Chapter 12

76 5 0
                                    

Chapter 12

Mike's Pov

"Problema mo, kuya? Kanina ka pa! Puwede bang umayos ka? Magmula pa kaninang umaga, nakabusangot na ang mukha mo." Hindi ko na lang pinansin si Rio. Naiinis ako kasi ngayon sino ‘yong kasama ni Cherry kagabi na nakayakap talaga sa kanya, tapos si Cherry nawala ng maaga? Hindi ko alam kung saan sila nagpunta ni John. 

"What the hell, bro! Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Tinignan ko lang siya ng masama. Inis na lumabas ako at pinuntahan si Rod malapit sa amin. 

"Nangyari sayo!" Napatingin ako sa kanya. 

"Tangina, may hindi sinasabi sa atin ang tangang John na 'yan," sabi ko kay Rod. Seryosong tumingin si Rod. 

"Pakisabi ulit, tama ba ang narinig ko?" 

"Ewan ko basta maaga silang umalis ni John kahapon tapos umuwi si Cherry kagabi may kasamang lalaki. Tapos nakayakap pa ‘yong lalaki." Nagulat ako ng biglang tumawa si Rod. Nakatitig lang ako sa kanya. Tangina isa pa 'to lakas makatawa.

"Ano ba!" sabi ko sa kanya. 

"Tangina! Napakaseloso mo ngayon. Tangina, hindi natin maiiwasan na may magkagusto kay Cherry. Mike, 5 years kang nawala sa kanya. Akala mo walang magbabago. Maganda si Cherry; alam naman natin ‘yon.  Nababadtrip ka dahil may kasama siya, bakit ka nandito? "Wag mong hayaang makuha siya ng iba. Tangina, iniistorbo mo ang tulog ko.” Sabay tawa niya. Sa sobrang inis ko binato ko siya ng unan sa harap namin. Tangina tanghali tapat matutulog siya. Umalis na lang ako at umuwi. Pag-akyat ko, napatingin ako sa kuwarto ni Cherry, andoon na pala siya. Narinig kong may kausap siya. Hindi na ako kumatok; Pumasok ako sa kuwarto niya at nakita kong may kausap siya. Nagulat pa siya nang makita niya ako. Tinignan ko lang siya ng masama. Maya maya ay nilapitan ko siya ng walang sabi sabi. Kinuha ko sa kanya ang phone niya, at pinatay ko kung sino man ang tumatawag sa kanya. 

"Ano ba akin na nga phone ko?" Hindi ko binigay sa kanya.

"Bakit! Nakikialam ka? Bakit mo  pinatay? Diba sabi ko bago ka pumasok sa kuwarto ko, kumatok ka muna? Lagi kang ga------." Hindi ko pinatapos sabihin ni Cherry na lumapit ako sa kanya at hinalikan siya. Noong una ay sinubukan niyang bumitaw; Hindi ko siya hinayaang iwan ako. Muli ko siyang hinalikan hanggang sa naramdaman kong hinalikan niya rin ako, hanggang sa kusa akong kumalas sa aming halikan. Tinignan ko siya ng seryoso. 

"Sino ang kasama mo kagabi?" Seryosong sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. 

"Sino ‘yon?" Uulitin ko  sa kanya? 

"Maaga kayong umalis ni John kahapon tapos gabi na kayo umuwi na may kasamang iba. Sino ‘yon,” pinagtaasan ko siya ng boses? Napaatras siya. 

"Bakit ang dami mong tanong?" sabi niya sa akin. 

"Sagutin mo ,cyong tanong ko. Sino ‘yong lalaki?  Sino iyon?" Tinawanan niya lang ako. Nakasimangot akong tumingin sa kanya. Tangina kagabi iniisip ko kung sino ang kasama niya, tapos tumawa lang siya. 

"Seryoso ako sabi ko sa kanya. Sino ‘yon?" 

"Bakit hindi mo kausapin 'yan? Kaibigan mo siya, siya naman ang dahilan kung bakit nakilala ko si Charlz." Tinignan ko lang siya ng seryoso. 

"Makakaalis ka na?" Itutulak niya ako palayo. 

"Tangina hindi pa ako nakakain ng maayos. Sabihin mo muna." 

"Ang OA mo? Bakit hindi ka kumakain ng maayos? Hindi ko dala ang pagkain," sabi sa akin ng pilosopo. 

“Nagseselos ako," sabi ko sa kanya. "Alam mo namang nililigawan kita. face to face talaga." Nakita ko sa mga mata niya na biglang nagbago ang mukha ni Cherry. 

"Hindi ko kailangan mag explain sa'yo. Una sa lahat, wala akong sinabi sa iyo na ligawan mo ako; ngayon ako ang sisihin mo. You're ruining my day," sabi niya sa akin. 

"If you want to clear things up, why don't you ask Mama Nang and John?" sigaw niya sa akin. "Nakakainis ka." 

"Sorry! Nagseselos lang ako." Niyakap ko na lang siya. 

"Ano! Magpapagalitan tayo." Natawa ako sa sinabi niya. 

“Pero kung wala, payag ka?" Bigla niya akong sinuntok sa mukha. 

"Ouch!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ka ba titigil; walang araw na hindi mo ako iniinis." hinila niya ako palabas. 

"Hoy buksan mo?" sabi ko sa kanya. Tangina nilock niya. 

"Follow me." Nagulat ako ng lumingon ako kay Manang Nang. Sumunod naman ako kay Mama Nanang na seryoso ang mukha base sa itsura niya. Nandito kami ngayon sa sala na kaming dalawa lang. Kinabahan ako bigla kasi naisipan ako kausapin ni manang.

“Bakit ba lagi mo siyang ginugulo?" Napalingon ako kay Mama Nanang. 

"Pagkatapos mo siyang paiyakin anak." Nagulat ako ng malaman ni Mama Nang. Napayuko na lang ako. 

"Kahit hindi sinabi ni Cherry sa akin, alam kong may relasyon kayong dalawa noon. Nagulat na lang ako nang tumahimik si Cherry, at hindi na kita nakikitang magkasama o nag-uusap. Napansin ko na nung nag-iwas kayong dalawa tapos umalis ka doon ko lang na realize na niloko mo pala ang anak ko. Alam mong gusto kitang saktan, pero hindi ko magawa dahil anak na rin kita. Bakit mo na naman siya ginugulo?" Seryosong sabi ni Manang sa akin.

"I'm sorry." sabay yuko ko. 

"Bakit mo siya pinahirapan, anak?" 

"Ang tanga ko kasi!”

"Then anong balak mo ngayon?"

"Aayusin ko lahat ng pagkakamali ko." 

"Paano ako maniniwala sayo? Minsan mo nang sinaktan ang anak ko. Alam mo kung gaano ko siya kamahal, kahit hindi ko siya tunay na anak. Tinuring ko siyang anak. Nasasaktan ako kapag nasaktan siya, at gagawin ko ang lahat para sa kanya." 

“Sorry po, Manang! Ipinapangako kong hindi ko na sasaktan si Cherry; Mahal na mahal ko si Cherry." 

"Gaano pagmamahal ‘yan sinasabi mo?" seryosong sabi niya sa akin. 

"More than my life." 

"More than your life?" Nanahimik ako sa sinabi ni Manang Nang. 

"Ano? Bakit ang tahimik mo?"

"Maniniwala ka  po ba na higit pa sa buhay ko ang pagmamahal ko sa kanya?"

"Gawin mo iyan, anak, sinasabii mo. Dahil oras na saktan mo siya, hindi—hindi mo na siya makikita," seryosong sabi ni Manang Nang. "Ilalayo ko si Cherry at isusumbong kita sa mga magulang mo. Halika na! Pumasok ka na sa kuwarto mo at ‘wag ka na ulit papasok sa kuwarto ng anak ko hangga't hindi pa kayo kasal." Biglang tumawa si Manang. Natigilan ako. 

"Hindi ka na ba galit?"

"Galit ako sa ginawa mo, pero dahil  nakikita kong seryoso ka. Sige hahayaan kita." Umalis si Manang ng hindi ako nagsasalita. Pumasok ako sa kuwarto ko hanggang ngayon tulala pa rin ako. 

Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon