, bigla kong naisip si Travis. Ah, bahala siya. I don't feel like chatting at this point.

"Kaya naman pala hindi ka nagrereply sa text at chat ko."

Hindi maayos ang pagkakahiga ko sa couch kaya madali akong nahulog dahil sa gulat. "Ano ka ba!" sighal ko kay Travis. Pinulot ko ang nabitawan kong libro sa sahig at umupo.

Yung feeling na nandito ang taong kanina iniisip ko lang.

"Also, I've been trying to call you pero cannot be reached." He was standing next door which gave me hint that he just came in.

"That doesn't give you a valid reason to enter this room without knocking!"

Kinatok niya ang pinto. "Ayan na. Kumatok na ako. Happy?"

Inismiran ko siya. Sayang lang ang panahon ko kung makikipagtalo ako sa kanya. Para saan pa ba ang ihihimutok ko eh nakapasok na siya?

Mayamaya lang naramdaman ko ang bigat niya sa couch. Tiningnan niya ang cover ng librong binabasa ko.

"My Idol's Identical Twin," basa niya sa title ng libro.

Hindi ko siya pinansin.

"Nabasa ko na yan."

"Hindi ko tinatanong," pagtataray ko nang hindi inaalis ang tingin sa aking binabasa.

"Yung ending nyan nakakatawa. Nag-break kasi si Sanibabe at Steven dyan. Tapos nung nagpunta si Sanibabe sa airport para pigilan si Steven umalis ng bansa, nakita niyang mukhang maghahalikan si Steven at yung Nerieza. Akala niya pinagpalit na siya ni Steven pero may nagaganap lang palang taping para sa isang movie. Tapos diba sabi nung kambal ni Steven lilipad na ito sa ibang bansa for good? Hindi totoo yun. May taping lang talaga kaya nandun siya─"

Hindi ko na hinintay pang tapusin pa niya ang pagiging spoiler niya, hinampas ko sa ulo niya ang librong hawak ko. "SINABI KO BANG MAGING SPOILER KA DYAN HA?"

Dahil trip niyang sirain ang araw ko, sinilip pa niya kung nasaang parte na ako ng binabasa ko. "Andyan ka na pala sa part na nasa park si Sanibabe at kausap niya si Stephen at Jamie, eh. Wag kang mag-alala magkakabalikan din sila dyan."

"ARGH! I HATE YOU! I HATE YOU!" Pinaghahahampas ko siya sa braso.

Todo ilag siya pero tawa naman ng tawa.

Wala na! Nawala na ang feels ko habang nagbabasa dahil narinig ko na mula kay Travis Mr. Pa-Fall, spoiler pa! ang mangyayari.

"Ikaw naman kasi! Pwede naman akong sabihan na magbabasa ka edi sana hindi kita pinuntahan dito. Malay ko ba kung ano na ang nagyayari sa'yo."

Nag-Tss lang ako. Sumandal ako sa couch at tinapos pa rin ang pagbabasa.

"Bakit nga pala wala akong naririnig na Bia-ng nag-iingay dito?"

"Kanina magkakasama kaming tatlo ng kapatid niya magsimba. After the mass, humiwalay na ako. Manonood pa kasi sila ng sine."

"Bakit hindi ka sumama?"

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon