Chapter 15

96 5 0
                                    

Chapter 15 

Cherry's Pov

"Ang tahimik mo anak." Napatingin ako kay Mama Nang. 

"Wala naman!" Sabi ko kay Mama Nang. 

"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari. Siguro oras na para malaman mo ang totoo, anak." Napatingin ako kay Mama Nang nang bigla akong nataranta sa sinabi ni Mama Nang. 

"Anak! Hindi kagustuhan ng mga magulang mo ang naranasan niya noon, nakiusap ako sa kanila na ibigay ka sa akin, ako ang bahala sayo pero hindi ibig sabihin na ilalayo kita sa kanila. Sinabi ko sa kanila noong kahit anong oras na makabangon ulit sila puwede ka nilang kunin pero hindi nila ginawa, simulang nakita nila na masaya ka sa piling ko, ayaw nila guluhin ang buhay mo. Umiiyak sila, anak, kapag nakikita ka nilang malayo. Ramdam ko ang pangungulila nila sa'yo. Gustuhin ko mang ibigay ka sa kanila noon, natakot ako para sa'yo, anak, kasi sakitin ka. Alam ko naman na hindi ka nila pababayaan, pero sa huli, kahit mahirap, tinanggap nila na manatili ka sa akin. Naawa ako sa mga magulang mo. Sobra-sobra ang paghihirap na ginawa ng lola at lolo mo. Pinahirapan nila ang mga magulang mo, anak. Nawalan ng trabaho ang mga magulang mo dahil sa kagagawan ng lolo at lola mo. Wala silang makain, pero kinaya ng mga magulang mo ang lahat ng paghihirap. Bilib ako sa mommy mo. Alam mo ba, lumaki ang mommy mo na sagana sa lahat? Lahat ng gusto niya, nakukuha niya agad. Mayaman ang mommy mo, anak.  Isa sila sa mga sikat na angkan ng mga mayayaman nagkataon lang anak, nainlove ang mommy mo sa isang mahirap; Nag-iisa kasi siyang anak na babae, lalo na't bunso pa ang mommy mo. Sinubukan niyang ilayo siya sa daddy mo, pero dahil mahal na mahal ng mommy mo ang daddy mo, mas pinili niyang magsumikap kasya magpakasal siya sa taong hindi naman niya mahal.  Simula noon, naghirap ang iyong mga magulang. 

Nagalit ako sa mga kapatid ng mommy mo, wala man lang ginawa nang magmakaawa ang mommy mo sa mga kapatid niya. Natatakot sila na baka oras na malaman ng lolo at lola mo na tinulungan nila ang mommy mo kahit  sila walang nagawa para sa mommy mo. Matapang ang anak ng mommy mo, kinaya niya ang lahat ng ito. Lahat ng kanyang paghihirap. Alam mo ba, katulad ka ng mommy mo—ang tapang-tapang mo. Kinaya mo lahat nang hindi ka man lang nagtanong tungkol sa pagkatao mo. Handa akong sagutin lahat ng gusto mong malaman. Handa akong sabihin sayo. Kung balak mo munang bumalik sa kanila handa akong isuko ka." Seryoso akong tumingin kay Mama Nang at nakaramdam ako ng lungkot sa mga mata niya. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Niyakap ko si Mama Nang. 

"Salamat," sabi ko sa kanya. "Salamat dahil hindi mo po ako pinabayaan. Huwag po kayong mag-alala, hinding-hindi po kita iiwan. I am with you," sabi ko kay Mama Nang. 

"Anak! Hindi mo na kailangan. Matagal mo na silang hindi nakakasama. Siguro ito na ang oras para makasama mo sila anak. Andito lang ako lagi. Kahit anong oras, welcome na welcome ka.” Umiiyak akong humarap kay Mama Nang. 

"I won't leave you Mama Nang. Lagi ko silang bibisitahin. I already explained to them when I told them that I need you more Mama Nang, gusto kong bumawi sa lahat ng paghihirap na idinulot mo sa akin at higit pa kay Nanay, tsaka andyan ang mga kapartid ko para alagaan sila. Mama Nang, ako na ang bahala sa iyo. Please Mama Nang, wag mo akong paalisin." Umiiyak akong niyakap si Mama nang magkayakap kami. 

"Magdrama  pa tayo." Tawa kami ng tawa ni Mama Nang. Sinundan ko lang si Mama Nang. Pagkababa namin, sila. nakatingin lahat sa amin, at bigla akong napayuko sa hiya na sobrang lapit ko kay Mama Nang nakatingin lang sa akin si Mama Nang makalapit na kami, ngumiti silang lahat sa akin. Nagulat ako ng hinila ako ni Mike palapit sa kanya umupo pa ako sa tabi niya, at napatingin sila samin. 

"Bagay talaga kayo kuya." Tumawa ang lokong tumingin sa akin.

"Kuya, ate, samahan mo ako bukas," seryosong sabi ni Rio.

Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon