Chapter 6
Mike's Pov
"Oh! Mike, anong balita 'to? Kailangan mo talaga kaming makausap. Bakit, pare? Ano bang nangyayari sayo?" Ang ingay naman 'to si John kulang na lang narinig sa ibang barangay. Hinarap ko siya, nakasimangot.
"Malaki, malaki," sabi ko sa kanila.
Umiiral na naman ang kakulitan nito. Ano bang pumasok sa utak ng lalaking 'to, bigla na lang tumawa?
"Oh?" Ito ay talagang sumigaw; nagulat kami sa sigaw ni John.
"Nakabuntis ka ba?" Nagulat ako sa sinabi ni John na muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Nagtataka ako kung paano niya naisip iyon. Na seryoso silang nakatingin sa akin. Tangina kasi bibig na lalaki na 'to. Lumapit ako sa kanya sa inis ko at binatukan.
"Siraulo ka. Makasigaw ka. Ano bang pinagsasabi mo? Ang sarap mong sapakin," sabi ko sa kanya. Nahulaan ko kung ano ang sinasabi nito—nakakabaliw Ang sarap itapon ito sa dagat.
"You're stupid, sabi mo malaking malaki.” Lumapit talaga siya sa akin sabay akbay sa akin. Kung hindi ba naman tanga 'to. Sinabi ko lang na malaki, kung anu-ano na ang pinagsasabi na nakabuntis ako.
"Tell me! Tinawagan mo si Rod ng madaling araw. Hindi naman sasabihin, sinasayang mo lang ang oras ko." Tangina umiling lang ako kay John. Kung hindi lang ako sanay, tatamaan ito sa akin.
"Shunga kasi, sino ba talaga ang binalikan niya dito?" Napatingin kami kay Ray. Bigla siyang lumapit sa amin.
"Sino si Ray?" seryosong tanong ni John sa kanya. Nandiyan naman ang dalawa ito! Hindi magpapatalo. Napahiling lang ako sa isip ko.
"Ewan ko ba sa'yo; use your brain," sabi ni Ray sa kanya.
“Ikaw na magaling Ray,”
“Ikaw na." Nagtatawanan silang lahat. Ako naman, nakatingin lang kay Ray—mukhang naaasar na kay John. Minsan, hindi ko talaga masakyan ang trip ni John, kaya lagi silang nagkakainitan ni Ray. Kung hindi siya mangungulit, gagawa siya ng paraan para lang mabuwisit kaming lahat. Kalokohan na naman ng siraulong 'to, palibhasa walang problema."
"Kenkoy ka talaga John kahit kailan," sigaw ni Jhun kay John habang nakasunod sina Jhun at Ray. Nakasimangot ang mukha ni John. Dahil nagtulungan sila.
"Stop being stupid," sabi ko sa kanila.
"Wow! Pare, nag-aalala na kami sayo, tapos ayon." Seryosong umupo si John. Mukha hindi nagbibiro sa amin, napakaseryoso ng mukha.
"Sige, ano bang nangyari sayo? Seryoso ka ba?" Lumapit ako sa kanya; Seryoso ang mukha ni John.
"Cherry," mahinang sabi ko para hindi na siya makulit.
"Ayon naman pala eh. Sinasabi ko na. “Napakamot ng ulo si John.
"Anong gusto mong gawin natin, Mike?" Tumingin siya sa akin; seryoso talaga siya.
"Hindi ko alam, hindi ko alam." Nakakainsulto talaga ang tawa niya. Nakatingin lang kami sa kanya. Akala ko pa naman seryoso siya.
"Gago! Ikaw naman pala, tanga sa atin eh! Di ba, ligawan mo ulit?" Sabay niya.
"Tangina, kung madali lang, ginawa ko na 'yan sa tuwing nagkikita; laging high blood siya.
"Ano sa tingin mo ang hindi mo alam sa nakaraan nila?" Pambara ni Ray sa akin. Tumingin sa akin si John ng seryoso.
"Oo nga! Ray, malaking problema yon? Tumawa na naman siya na parang baliw at inakbayan talaga ako.
"Alam mo Mike, ako na ang bahala, sisiw lang ito sa akin." Nagyayabang naman isang ito.
"Oh?" Sabay-sabay talaga silang nagsalita; nabingi ako sa mga hiyawan nila.
"Hindi niyo ba alam, close kami ni Mike, Cherry; Hindi na galit ulit sa akin."
"Gago, Ang lakas nang trip mo gago ka; seryoso ka ba?" sabi ni Emz sa kanya. Hindi sila naniwala sa sinabi ni John, kahit ako dahil Kilala ko pagkatao Isang ito puro kalokohan lang ang alam.
"Naman, Emz, kailan ba ako hindi naging seryoso?" Pinuri pa niya ang sarili niya. Napahiling na lang ako.
"What did you do?" Iyon na lang nasabi ni Rod sa kaniya.
"Hello!" Tumawa na naman siya. Habang naghihintay kami, sasabihin niya, "Matagal ko nang katrabaho si Cherry. Nagtatrabaho kami sa isang kumpanya, kaya malamang ginamit ko lang ang kagwapuhan ko. Kaya naman sina Cherry, Sarah, at ako Close na close kami nila Patrick." Binanggit pa niya.
"Ang yabang talaga," sabi ni Jhun.
"Gago iwanan na natin 'yan.” Tinawanan lang kami ng loko.
"Aminin mo Jhun, guwapo ako, hindi talaga nila matiis ‘yan."
"Pero seryoso, lagi mo siyang kasama," tanong ko sa kanya, parang hindi siya nagbibiro.
"Yes, I can only say Cherry and Sarah are very close; kahit hindi kami nagkikita ngayon, nawalan kami ng trabaho! Pero 1 month lang. Kaya ako na bahala sayo," sabi niya talaga habang tinatapik ako.
"Napaka yabang mo."
"Loko ka, kanina ka pa Rod." Tinawanan lang nila si John. Ang hirap paniwalaan lahat ng sinasabi ni John. Masyadong magulo. Maniniwala na sana ako kaso pinuri pa ang sarili.
"Teka, sabi mo kasama mo rin si Sarah," seryosong tanong ni Ray kay John. Obvious naman na mahal pa rin niya si Sarah. Biglang natahimik ang barkada nang banggitin ni Ray ang pangalan ni Sarah. Napatingin sa akin si Rod. Alam kong natatakot siya para sa kapatid niya.
"Inom na lang tayo." Pinutol ni Rod ang usapan. Ito ay dahil si John ay walang preno upang magsalita, kaya siya ay laging mapapahamak; ang nangyari dati ay hindi maaaring mangyari ulit; halos hindi niya makausap si Ray; hindi siya kumakain at ayaw lumabas ng kuwarto.
"Mas mabuti pa umiinom na tayo, minsan lang tayo uminom." Inaanyayahan ko sila. Lahat sila ay kumuha ng sarili nilang alak.
Daldal pa ni John. Nangunguna pa rin siya sa usapan ng walang kabuluhan hanggang sa usapan relasyon nila ni Tin.
"Oo, aalis na rin ako." Bigla akong tumingin ng seryoso kay Rod.
"Si Kuya Rod naman."
"Kailangan, Ray, para sa future namin ni Kc."
"Yon naman pala, eh! Tangina, naiinggit si Rod." Sa inis ni Rod, natamaan niya si John sa tabi niya.
“Aray ko naman, Rod. Isa pa, tatamaan ka na sa akin."
"Ano? Mag-inuman ba tayo? Taya ka, John," sabi ko sa kanya.
"Bakit ako?"
“You invited us,” natatawa na sabi ni Jhun sa kanya.
"Sige, kuripot mo talaga, Jhun."
"Bumili ka para maiinom natin ang drama mo."
"Kung makautos naman ito." Nagtatawanan lang kami. Kaunti lang ang iniinom namin. Masayang-masaya kaming lahat na hanggang sa lasing na kaming lahat ay hindi na kami nakauwi maliban sa maagang umalis si Rod hanggang sa nakatulog kaming magkatabi.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)
RomanceUltimate barkada series Series#1heartbroken Mike and cherry Series#2-hates(ray and sarah Series#3-funny(john and tin Series#4-ultimate crush(jhun and roxanne Series#5-d...