Chapter 4
Cherry's Pov
Nagising ako ng bigla akong nakaramdam ng gutom. Dahan-dahan akong lumabas. Hindi ko binuksan ang ilaw dahil kukulang ako ng tubig. Madilim, kaya hindi ko napansin na may balat ng saging sa sahig hanggang sa nadulas ako at napasigaw. Ipinikit ko ang aking mga mata, at dahan dahan, pakiramdam ko ay hindi ko naramdaman ang sakit. Bigla akong natigilan ng may yumakap sa akin; kaya hindi ko naramdaman na nadulas ako sa sahig. Napagtanto kong may sumalo sa akin. Nagkatitigan din kami ng matagal. Lumayo ako ng hindi tumitingin sa kanya.
"Hay, may multo sa harap ko!" Ewan ko kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Nagulat na lang ako; kahit matagal ko na siyang hindi nakikita, hindi ko pa rin makalimutan ang mukha niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.
"May multo saan?" Tinawanan niya ako. "Guwapo naman itong multo," sabi niya. Feeling naman nito. Nakatingin ako sa kaniya. Tawa pa ng tawa ang loko. Bigla akong sumimangot. Walang nakakatawa Ang sarap tirisin.
"Teka, bakit gising ka ng ganitong oras?"
"Nothing," mahinang sabi ko. Tumalikod sa kanya.
"Ang sungit-sungit mo na ngayon," sabi niya sa akin. "Kakarating ko lang dito, at ganyan ka." Napatigil ako sa sinabi niya.
"Ewan ko sa iyo; bakit ka bumalik?" palihim kong sabi.
"Anong sabi mo?" Hala! Narinig niya ba ang sinabi ko? Nakakabaliw na tumawa siyang lumapit sa akin; nakakainis naman. Kanina pa siya tumatawa; may nasabi ba akong nakakatawa?
"Of course I missed you! Bakit ba ayaw mo akong makita? You pretend you missed me! Miss mo na ang kaguwapuhan ko." Nagpapacute pa siya pa rin sa harap ko.
"Bakit hindi ka makapagsalita, ang guwapo kong lalaki?" Tawa pa siya ng tawa, at naiinis ako sa kanya. Nakakainis na inaasar niya ako. Pakiramdam niya ay guwapo siya, pero infairness, mas guwapo siya ngayon. Lihim kong sinabi sa isip ko mahirap na marinig Niya.
“Hampasin kaya kita at bawasan ang yabang mo sa ulo,” sabi ko sa kanya. Nakasimangot akong humarap sa kanya.
"Huwag naman! Galit ka pa rin ba hanggang ngayon? I'll even marry you!" Ano ang sinasabi niya? Asa siya mauuto niya ako pagkatapos niya akong lokohin? Asa siya maniniwala ako sa kanya. Kahit nasa iisang bahay kami, hindi na niya ako mauuto. Ang lakas ng loob niyang sabihin. Iniwan niya ako at pinagpalit sa first love niya. Sila ay isang magandang tugma; ikaw ay isang magandang babae. Sabagay bagay silang dalawa.
Napayuko na lang ako, at hindi na ako makapagsalita; mahirap magsabi ng masakit. Ano kaya ang kalokohan nito? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya maintindihan.
"Baliw! Ewan ko sayo."
"Nagugutom ka ba?" sabi niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang kulit, hindi na lang ako nagsasalita.
"Gusto mo ihanda kita." Ang weird niya. Nakakainis siya. Bakit siya ganyan? Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya. Bakit niya ako inaasar? Bakit hindi na lang girlfriend niya? Bakit hindi na lang girlfriend niya pumunta niya?
"Kaya kong kumain mag-isa; bakit gising ka pa? Hating-gabi na." Natawa pa siya sa sinabi ko. Sabunutan ko na 'tong sira ulo na 'to. Walang nakakatawa.
"Inaalala mo ako." Sabay akbay niya pa talaga.
"Concern ka diyan," sigaw ko sa kanya. Hindi ko nakayanang sigawan siya. Tinanggal ko yung kamay niya. Umalis ako sa tabi niya. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin. Nababadtrip na ako, masasapak ko 'to.
"Halika nga dito, mag-usap tayo ng hindi sumisigaw," hinila niya ulit ako.
"Umupo ka diyan at huwag kang umalis." Natigilan ako sa ginawa ni Mike. Hindi ako makagalaw. "Eat, you're making yourself very hungry. Tingnan mo ang payat mo." Napatingin ako sa kanya. Tumingin sa akin si Mike na may seryosong mukha.
"I'm not hungry," kunwaring sabi ko kahit gutom na gutom na ako.
“Sino ba ang niloko mo? Kaya ka lumabas dahil gutom ka. 12 am na. Hindi ka aalis hangga't hindi mo nauubos ito." Tinignan ko siya ng masama.
"Oo na! Marami kang sinasabi. Umalis ka na. Iwan mo ako dito." Tumawa siya at lumapit sa akin.
"I'll go with you."
"At bakit?" sigaw ko sa kanya.
"Kaya kong mag-isa; Sanay na akong mag-isa," sabi ko sa kanya. Limang taon siyang umalis, at pagbalik niya, guguluhin na naman niya ako. Ano wala siyang mapagtripan ako lang.
"Sige. kumain ka na. Ang dami mo sinasabi. Sabay akong kakain para maging romantic, tama! Isipin mo na lang na first date natin! Hindi ka na mag-iisa simula ngayon," seryosong sabi niya sa akin. Naiinis ako na pinaglalaruan niya ako. Hindi pa siya nakuntento, niloko niya ako, tapos ngayon ako pagtitripan niya. Ano bang kasalanan ko! Anong akala niya, sira ako? Hindi ako maniniwala sa mga pa-cute niya. Sa inis, tumayo ako at iniwan siya. Hindi ko kayang makipag-asaran sa kanya, kaya tumakbo ako sa kuwarto. Ang kapal talaga—nagtatanong pa sa akin, hindi ba obvious? Hindi pa talaga nagbabago kung may matitirhan lang ako, nakakabuwisit na araw na ito. Kahit kailan hindi ko makakalimutan ang ginawa niya manloloko. Anong magagawa ko nakikita ko siya dito sa bahay nila araw-araw.
Sana may trabaho na Ako para makaalis na ako. Araw-araw niya lang ako aasarin.
Naiinis ako, parang wala lang sa kanya ang nangyari. Sabagay, hindi naman niya ako mahal. Pinagpalit nga niya ako—hay, hindi pala, pustahan lang. Masakit masaktan ng taong hindi ka naman mahal. Ito 'yung bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko—darating sa punto na makikita ko ulit siya. Naka-move on na ako, tanggap ko na nawala na kami, pero bakit ngayon, nang nakita ko siya muli, bumalik ang sakit. Gano'n siguro kapag mahal mo ang isang tao—masasaktan ka. Tama sila kapag nagmahal ka; wag mong ibuhos lahat dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan gaya ko. Nagtiwala ako sa kanya sa lahat ng sinabi niya. Akala ko ako lang ang mahal niya. Ito ay isang biro lamang; parang panaginip lang ang lahat hanggang sa dinalaw ako, at nakatulog ako sa kaiisip
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)
RomanceUltimate barkada series Series#1heartbroken Mike and cherry Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Series#5-d...