Chapter 1
Cherry's Pov
Nakaraan
This was the last day we were bonding as friends, and I was very excited kasi first time naming magkasama ni Mike as a couple. Mahigit isang taon ko na siyang sinagot. I don't know how to feel I'm so excited kasi siya ang unang lalaking makaka-date at makasama ko sa Js prom. Siya ang unang lalaking minahal ko. Binilisan ko dahil kanina pa tumatawag si Sarah. Kahit nakikita ko siya sinagot ko pa rin ang tawag niya.
"Hello." mahinang sagot ko.
"Cherry, nasaan ka?" Nakakabusangot na mukha.
"Pupunta ako diyan." Habang nakatingin kay Sarah.
"Ok! Bilisan mo muna, bye." Lumapit ako sa likod niya; Kinalabit ko siya. Lumingon siya sa akin. Parang nakakita ng multo ang mukha ni Sarah.
"Nandyan ka na pala. Nagulat ako sayo. Eh kakatawag ko lang sayo." Tinawanan ko lang siya. Nakasalubong na naman ang kilay niya.
"Tumawag ka kasi nasa gate na ako; syempre excited ako. Nakita mo ba si Mike?"
"Doon sa may garden."
"Let's go." Yaya ko kay Sarah. Excited na akong makita si Mike. Sumunod lang sa'kin si Sarah nung huminto ako malapit sa puwesto nila Mike, seryoso ‘yong mukha nila na parang nag-uusap sila. Napatingin ako sa kanilang lahat ay si Ray lang ang hindi ko makita sa grupo nila. Hindi ko maiwasang hindi makinig sa mga usapan nila. Mukha nila na parang tuwang-tuwa na hindi naghahalo-halo ang kanilang emosyon.
"Bakit tayo katayo dito? Ayan na sila! Wala ka bang balak na lapitan sila?" Napatingin lang ako kay Sarah. Hindi ko alam kung anong nararamdaman akong kakaiba.
"Hoy!" Kaasar din 'to si Sarah, basag trip din isang ito.
"Wag kang maingay; mukhang seryoso ang usapan nila." Tumingin sa'kin si Sarah.
"Don't say we'll listen?"
"Iyon nga!" sabi ko kay Sarah habang hinihila ko siya papunta sa kanila. Oa na kung oa. Gusto ko lang marinig ang usapan nila.
"Grabe ka Cherry; kailan ka pa naging chismosa?"
"Ang ingay mo kasi; samahan mo ba ako o maingay ka? Mabubuking tayo.”
"Ano pa bang magagawa ko? Ang gulo mo din." Hindi nila kami napansin kahit malapit kami dahil busy sila sa pag-uusap. Maya-maya may lumapit sa amin. Nagulat kami ni Sarah. Sa sobrang gulat ko ay muntik ko nang itulak si Sarah. Dahil siya. nasa unahan ko.
"Anong ginagawa niyo diyan?" Sabay kaming napalingon ni Sarah. Tumawa lang ako habang nakaharap sa kanya. Minsan talagang panira rin si Ray, magkasintahan nga sila. Ang dami niyang tanong, eh!
"Ewan ko kay Cherry; trip nito."
"Pssssst ang ingay mo." Hinila ko na lang si Ray makita pa kami sa ginagawa niya. Narinig ko ang boses ni Jhun. Siya ang pinakamalakas na boses sa kanila.
"Pare mukhang ang saya saya mo ah. ngayon?”
"Of course Jhun, Anna, and I." Napatingin ako kay Ray. Naramdaman kong nakayuko si Ray at hindi siya makatingin sa akin. Sino si Anna? Anong sinasabi niya na sila? Naguguluhan ako. Anna Guavas si Anna lang ang kilala ko habang nakatingin kay Ray.
“Ano?” Malakas na sigaw ni Emz. Kahit ako nagulat din sa kanya. Napatingin ako bigla kay Emz.
"Teka paano si Cherry? Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pangalan ko. Napakapit ako kay Sarah na para bang hindi ako makahinga sa nalaman ko. Kaya naman iba ang pakiramdam ko sa mga kilos nila. Madalas kong napapansin pero binabalewala ko lang.
"Emz , relax lang; alam natin na si Cherry lang ang pustahan natin." Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Mike ay parang sinaksak niya ako; hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Seryosong tumingin sa akin si Sarah.
"Pero paano si Cherry? Naging mabuti siya sa amin,hindi ba?" Depensa ni emz,
"Oo nga." reaksyon din ni John.
"Baka nagbibiro ka lang, kami kasi halata naman na gusto mo si Cherry; ayaw mo lang aminin."
"Wala akong gusto sa kanya ok! Rod, ngayon pa ako aatras. Usapan ay usapan."
""Tangina, Mike, ikaw na! Grabe ka, dalawa ang girlfriend mo."
"Stupid George, ang ingay mo."
"Gago! Paano kapag niya nalaman?"
“Kung walang magsusumbong," sabi ni Mike. Parang tumigil ang puso ko ng ilang segundo; Wala akong narinig mula sa kanya. Ang sakit ay niloko niya lang ako; Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nagulat ako nung lumapit si Anna sa amin. Isa-isa pa kaming binati ni Anna na ikinagulat naming tatlo.
Kung makabati naman ito. Maririnig mo sa kabilang sulok. Huli na para makita kami ni Mike. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Lumingon sila sa amin. Seryoso silang tumingin sa amin, ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin; nalilito akong malaman. Wala akong nagawa kundi tumalikod at iwan si Anna. Sumunod lang si Ray, at si Sarah, nakatayo lang ako sa dulo; hindi kita ng mga tao Tahimik lang akong nag-iisip hanggang sa marinig ko ang galit na boses ni Sarah. Napatingin ako sa kanila. Mukhang nadamay pa ako sa kanila sa gulo. Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Alam mo ba ito Ray?" Tahimik lang kaming tinignan ni Ray.
"Shit naman oh!" sigaw ni Sarah. "Sumagot ka?"
"Sorry pero binalahan ko sila."
"So, alam mo, bakit hindi mo sinabi sa amin?"
"Akala ko nagbibiro lang sila, gusto lang nilang pagtripan si Mike.”
"Ewan ko sa'yo. Magsama kayo ng kaibigan mo, mga manloloko." Hinila ako ni Sarah.
"Sarah." Tawag ni Ray sa kanya.
"Wag kang sumunod." pananakot ni Sarah kay Ray. Naawa ako kay Ray, pero bakit hindi niya sinabi sa akin na alam niya? Nang makita ko si Patrick na naglalakad papunta sa amin, binitawan ko si Sarah at hinila ko si Patrick na nabigla sa akin.
"Uuwi na ba tayo? " sabi ko sa kanya,
"Huh?" gulat na sabi ni Patrick sa akin.
"Ah! Kararating ko lang."
"Hoy Patrick, kung alam mo lang ang nangyari kanina. Nakakainis kung narinig mo lang ang pinag-uusapan nila. Manloloko si Mike. Ang sarap pag sasapakin! Kung hindi lang ako hinila ng kaibigan natin. Naku talaga.” Hindi na ako nagsasalita habang nakatingin lang sa amin si Patrick.
"Why what happened?" Naging seryoso si Patrick. Tumingin siya sa akin.
"Gagi, pinaglaruan lang ang feeling ni Cherry; masarap sapakin."
"Gago Mike, dapat tinuruan siya; hindi puwedeng ganito. Nasaan siya? " Tumalikod si Patrick para puntahan si Mike. Bigla akong kinabahan na lumapit kay Patrick.
"Saan ka pupunta Patrick?" Hinabol ko siya.
"Lintik makakatikim ‘yong lalaking ‘yon."
"Please! Wag na! Alis na lang tayo," mahinang sabi ko kay Patrick.
"Paano ka? Niloko ka ng gago."
"Hayaan na lang natin siya. Ayokong pag-usapan ito; Gusto ko nang umuwi."
"How about a party, Cherry?" sigaw ni Sarah sa akin.
"Aalis na ako, Sarah; maiwan na lang kayo ni Patrick para mag-enjoy."
"Ano! Naririnig mo ba ang sarili mo, Cherry? Paano kami magiging masaya kung ang isa sa ating mga kaibigan ay hindi makapaglibang? Sasamahan ka namin kung aalis ka; paano kami magiging masaya kung hindi ka naman masaya, diba Patrick?" paulit ulit na sabi ni Sarah. Napayuko na lang ako.
"Tsk! Tama ka, Sarah, baka hindi ko na mapigilan kapag nakita ko si Mike; kumukulo ang dugo ko sa kanya." Napatingin na lang ako sa dalawa. "Let's go. Hilahin ko sila.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)
RomansaUltimate barkada series Series#1heartbroken Mike and cherry Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Series#5-d...