Chapter 26

464 10 0
                                    


Chapter 26

Nanalo ang team ng mga kaibigan namin. At dahil dyan, nilibre nila kami ni Bia sa isang sikat na pizza parlor. Gabi na rin kami nakauwi. And as usual, pagkahiga ko sa kama chineck ko ang messenger ko. Na-seen na ni Travis ang last chat ko sa kanya pero ni tuldok hindi siya nag-abalang reply-an ako.

Ginapangan ako ng inis sa katawan. Pakiramdam ko tuwing sini-seen niya lang chat ako sa kanya parang binabalewala niya na rin ako. At parang inaapakan ang pride ko sa ginagawa niya. Ang shallow ba?

Lumipas ang apat na araw, wala pa rin siyang paramdam. Often kong chinicheck kung online siya. Ilang beses ko na siyang naabutang online, pero hindi niya ako kinakausap.

Sa ikalimang araw, nang icheck ko ang conversation box namin, nakakita ako ng maliit na tsek sa ilalim ng last message ko sa kanya. Meaning na-seen na niya. Pero wala pa ring reply. Ni hindi manlang ako kinamusta o ano.

Habang tumatagal lalo akong naiinis sa kanya. At sa sarili ko. Inis na inis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong sanayin ko ang sarili sa kanya. Hindi na ako nadala kay Zeo! Eto na! Dumating na ang time na binabalewala na lang niya ako.

"Baklaaaa!!"

Nakawala ako sa malalim na pag-iisip dahil sa sigaw ni Bia.

Nakarinig ako ng mabibigat na yabag papunta dito sa kwarto ko. Tumingin ako sa pinto at hinintay siyang lumitaw. And as she did, tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ano 'to?" Tinaas niya ang phone niya. Pinakita niya sa akin ang screen kung saan nakikita ko ang Facebook News Feed.

Sumampa siya sa kama ko. "Anong hugot mo dito sa status mo?" She paused. May binasa siiya sa phone niya. "Ang dali mo kong sanayin sa'yo, ang dali mo rin akong balewalain."

Napailing ako. Humarap ako sa notebook ko at pilit na pinagtuunan ang mga nakasulat doon. Nagsisimula na akong mag-review dahil dalawang linggo nalang midterm exam na.

"Wag mo ng pansinin yan," sabi ko kay Bia.

"Weh? Makakapag-aral ka ba ng maayos kapag may gumugulo sa isip mo?"

"Pipilitin ko."

"Come on, you can share it with me. I'm your human diary, remember?"

Napatingin ako sakanya.

"About ba ito kay Travis?"

Hindi ako sumagot. Nag-iwas lang ako ng tingin.

I heard her sigh. "Naka-move on nga sa isa, na-inlove naman sa iba."

Muli akong napatingin sa kanya. "No way. Inlove agad? Diba pwedeng nasanay lang talaga ako sa kanya kaya hinahanap hanap ko siya?"

Natigilan ako. Bakit ko nasabi ang huli?

Binigyan ako ni Bia ng kakaibang tingin. "Sabagay, mahirap naman talagang nasasanay sa isang tao lalo na kung walang kasiguraduhan."

Tumango ako.

Nag-ring ang phone ko. Napangiti ako dahil si Kuya Nikko ang tumatawag.

Agad ko itong sinagot. "Yes, Kuya?"

I looked at Bia. Ngumiti siya at nag-thumbs up. Pagkatapos lumabas na siya ng silid ko.

"Nandito ako sa coffee shop malapit sa dorm mo. Puntahan mo ako ngayon na dahil mamaya may ka-date na ako."

Natawa ako. "Ganyan ka naman, eh! Mas mahal mo pa 'yang ka-date mo kaysa sakin."

"Pareho ko kayong mahal, Sistar. Kaya yung pangako mong libre sa akin ngayon mo na tuparin."

Malabong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon