Chapter 3
Cherry's Pov
Tiningnan ko lang si Tita. Hindi siya mapakali kanina, ngayong uuwi na si Mike galing abroad. Miss na miss na niya ang anak dahil limang taon nang hindi umuwi si Mike. Dahil ba sa akin kung bakit hindi siya makakauwi o dahil hindi niya kayang iwan ang kanyang girlfriend. Sabagay, maganda naman talaga ang girlfriend niya; kahit sino pa siya, hindi niya ito ipagpapalit.
"Tapos na ba ang lahat?" sabi niya sa amin. Nagulat ako bigla sa nagsalita. Hinarap ko si tita.
"Opo tita. Relax lang po," natatawa kong sabi sa kanya.
"Hindi kasi ako mapakali ngayon dahil nakauwi na si Mike." Natatawa na lang ako sa reaksyon ni tita; masyado siyang masaya sa pagbabalik ng kanyang anak. Nagtagal din si Mike sa ibang bansa. Iyon ay dahil si Mike ay doon siya nag-aaral na kasama ang kanyang unang pag-ibig hanggang sa siyang nag trabaho siya. Napaisip ako bigla. Hinampas ko ang mukha ko kahit anong lumabas sa isip ko.
"Hoy, Mare, excited ka talaga." Lumingon ako sa likod ko, at biglang sumulpot si Tita Maxine.
"Siyempre buti na lang naisipan ni Mike na umuwi dito, sobra kung namiss." pagmamalaki ni tita.
"Sabagay namis ko rin pamangkin ko 'yon."
"Ano pa nga ba, Maxine? Namiss ko ng sobra ang anak ko. Sana nandito na lang siya." Nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Relax ka lang, anong ginagawa mo? Nahihilo ako sa'yo."
"Opo, Tita Maxine, si mommy po." Biglang sumulpot si Rio mula sa kung saan. Pinagalitan siya ng mama niya.
"Tumigil ka! Diyan ka lang; tulungan mo ang si, ate Cherry mo." Lumingon lang ako sa kanila.
"Ok, mommy." Natawa ako sa reaksyon ni Rio; hindi man lang siya mautusan.
"Pasensiya na sa kulitan ni rio," biglang sabi ni Tita. Nagulat kaming lahat Ng may sumigaw
"Nandito na sila Mike," sigaw ni Manang. Si Manang na kasama ko mula pagkabata. Nung narinig kong nandito si Mike, hindi ako makagalaw, at bigla akong nataranta sa kinatatayuan ko. Maingat akong umalis at nagtago. Hindi pa ako handang makita siya. Tumakbo si Rio sa harapan niya.
"Wow kuya ang pogi mo." Narinig kong bati ni Rio habang tumatakbo palapit sa kuya niya.
"Teka, kapatid mo lang ba?" Si John ay hindi magpapatalo. Baliw talaga si John at hindi susuko.
"Syempre kayong lahat, Kuya John." sabay tawa ni Rio.
"Yan ang gusto ko sayo!" Magkasundo pa Ang dalawa.
"Kuya, pasalubong nasaan na?" Niyakap niya ng mahigpit ang kapatid niya, sabik na sabik. Na-miss niya si Rio kahit makulit siya; best sister pa rin siya ni Mike. Papalapit na rin si tita, kaharap si Rio. Habang ako palihim napasilip sa kanila.
"Bata ka, kulit kulit mo; kakauwi lang ng kapatid mo, pakainin mo muna."
"Excited lang po ako mommy. Relax lang po."
"Sige ihanda mo na ang pagkain." Napansin ni tita na wala ako. Kinabahan ako nang banggitin ni Tita ang pangalan ko.
"Teka, nasaan si Cherry?" Kinabahan ako bigla sa pinagtataguan ko.
"Hayaan mo na mommy, naiwan sa kusina, dumating si kuya! Loko Rio kahit kailan talaga. Pagtingin ako sa kanila. Bakit wala si Anna? Hindi ba niya alam na umuwi na ang boyfriend niya o baka naman isusurprise niya lang, sabagay mahilig kasi si Mike sa mga surprises
"Tawagan ko na lang,” sabi ni Rio. Natataranta akong tumakbo ng mabilis, akala ko makikita nila ako. Dumiretso ako sa kuwarto ko, napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Ate Cherry," sigaw niya sa akin naramdaman kong papalapit si Rio sa kuwarto ko. Tinawag niya pa ako ulit. Naramdaman kong pumasok si Rio. Napalapit na lang ako sa kaniya.
"Bakit ka nandito sa kuwarto. Hinahanap ka ni Mommy; kami ay kumakain na," mahinang sabi nito sa akin. Ako naman, hindi ko alam sasabihin ko; I'll make excuses; Nakatingin lang ako kay Rio.
"May ginagawa pa kasi ako, may tinatapos ako. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ko." Napayuko ako bigla.
"Mamaya na ‘yan; kumain muna tayo. Nagluto ka pa, tapos wala ka naman."
"Ha? Hindi naman ako nagluto si Tita Carmen. Tumulong lang ako." Hindi ko masabi ng maayos.
"Kahit na, nagluto ka pa rin, halika na." Pangungulit na naman ni Rio. Iniisip ko, baka nagkabaliktad si John ang tunay niyang kapatid—pareho kasi silang makulit!
"Eh! Dahil?" Paano ko sasabihing hindi pa ako handang makita si Mike? Makulit pa rin si Rio; hindi niya ako titigilan. Kailangan kong makapag-isip ng hindi niya tinatanong.
"Kasi! Kailangan kong tapusin ito! Para maihatid ko bukas; sayang naman." Lahat ng palusot ko.
"Masipag ka talaga ate." Tinawanan niya ako.
"Sige basta ‘wag kang magpapagutom. Aalis na ako ate." Nakahinga ako ng maluwag.
"Oh! Saan ka galing, Rio?" Nakasalubong niya si Mama nang Sumilip ako habang papaalis si Rio sa kusina.
"Kay ate Cherry Manang."
"Oh siya,kumain ka na; puntahan mo sila na kumakain sa kusina."
"Go ahead." Ang ingay-ingay pa talaga ni Rio sa narinig ko.
"You're not calling me. Hoy kuya, siguradong mag-eenjoy ka dito." Loko Rio. Sinadya pa talaga para marinig ko ang usapan nila. Malapit lang kasi ang kuwarto ko sa kusina, makikita mo kung sino ang kumakain.
"Mukhang masarap. , di ba Mike?"
“Well, Emz, busog na naman ako. Kapag nandito na ako, sarap na sarap akong kumain, di ba, Rio?"
"Oo! Kaya gusto mo dito, Kuya John." sabay tawa ni Rio. Nagpapahiling na lang ako. Nagsama si Rio at John sa kalokohan.
"Hoy Kuya, kanina ka pa lumilingon; sinong hinahanap mo?” Loko talaga. Sarap tirisin si Rio, pero assuming ako na hinahanap niya pero tingin ko si Anna ito.
"Kanina pa kita tinatanong ah!" sabay tawa ni Jhun.
"Hindi naninibago lang ako."
"Huwag mo kaming lokohin, pagdahilan."
"Oh siya magpakabusog kayo?" Sabi ni Tita sa kanila.
"Kakainin talaga kami. Ang sarap!" Sabay nilang sabi habang tumatawa. Bumalik na ako sa kuwarto ko. Sa pagiging tsismosa, kanina pa ako nakikinig sa kanila. Bigla akong nahulog sa kama ko, nahihilo. Pumikit ako.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)
RomanceUltimate barkada series Series#1heartbroken Mike and cherry Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Series#5-d...