Chapter 16

559 16 0
                                    


Chapter 16

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napa-Wow nang pasukin namin ang Underground River. After that, sinubukan namin ang iba't-ibang activities. Ara, being linta, may pagkakataon na lalapit siya kay Travis. Pero syempre inuunahan ko siya. I would cling on Travis, who would glance and smile at me. Tila natutuwa pa sa pagiging clingy ko sakanya. Nakiki-ride pa nga sa trip ko kasi kung hindi niya ako inaakbayan, pinupulupot niya ang braso niya sa bewang ko. Matatawa nalang kami pareho kapag makikita naming nagdadabog si Ara.

Maaga akong natulog kinagabihan dahil maaga kami susunduin ng van bukas patungo sa El Nido.

Dumating na naman ang panibagong araw. Paglabas ko, nang madaanan ko ang hotel room ni Travis, saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapagpaalam sa kanya o kahit nasabi manlang sakanya ang pagpunta ko sa El Nido. Kapag magkasama kasi kami, ang korni man, pero nakakalimutan ko ang mga bagay bagay.

Tumayo akosa tapat ng pinto. Tinaas ko ang kamay ko para magdoorbell kaso natigilan ako. He might be in a deep slumber right now. Ayoko namang istorbohin ang mahimbing niyang tulog. Siguro itetext ko nalang siya? Tama.

Binitawan ko ang maleta at ibinaba muna sa marbled floor ang dala kong bag. I texted Travis.

Sorry hindi ko nabanggit. Ngayon ako pupunta sa El Nido. Ingat ka. May pasalubong ka sakin promise :)

"Paki-check po ng mga gamit ninyo baka po may naiwanan kayo," sabi nung driver sakto pagdating ko.

Nginitian ko siya pati ang makakasama ko sa ride tsaka nagtungo sa likod ng van─ sa compartment para ilagay doon ang mga gamit ko.

Tinulungan naman ako ng lalaking naabutan ko na katatapos lang maglagay ng gamit niya.

Nginitian ko siya at nagpasalamat. Guy with eyeglass. Ang cute niya at ang lakas ng dating niya.

"Hi! Excel here," he introduced as he offered his hand for a shake hand.

Tinanggap ko ito at nakipagkamayan sa kanya. "Dasom."

Hinila niya ang ako kasabay ng pag-atras niya para hindi kami maging sagabal sa kadadating lang na maglalagay rin ng gamit sa compartment.

"You're a student, I bet." Naglalakad na kami para pumasok sa van.

"I am," I replied. "Ikaw ba?"

"I graduated three years ago. I went here to relax myself from work."

"I see." Tumango tango ako.

"Matapang ka."

"Huh?" Nilingon ko siya.

"How young are you?" Hinila niya ang pinto para sa akin tapos sumandal dito.

I giggled. "Young talaga? Well, I'm nineteen." Pumasok na ako sa loob ng sasakyan.

"Brave enough to travel alone," rinig kong sabi niya.

Habang naglalakad ako ng nakayuko papunta sa dulo dahil gusto ko sa may bintana ako pumwesto, nakaisip na ako ng isasagot. Kung hindi lang may nakisali.

"She is not alone, actually."

Sakto kauupo ko lang ng marinig ko ang napakapamilyar na boses na iyon. Pagtingin ko sa labas, nakita ko si Travis may dala ring maleta.

"If only she waited for me," Travis added.

Sa madalas niyang pagsulpot, dapat hindi na ako nagulat pa. Kaso feelings 'to eh. Hindi ko mapipigilan.

Saglit siyang nawala para ialagay sa likod ang mga gamit niya. Mayamaya lang nakabalik na siya. Hinawi pa niya si Excel kahit na hindi naman ito nakaharang sa way papasok ng van. Nasa gilid na nga lang yung tao! Tsk.

"You're rude," sabi ko pagkaupo niya sa tabi ko.

"Hindi mo manlang ako hinintay," aniya. At nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses niya.

"Malay ko ba kung ano ang mga tour plans mo."

"Malay mo? Eh nagpunta lang naman ako dito sa Palawan dahil sa'yo."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

I glanced passed him─ into Excel's direction. Pasakay na rin siya ng van kung hindi lang may sumigaw ng Wait.

Nalaglag ang panga ko nang makita si Ara. Don't tell me...

Nagtaka si Travis kaya lumingon siya. "Ara?"

"Hi, guys! Glad we're on the same ride! It will gonna be fun!"she shrieked. Hinawi niya si Excel in a way na nakikipag-unahan sa pwesto which is sa tabi ni Travis.

Bumuntong hininga si Excel bago sumakay (finally!) at sinara ang pinto.

Nasa huling row kami. Ang nasa unahan namin ay magbabarkadang teenagers din tulad ko. Oh well, dito sa linya namin, ako lang ata ang teenager. Si Ara hindi ko alam ang edad. Pero kasi hindi na siya mukhang teen. Lols.

Sa buong biyahe, ang ingay ng magbabarkadang nasa unahan namin. Pero nakakatuwa ang barahan at jokes nila. Of course, hindi nawawala ang laitan nila. Gaaah! I miss my best friend Bia na!

Nilabas ko ang phone ko. Gusto ko sanang tawagan si Bia para naman may makausap ako. Kaso wala akong signal. Aish! This is torture! Si Travis at Ara, hindi nauubusan ng topic. Panay ang daldalan nila. Gumitna pa talaga sila sa amin ni Excel, eno? Kung magkatabi lang sana kami ni Excel, malamang hindi ako nabobored dito at nag-uusap kami. Edi sana, nagkakilanlan pa kami. Bukod sa pangalan at sa pagiging gwapo niya, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.

"Dasom," tinawag ako ni Excel. Pinakita niya sa akin ang malaking tsitserya na nakabukas na, a gesture na inaalok ako.

Ngumiti ako at umiling. May baon rin akong Pick A. Ayaw ko lang ilabas kasi wala ako sa mood kumain. Baka maibuhos ko lang ang pagkain sa maharot na katabi ko at sa lintang katabi niya. Buset!

Yumuko ako para buksan ang bag sa may paanan ko. Nilabas ko ang neck pillow. Umayos ako ng upo, inilagay sa leeg ko ang nasabing unan, sumandal sa bintana at pumikit.

"Dito ka nalang sumandal."

Nang hawakan ni Travis ang ulo ko para isandal sa balikat niya, agad ko itong tinaboy. Binuksan ko ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin.

Yumuko uli ako para kunin ang earphones sa bulsa sa gilid ng bag ko. Pinlug ko ito sa phone ko at sinalpak ang earbuds sa tenga ko. Pinakita ko pa kay Travis ang pagsagad ko ng volume. Para ko na ring sinasabi sakanya na "Dont talk to me". With that, sumandal na uli ako sa katabing bintana at pumikit. Wala na akong ibang naririnig kundi ang music, na nang-aasar.

I think I love you...

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Basta paggising ko, tulog ang lahat ng pasahero bukod doon sa Mama na katabi ng driver. Nagkikwentuhan sila.

Isa pa sa napansin ko, nakaakbay sa akin si Travis habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Napangiti ako at muling pumikit. Ngunit muli rin akong dumilat dahil na-realize ko na hindi lang ako ang nakasandal kay Travis. Maging si Ara. Nakayakap pa ito sa braso ni Travis. Sorry siya ayaw ko ng may kaagaw. Kaya ang ginawa ko, maingat kong inalis ang braso niyang nakayakap kay Travis pagkatapos inilipat ko ang pagkakasandal ng ulo niya papunta sa balikat ni Excel, na mahimbing na natutulog habang nakasandal sa bintana.

"Yan, dyan ka. Akin lang 'to." Sumandal na uli ako sa dibdib ni Travis at niyakap ang tiyan niya. "Ang bango mo talaga," nanggigigil na sabi ko. Pumikit na uli ako para bumalik sa pagtulog.

Nagduda ako sa pagiging tulog ni Travis nung maramdaman kong binalot niya ako ng jacket (he's still wearing it) pagkatapos niyakap ako.

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon