Chapter 16
Mike's Pov
"Oh Mike!" Bakit mo naisip ang puntahan kami gabi-gabi na? May problema ba?" Lumapit ako kay John at umupo sa tabi niya.
"It just makes me think about what Cherry went through." Napatingin sila sa akin.
"Alam mo, bilib nga ako kay Cherry. Kinaya niya lahat. Teka, paano mo nakilala John?” I remembered the night they introduced us to Cherry's family. I wondered how he knew
"Lagi ako sa bahay nila Mike araw-araw. Lagi kong nakikita si Charlz na nakatayo sa labas. Hindi ako nakatiis. Lumapit ako sa kanya. Tinakot ko pa siya kapag hindi niya sinabi ang totoo. Buti na lang lumabas si Mama Nang. Muntik ko na siyang tawagin sa guard. Ipinaliwanag sa akin ni Mama Nang na kilala niya si Charlz at humingi ng tulong. Nung una nagdadalawang isip ako, pero kita ko sa mata niya na seryoso siya. Tinawagan ko sina Patrick at Sarah para humingi ng tulong sa kanila. Tinanong namin sila kung nagsasabi sila ng totoo. Nakilala ko ang mga magulang ni Cherry, at napatunayan kong nagsasabi siya ng totoo dahil kamukha niya si Cherry. Alam mo ba kung gaano kalaki ang pinagdaanan nila?" Sabi ni John sa amin. Ang daming kuwento ni John, lalo na ang lahat ng detalye, sa simula pa lang. Napailing na lang ako, ang lakas makatsismis ng loko na 'to.
"Ang tapang ni Cherry; nalagpasan niya ang lahat ng ito! She must have been hurt again and again." Na Tahimik lang ako sa sinabi ni George. Isa ako sa mga nanakit sa kanya.
"It's really impressive that they all coped. Ang hirap kaya. May isang bata na hindi niya nakakasama, pero dahil sa pagsubok, kinaya niya ang lahat. Kaya ako sa iyo, Mike, huwag mong saktan si Cherry; lagi na lang siyang nasasaktan? Tama, minsan mo na siyang niloko."
"Hindi naman sa ganoon Jhun. Nainlove lang si Mike," sabi ni Ray na seryosong nakatingin sa amin.
"Tangina! May nagmamahal ba sa dalawang-dalawa?" Napatingin ako sa sinabi ni John. Sa aming lahat, si John lang ang seryoso sa aming magkakaibigan, kaya si Tin lang ang minahal niya.
"Tama na iyan, kahit saan mapunta ang usapan na ‘yan, tapos na, nangyari na. Ngayon itama na niya, mali niya, ‘yon lang ang magagawa ni Mike para kay Cherry." Umakbay sa akin si Rod.
"Sana all may hugot na message." sabay tawa ni John. Minsan nakakaloko, hindi mo alam kung seryoso siya. Sabay-sabay nilang binatukan si John.
"Inom na lang tayo," sabi ko sa kanila
“Mabuti pa nga,” sabay-sabay nilang sabi. Ang dami naming kalokohan, pinagkaisahan namin si John. Ang loko kasi, ang daming drama kaya kanya-kanya kaming nagsialisan. Iniwan namin si John. Umuwi na rin ako, at napadaan ako sa may kuwarto ni Cherry.
Kumatok muna ako. Alam ko namang tulog na siya sa ganitong oras — mag-11:30 PM na kasi. Pero dahil gusto ko siyang laging kasama (araw-araw naman kami nagkikita), gusto ko pa rin ‘yon — lagi ko siyang nakakayakap. Kahit na pinagbawalan ako ni Manang, hindi ko mapigilan lumapit kay Cherry. Maingat kong pinihit ang doorknob at sa gulat ko, natumba ako pagkabukas ni Cherry. Nawalan ako ng balanse at napayakap sa kanya. Siguro dala na rin ng alak kaya ako natumba. Napakunot-noo lang siya at nakatingin sa akin.
"Bakit gising ka pa?" Seryosong sabi niya. Tumawa ako at agad akong humarap sa kanya pagkapasok ko sa kuwarto. Hinila ko siya papasok at ni-lock ang pinto.
“Anong ginagawa mo?”
“Sleep,” sabi ko sa kanya.
"Matutulog ka! Bakit ka nandito sa kuwarto ko?"
"I want to! Why? I always sleep here with you." hinila ko ulit siya. "Tulog na tayo." Nasa kama na ako. Nakatingin lang siya sa akin.
"Hindi ka ba inaantok babes!"
"Hindi! Nawala na antok ko sa'yo; bahala ka diyan." Maramdaman kong aalis na siya. Hinila ko siya, at natumba siya. Agad ko siyang sinalo at niyakap sa ibabaw ko. Nakita ko sa mukha niya na namumula siya. Ako naman, niyakap ko siya ng mahigpit at hindi hinayaan mawala siya.
"Bakit ka ba pumapasok sa kuwarto ko? Napapansin kong palagi mo akong niyayakap. Hindi naman sa hindi kita pinipigilan; ginagawa mo na lang palagi. Nag usap na tayo diba?" sabi niya. Sa daldal niya, wala akong sinabi sa kanya na titigil na ako.
"Bakit anong pinag-usapan natin?"
"Magkaibigan lang tayo."
"Eh! I can't help it kasi lagi kitang namimiss," sabi ko sa kanya. "Parang gusto kitang yakapin."
"Ang dami mong kalokohan. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas."
"Saan ba tayo pupunta? Nagde-date ba tayo?" Natawa ako nang makita ko ang mukha ni Cherry.
"Anong magdadate ka diyan? Para sabihin ko sayo na sasama tayo sa kapatid mo?"
"Gano'n na rin 'yon, magdadate na rin tayo, kasama lang ang kapatid ko.”
"Hindi ‘yan date, iba yon."
"Anong pagkakaiba! Date ‘yon."
"Bakit ang kulit mo?"
"Ikaw Ang makulit." sabay yakap ko ulit sa kanya.
"Bakit ba? Hila ka ng hila."
"Ang kulit mo kasi."
"Ikaw ang makulit sa ating dalawa."
“Ikaw kaya!” natatawang sabi ko kay Cherry. Namimiss ko na ganito kaming dalawa; hindi siya sumusuko.
"Oh! Bakit ka natawa diyan?"
"Wala lang namiss ko lang. Alam mong masarap maging ganito na lang tayong dalawa lagi, kasi dati hindi ka nagpapatalo."
"Eh! Ang kulit mo," sabi niya ulit.
“Ikaw!” natatawang sabi ko sa kanya.
"Sige na nga! Ako na, ako na. Umalis ka na, matutulog na ako. Puwede ba, 'wag kang yakap nang yakap?"
"Ang sarap yakapin na para kang unan."
"Anong unan?"
"Malambot." sabay tawa ko. Hinampas niya ako ng unan na hawak niya.
"Gagawin mo akong unan. Para kang-------." Tumigil ang mukha niya sa malalim na pag-iisip.
"Tulad ng ano?" Nakatitig siya sa akin.
"Para kang aso! Sunud-sunod."
"Guwapong aso, at least sinusundan ka para bantayan ka." Tinawanan ko lang siya.
"Iwan ko sa'yo, bahala ka diyan." Nakatalikod siya sa akin. Niyakap ko na lang siya. Pakiramdam ko ay nakatulog na si Cherry.
"Goodnight, love!" Sabi ko sa kanya natulog na din ako
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)
RomanceUltimate barkada series Series#1heartbroken Mike and cherry Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Series#5-d...