Chapter 9
Cherry's Pov
"Oh, bakit ka nagising?" tanong sakin ni Mike. Bigla akong bumangon at tinignan siya ng seryoso. Magkalapit kasi kaming dalawa habang nakangiti siya at nakaharap sa akin.
"Nagulat ako sayo, akala ko tulog ka na," mahinang sabi ko sa kanya.
"Ano sa tingin mo?" Sabay ngiti niya.
"Ewan ko sayo" sabi ko na lang. t
Tumayo ako. Naiinis ako sa ngiti niya.
"Saan ka pupunta?"
"Punta muna ako sa sala," pilosopong sagot ko kay Mike. Nakakabaliw na hinabol niya ako.
"Baka sa sala ka matutulog?" tinuro niya ako.
"Uy hindi sa labas," sabi ko sa kanya.
"Halika, pilosopo ka." Halos makayakap ako sa lakas ng paghila niya sa akin. Nanahimik na lang ako.
"Ano ba? Saan mo ako dadalhin?" mataray na sabi ko sa kanya.
"Saan pa ba sa tingin mo? Papunta lang sa kuwarto natin." Tinignan ko siya ng seryoso.
"Kuwartuhin mo pagmumukha mo. Ayokong katabi ka." Napalingon ako kay Mike ng bigla siyang tumawa habang nakahawak sa tiyan niya. May nasabi ba akong nakakatawa? Problema ba ito?
"Ano bang problema mo?" Napakunot lang ang noo ko. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.
"Tangina Cherry, ayaw mo pa akong katabi. Halos yakapin mo na ako. Nakatulog ka sa tabi ko. Tapos niyakap mo pa ako; kaya hindi ako makatulog sa'yo. Tangina, ang likot mo matulog. Paano na kaya kung magkasama tayo?” Sabay tawa niya. Anong yakap ang sinasabi nito. Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Hindi mo maalala. May amnesia ka agad. Kunwari ka gusto mo lang akong makasama. Sabihin mo lang Cherry na handa akong sumama sayo. Kahit yakapin mo ako magdamag basta ikaw ang kasama ko.
"Nangarap ka," mahinang sabi ko sa kanya siya. Tinawanan niya lang ako.
“Gusto mo, ipakita ko sa'yo kung paano mo ako niyakap?"
"Ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko na lang siya. Hahaba pa ang usapan namin dalawa. Bakit ba kasi ang kulit ng isang 'to!"
"Tara na." Hinila ako ni Mike. Nagmamatigas ako sa kanya.
"What the hell? Inaantok na ako. Maaga tayong aalis bukas. Sige kung ayaw mo. Okay lang sa akin na hindi tayo umalis dito." Natahimik ako sa sinabi ni Mike habang tumatawa lang siya. Paanong hindi ako maiinis dahil pinagtatawanan niya ako kanina? Nakakunot ang noo ko habang nakaharap sa kanya.
"Gusto mong buhatin kita. Para tayong bagong kasal. Isipin mo na lang ang honeymoon natin. Wala ka bang naalala sa lugar na ito?" Napakunot lang ang noo ko. Kanina pa niya ito sinasabi. Hindi ko na lang pinansin. Paano ko makakalimutan ang lugar na ito? Dito ko siya unang sinagot. Dito niya ako dinala dahil sa pagkakaalala ko, tumakas kami sa mga kaibigan niya. Masyadong magulo. Kahit isang taon pa lang kami ni Mike. Totoo ang nararamdaman ko talaga sa kaniya. Binigay ko ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil isa siyang sweet, maalaga, mapagmahal, at loyal na tao, ‘yon ang mga nakikita ko sa kanya, pero nagkamali ako. Hindi pala siya loyal at mapagmahal dahil lahat ng ipinakita niya ay isang malaking kasinungalingan. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa mga kilos at salita niya. Samantala, mayroon siyang Anna sa kanyang buhay. Ano bang trip niya sa buhay, o gusto niya lang akong saktan? Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Bakit niya ako sinasaktan? Ang gusto ko lang naman ay mahalin niya ako, pero hindi! Ito ang aking kapalaran.
"Hindi ka ba kikilos?" napalingon ako sa kanya. Masyado akong nag-iisip. Nakaharap lang ako sa kanya.
"Nandiyan na po." Nagulat na lang ako ng bigla akong binuhat ni Mike.
"Ano? Bitawan mo ako.”
“Inaantok na ako; gusto ko nang matulog."
"Hindi ko dala ang kama!" Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon sa kanya.
"Ang bigat mo, bebs." Binaba na ako ni Mike ng daan-daang dahil sa kakulitan ko; pareho kaming nahulog sa kama. Niyakap ako ni Mike. Nakatitig lang ako sa kanya. hindi ko kaya gumalaw. Nagkatinginan kaming dalawa. Unti-unti kong nararamdaman na hahalikan na niya ako. Pumikit ako at dinama ang bawat halik ni Mike. Hinalikan niya ako ng matagal at niyakap niya ako ng mahigpit. Bigla ko siyang tinulak. Pero hindi ko magawa malakas siya sa akin. Muli akong niyakap. Ngumiti lang siya sa akin. Hinalikan niya ako ng walang sabi-sabi. Muli akong dinala sa bawat halik niya nang maramdaman kong iba na ang kinikilos ni Mike. Tinulak ko siya ng malakas. May muntik nang mangyayari sa amin. Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya akong humarap sa kanya. Napada lang si Mike; hindi man lang siya makatingin sa akin.
"Sorry," mahina niyang sabi.
"Dito ka lang sa tabi ko. Mahal na mahal kita," bulong niya sa akin. Tumingin lang ako sa kawalan.
"Umalis ka! Hindi mo ako mahal. May mahal kang iba. Bakit mo ba ako ginugulo?" Lumingon ako at hindi ko na mapigilan umiyak sa tabi niya. Maya-maya, lumapit sa akin si Mike. Niyakap niya ako. Sinubukan kong tanggalin pero niyakap niya ako ng mahigpit.
"Papatunayan ko sayo na mahal na mahal kita. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon. Gusto ko lang magkaayos tayo. Mahal kita, nagkamali ako. Please give me a second chance?"
"Ayoko nang umasa; masakit Mike. Nakalimutan ko na ang lahat, kaya hindi puwede. Paano kita mapagkakatiwalaan kung alam na ng lahat kayo ni Anna tapos ngayon sinabi mong mahal mo ako.
Ano 'to, naglalaruan ba tayo? Dahil ba sa tingin mo hindi ako karapat-dapat mahalin? Gano'n ba tingin mo sa'kin? Isang laruan lang ako, tapos pag nagsawa ka na, iiwan mo lang sa isang sulok. Tapos sasabihin mo na hindi mo ako mahal, na may mahal kang iba. Gano'n ba 'yon? 'Yan ba ang tingin mo sa'kin? Ano ang tingin mo sa akin? Isang laruan kapag luma ay maiiwan at papalitan ng bago, Mike?" Paulit-ulit kong sinabi sa kanya. Kahit na sirang plaka ako paulit ulit na sinasabi dahil ‘yon ang nararamdaman ko.
"Handa akong maghintay; patawarin mo lang ako. Mahalin mo lang Cherry; I promise you na hindi na mauulit." Tinignan ko siya ng masama.
"May girlfriend ka, Mike. Paano mo nasabi sa akin 'yan?”
"Wala na kami. Hindi nagtagal ang relasyon namin ni Anna.” Hindi na lang ako sa pagsasalita.
"Matulog na tayo," hinila niya ako pabalik. Hinalikan niya ulit ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya. Ang taong ito ay baliw; kanina pa niya ako hinahalikan. Hinarap ko siya. pinalo ko siya. Tinawanan niya lang ako.
"Sweetdream beautiful." Nakatalikod lang ako sa kanya. Nagkunwari akong natutulog. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)
Roman d'amourUltimate barkada series Series#1heartbroken Mike and cherry Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Series#5-d...