Chapter 17
Cherry's Pov
"Bilisan mo, naghihintay na si Mike." Narinig kong sumigaw si tita.
"Mommy, nagpapaganda pa kami ni Ate Cherry; hindi ka ba sasama sa amin, mommy?"
"Huwag na lakad niyo iyan; Gusto ko, bago mag dilim, nakauwi na kayo dahil magluluto pa ako."
"Opo mommy tara na po ate Cherry." Sabay hila ni Rio sa akin. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Sa totoo lang, kanina pa ako kinakabahan dahil sa kakulitan ni Rio. Kung ano-ano ginagawa sa mukha, pero nung umalis siya, hinubad ko na lang; Hindi ko kailangan ng make-up. Okay na ito; Wala akong make-up dahil hindi ako sanay. Nag-aayos lang ako kung talagang kailangan; may okasyon. Ilang beses na akong nagpapalusot, at parang alam niya na nagsisinungaling lang ako. Pinaakyat pa ako ni Rio sa kuwarto niya para ayusin ulit. Nagulat ako nang tapikin niya ako sa likod. Sa lalim ng aking naiisip. Bigla niya akong hinila na parang robot na sumusunod sa kanya. Naghihintay na si Mike sa labas. Napatigil ako nang makita ko siya.
"Wow? Ang gaganda ng mga prinsesa mo mommy." Tinitigan niya talaga ako.
"Bolero.” Hinirapan ko siya.
"Gano'n talaga, Kuya, di ba Ate Cherry? Makikita mo, may mai-in love kay Ate Cherry." Hinarap kami ni Mike.
"Subukan lang nila mapalapit sa mahal ko at papatayin ko sila." Nakatingin siya sa akin.
"Tara na, ang dami mong sinasabi kuya, aasarin mo na naman si Ate Cherry. Tignan mo nakakunot ang noo niya.” Hindi ko na lang sila pinansin. Nagpaalam na ako kay Mama Nang. Nakangiti pa rin siya at nakayakap sa akin. Bigla akong napangiti kay Mama Nang. Nagulat na hihilahin ako ni Mike.
"Dito ka lang sa tabi ko." mahinang sabi ni Mike.
“Sabi tabi ako ni Rio," mahina kong sabi.
*Hindi puwedeng magmukha akong driver ninyong dalawa," sabi niya, habang tumatawa si Rio na nakatingin sa amin. "Isa pa 'to, mukha talagang pinagkaisahan ninyo ako."
"Bagay naman sa'yo, kuya," pang-aasar ni Rio sa kuya niya. Tahimik lang ako, nakatingin sa kanilang dalawa habang nag-aasaran. Bigla na lang akong hinila ulit ni Mike. Kanina pa ito! Nasasaktan na ako.
“Sumakay ka sa tabi ko," bulong niya sa akin wala akong nagawa, sumakay na lang ako, hindi ako pinapatulan ng lalaking ito nakarating na kami sa mall. Bumaba na kami ni Rio habang nakasunod lang ako sa kanilang dalawa.
"Kuya ang ganda naman ng damit na ‘to."
“Gusto mo iyan?” Hinila niya ang kapatid niya. "Sige na pumili ka na."
"Talagang bibili ka kuya." Tuwang-tuwa si Rio nang tumingin ako sa kanya. Hindi na ako nagtataka na mahilig talaga si Rio sa pananamit. Sa kanyang edad sampung taon; mukha siyang model dahil matangkad siya, mas matangkad pa sa akin napakaganda. Napahiling na lang ako. Iniwan ko muna sila at naglakad-lakad mag-isa hanggang mapatingin ako sa isang singsing. Sobrang nagandahan ako. Napaisip ako, sana balang araw may magbibigay din sa akin nito. Bigla akong napalingon nang may marinig akong boses. Hindi nila ako nakita. Hinahanap nila ako habang nag-uusap sila. Nagtago ako sa gilid para hindi nila ako makita.
“Saan pumunta si Ate Cherry?"
"Saan napunta ‘yon?"
"Bakit mo ba ako tinatanong kuya magkasama tayo." Mukha Nagtatalo sila, patingin tingin sa paligid, kanina pa nila ako hinahanap. Natawa naman ako sa reaksyon nung dalawa. Anong sa tingin nila sa akin ay hindi makauwi? Bahala sila, andito lang naman ako sa kabilang puwesto, kahit saan nakatingin. Tumawa na lang ako. Biglang napalingon si Rio at nakita rin niya ako. Loko kasing babae, dumaan at nahapakan niya ang paa ko. Napatalon ako sa sakit.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)
RomanceUltimate barkada series Series#1heartbroken Mike and cherry Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Series#5-d...