Chapter 10

78 5 0
                                    

Chapter 10 

Cherry's Pov

 "Saan kayo galing kagabi?" Napatingin ako kay Tita na seryosong nakatingin sa amin. Kinabahan ako bigla. Ito ang sinasabi ko itatanong nila sa akin. Napatingin ako kay Mike na nakangiti lang. 

Ang sarap iuntog sa pader ng lalaking 'to!

Sukat bang hilahin ako sa tagaytay para makapag-usap kaming dalawa? Paano ko ito sasabihin? Kailangan kong mag-isip ka ng paraan. Parang sirang plata ang kinakausap ko sa sarili ko. 

"Hoy! Ate anong nangyari sayo? Saan kayo galing? Sabay pa kayo, wala ni Kuya Mike.” Nagulat ako bigla ng sumulpot si Rio out of nowhere. Napatingin ako sa kanya sa sinabi ko. Nakakahiya na talaga. Napatingin ako kay Mike. Hindi man lang nagsalita. Nakatingin lang siya sakin ng nakakaloko. 

"Eh kasi------." Isipin mo si Cherry sinabi ng utak ko. 

"Eh kasi tita ------." napayuko ako. "Kasi ---- Dumating si Bryan, nagkayayahan kami, napasarap ang usapan namin. Nahihiya akong umuwi agad." Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon. 

"Sana nagtext ka ate! Nag-alala kami sayo." Napatingin ako kay Rio. Naghihintay, paliwanag ko. 

"Eh kasi ------------ Naiwan ko phone ko," mahinang sabi ko kay Rio. Ako ay isang todo  sinungaling sa kanila. Napatingin ako kay Mike habang tumatawa siya at nakatingin sa akin. Badtrip ang lalaking ito! Habang siya naman ay tumatawa lang. Nahihirapan akong magpaliwanag. First time kong umalis ng hindi nila alam. Sinasabi ko sa lahat kung saan pupunta kaya ganyan sila ngayon. Hindi ko naman sila masisi na magtanong sa akin. Ikaw ba naman, hindi umuwi ng gabi, talagang kakabahan ka. Dahil sa lalaking ito, ngayon lang ako nagsinungaling sa kanila. Kung wala lang ako sa harap nila tita natamaan ko na siya, tawa ng tawa ‘tong lalaking to. 

"Para kang sira. Tawa ka ng tawa." Hinarap ko si tita. Napansin nila si Mike. Kinabahan ako base sa tingin ni Mike sa akin. 

"Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi?" Tanong din ni Mama Nang sa kanya. Tumingin ako kay Mike; baka may masabi siyang masama. Masasapak ko talaga siya. 

"Bakit hindi man lang kayo nagtext? Nag-alala kaming lahat sa inyo, kayong mga bata; kahit malaki na kayo, magpaalam na kayo para malaman namin kung nasaan kayo." 

“Yan po pagalitan mo po manang,” sabi ni Rio. 

"Relax  lang kayo. Ang aga-aga. Ganoon siguro ang umibig." 

"In love ka, kuya." Lumapit si Rio. "Kanino?" 

"Kilala mo siya." Tumawa si Mike habang nakatingin sa akin. 

"Talaga! Sayang naisip ko pa si Ate Cherry. Gusto ko naman  kuya si Ate Cherry para sa'yo. Ang ganda ni Ate Cherry." Tumingin sakin si Mike. Lumapit pa siya ng nakangiti. Sa inis ko, naapakan ko ang kanang paa niya. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Tumingin siya sa akin. 

"Aray! Ang sakit kaya!" Nakatingin siya sa akin. Kinabahan ako nang lumapit si Tita sa amin. 

"Bakit anong nangyari sa iyo, anak?" 

"Wala po, mommy." 

"Oh! Kumain na tayo." 

"Yes," sabay naming sabi. Tumawa ulit si Mike. Nagulat ako ng inakbayan niya talaga ako. 

"Ano ba? 'Wag kang umakbay," mahinang sabi ko habang nakatingin sila sa akin.

"Bakit, babes! Wala namang problema!" bulong niya. Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Kung saan nakahanda na si Mama Nang para sa almusal. Tumulong ako dahil ginagawa ko ito sa umaga. Dahil magkasama kami ni mama nang, tumutulong ako.  Wala akong narinig na sermon kay Mama Nang. Tumabi na ako kay Rio. Ayokong katabi si Mike. Habang tumatawa ang loko. 

"Cherry." tinawag ako ni tita." kinakabahan akong humarap. 

"Kailan ka luluwas ng Manila? Kinausap ako ni John, sabi niya, aalis na kayo." 

"Next week po tita." 

"Ah ganoon ba!" Tumingin sa akin si tita. Naguguluhan ako base sa reaksyon niya na parang may gusto siyang sabihin, hindi ko na lang pinansin. Baka nag-iimagine lang ako. Kumain lang ako. 

"Wag kang umalis dito ate." Ako tumingin kay Rio. kinakabahan ako. Ito na naman siya. Ayokong nasa utak ni Rio. Lagi niya kaming pinipilit ni Mike na gawin ang mga bagay-bagay. Makulit pa rin si Rio. 

"Oo, dito ka na lang," sabi ni Tita. Sabi na eh! Kukulitin naman nila ako.

"Hindi puwede tita, nakakahiya naman sa'yo. Isa pa nandoon po trabaho ko.

"Ano ka ba? Kayo ang pamilya namin." 

"Oo ate, kulang na lang na magkatuluyan kayo ni kuya. That time, ang sweet niyo dalawa. Si ate na lang kuya ligawan mo?"

Sabi ko na nga ba eh! Iba ang iniisip ni Rio kanina. 

"Pag-iisipan ko muna." Nakatingin siya sa akin. Ang loko, sa harap ko pa nakapuwesto.

"Tama ka riyan, sis. Malay mo, maging sweet ulit kami."

"Talaga, kuya! Sabi ko sa'yo, ate, bagay kayo."

“Oh! Baka mapikon si Cherry kayo talaga dalawa." Sabat ni mama nang sa kanila.

"Manang bagay naman sila. Kung ako tatanungin, si Cherry na lang ang gusto ko para kay Mike.”

"Yan ang gusto ko sayo mommy. Oh! Cherry narinig mo yung sinabi ni mommy." Napaharap ako bigla kay Mike. Nakangiti pa Ang loko. 

"Kuya andito ‘yong mga kaibigan mo kagabi. Hinahanap ka nila!" 

"Tumawag nga sila sa akin," sabi ni Mike sa kanya. 

"Bakit sila nandito kuya?" 

"Wala lang may dapat lang kami pag-usapan. Alam mo namang namiss lang ako ng mga ‘yon." 

"Kuya, may lakad ka ba bukas?" 

"Wala, bakit?" 

"Pupunta tayo sa mall bukas Kuya, kasama  si Ate Cherry, para makapag-bonding tayo! Wag mong sabihing ayaw mo. Magtatampo ako sayo ate! Kasama ka bukas!" Bigla akong natahimik. Anong sasabihin ko? Ayokong makasama si Mike. I can't say no. I know Rio; aasarin lang niya ako. Napatingin ako kay Rio. seryoso, naghihintay ng sagot ko 

"Sige, pero hindi puwede bukas; maybe next time," sabi ko sa kanya. 

"Yeah! Sabi ko na ba hindi ako matiis ni ate? Promise me next time!" Tumango lang ako. 

"Tapusin mo na ‘yang kinakain mo." 

"Opo mommy." Sabay pa rin ang magkapatid. Pagkatapos naming kumain. Hinugasan ko ‘yong pinagkainan namin. Pagkatapos kong maghilamos ay nagpaalam na ako kay Mama Nang. Pumunta na ako sa kuwarto ko at nagpahinga. Nagising ako sa malakas na katok. Balak siguro sirain pintuan. Nagising ako ang haba ng tulog ko 6pm. Napatingin ako sa orasan. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto kung sino man ang kumakatok. Nagulat ako ng makita ko si Mike. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya. Namalayan ko na lang na pumasok siya ng walang pahintulot. Napansin kong may dala siyang bulaklak. Kanino niya ito ibibigay? Ginising niya lang talaga ako para ipakita. 

"Nandito ka para tanungin kung maganda ba ang mga bulaklak na ibibigay mo sa girlfriend mo. Sisirain mo talaga ang pinto." Tumawa siya na nakatingin lang sa akin. 

"Ano ang pinagsasabi mo? Dinalhan kita ng bulaklak na ito. Diba sabi ko sayo liligawan kita?" 

"Kailan mo ba ako titigilan? Diba nag-usap tayo kagabi?" 

"Wala ako naalala sa usapan natin. Ano pa ba problema! Lahat sila gusto ka para sa akin." Pang pa aasar niya sa'kin.

"Ewan ko sayo. Umalis ka na?" Tinutulak ko siya palayo. 

"Tara, kain na tayo." Nakasimangot akong humarap sa kanya. 

"Hindi ako nagugutom."

 "Sige, hindi kita pipilitin; aalis na ako. Kunin mo itong bulaklak ko. Isipin mo na bago magpakasal tayo." Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Natatawa siyang umalis. Ang sarap inuntog. Hay nasira araw ko sa kan'ya. Nakatulog ulit

Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon