Chapter 18

70 5 0
                                    

Chapter 18

 Mike's Pov

"Mommy, I have good news for you." Sabay takbo ni Rio. Tinawanan ko lang siya; panay ang reklamo niya. Napatingin ako kay Cherry; nakasimangot ang mukha niya. 

"Girlfriend na ni Kuya si Ate Cherry." Tumawa siya habang nakaharap sa amin. 

"Talaga." Lumapit naman si mommy kay Rio, mukhang interesado din. Baliw din si Rio. Kung ano man ang sinasabi niya, inunahan pa kaming sabihin ni Cherry kay Mommy. Habang si Cherry naman ay tahimik. Napatingin ako sa mukha ni Cherry; napakunot na ang kanyang mukha; siya ay napaka-cute; muling nagsalubong ang dalawang kilay niya. 

"Yes, mommy is my girlfriend Cherry; ito ang sing sing binili ko." Pinakita ko kay mommy ‘yong binili ko para kay Cherry. Ginawa ko lang para ipakita kay mommy na gusto ko lang asarin sila ni Cherry. 

"Wow! Hindi ka talaga nagbibiro." Niyakap ni mama si Cherry. Si Cherry ang gusto ng mama ko noon pa man. Ako lang ang gago, kung hindi torpe, hindi sana kami naghiwalay. Noong panahon na 'yon, naguguluhan ako. Gusto ko si Cherry pero hindi ko maamin, pero si Anna ang first love ko, kahit ayaw ko naman sa kanya. Ewan.

Basta, boto ako sa inyo dalawa," nakangiti si Mommy habang nakaharap sa amin.

"Sabi ko na sa'yo," sabay akbay ko sa kanya. Ang cute niyang tingnan, pulang-pula na ang mukha niya.

"Sige po tita, pasok na po ako sa kuwarto." paalam ni Cherry at hindi na nagsalita. 

"Bye honey" sigaw ko sa kanya hindi naman siya nagsalita. Pansinin mo naman ako.

 "Ginagalit mo talaga si Cherry." 

"Kanina po mommy sa mall si Kuya at asar na si Ate."

“Sige, Mommy, akyat muna ako sa kuwarto," paalam ko sa kanila. Huminto ako sa kwarto ni Cherry sumilip ako saglit at narinig ko ang pag-uusap niya sa sarili niya. Hindi man lang niya ako napansin sa harap niya. 

"Buwisit talaga ng lalaking 'to! Kahit anong kalokohan ang sabihin niya, kinikilig ako sa kaguwapuhan niya." Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilang yakapin siya. Nagulat siya ng makilala niya ako. 

"Anong sabi mo?" 

"Anong ginagawa mo dito?" mataray niyang sabi. Hindi ko pinansin ang tanong niya. 

"Sagutin mo, kinikilig ka ba talaga?" 

"Iwan ko sa'yo." Bigla siyang tumalikod. 

"Ano tayo? Girlfriend na ba kita." saway ko sa kanya. 

"Wag kang makulit." 

"Ibig sabihin tayo na." 

"Kailan mo ba ako titigilan! Puro ka kalokohan." 

"Pag tayo na," seryosong sabi ko sa kanya. Napansin kong tahimik siya bigla. 

"Mukhang hindi mo ako titigilan." Bigla siyang naging seryoso at humarap sa akin. 

"Ang lalim ng iniisip mo." 

"Oo! Tayo na!" Bigla akong natahimik sa sinabi ni Cherry. Lumapit ako sa kanya. 

"Anong sabi mo?" Napayakap ako sa tuwa. 

"Sabi ko tayo na dahil makulit ka, wag mo lang muli akong lolokohin." niyakap ko siya. 

"Pangako ko." Muli ko siyang niyakap. "Mahal na mahal kita, hindi mo ba ako binibiro?" ulit ko sa kanya. 

"Gusto mong bawiin ko." 

"Hindi na." Napaluhod ako at kinuha, kakabili ko lang sing sing kanina. 

“Will you marry me?" Kumunot ang noo ni Cherry at tumingin sa akin. 

"Hintayin mo ang bilis." Nagreklamo pa niya. 

"Ano sa tingin mo?" Natawa ako, tinitigan siya. 

"Sabi ko bilis." 

“Sa kasalan naman punta natin, papatatagalin ko pa ba?" Natatawang sabi ko sa kanya. 

"Pag-iisipan ko." 

“Kahit hindi mo isipin, papakasalan kita." Kinuha ko iyon sa kamay niya. 

“Loko ka, ano 'yan?"

"Isusuot ko na sa'yo."

"No!" sabay tabig niya. Natatawa ako sa reaksyon ni Cherry. Alam ko namang nakukulitan siya sa akin, pero hindi ko talaga siya titigilan. Mahal na mahal ko siya.

"Wag muna natin sabihin sa kanila." Napatingin ako sa kanya. Hinintay ko siyang sumagot. Pero nakita ko sa mga mata niya na nagdududa pa rin siya. Mukhang napilitan siyang sagutin ako. Dahil ba sa nakukulitan siya sa akin?

"Ok! Ngunit wala nang dapat bawiin.“ Pumayag na lang ako kahit ayaw ko. Naiintindihan ko siya dahil kasalanan ko sa kanya. 

“I love you Cherry." Niyakap ko ulit siya ng biglang may tumunog sa cellphone ni Cherry. Nakatingin ako sa kanya. 

"Sagutin ko muna!" Sabi niya. 

"Hello!" Nakikinig lang ako sa usapan nila. Napalapit ako kay Cherry. 

"Kanina pa kita tinatawag. Where are you?" narinig kong sabi ni Sarah. Kahit hindi ko sila nakikita alam ko ang boses nila. Siya lang ang best friend ni Cherry. 

"Kakauwi lang namin kasi hindi ako nagdala CP. Bakit?"

“Tumawag si Darryl. Kakauwi lang daw niya. Mukhang masaya ang tanga. Kailangan na nating umalis dito tapos na bakasyon natin. Aalis tayo bukas. Susunduin ka namin diyan.”

 "Ok! Alam na ba ni John?" 

"Tatawagan ko pa lang. Kita na lang tayo bukas!" 

"Aayusin ko na ‘yong gamit ko. Bye, bhestie." 

"Aalis ka na?" sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin. 

"Oo! May trabaho na ako." 

"Kasisimula lang natin. Paano naman tayo? Kailan ka aalis?" 

"Bukas." Para akong nabingi. 

“Ano! Bukas?" Lalong lumakas ang boses ko. "I'll come with you," sabi ko sa kanya. 

"Hindi  puwede?" 

"Bakit hindi?" 

"Kasi ----." 

"I'll go with you! Baka pormahan ka nung guy kanina." 

"Kaibigan ko lang si Alex." 

"Kaibigan!Kung makatingin sayo kanina." 

"Nagseselos ka." 

"Oo naman! Bakit ganyan ka makatingin?" 

"Wala!" Sabay alis niya. 

"Saan ka pupunta?"

"Magpaalam lang kay tita." 

"Wag ka nang umalis." sabay yakap ko sa kanya. "Dito ka na lang." mahinang sabi ko sa kanya. "Hindi ka aalis, period." Tinignan niya ako ng seryoso. 

"At bakit?"

"Pakakasalan na kita bukas." Natawa naman si Cherry sa sinabi ko. 

“Mag-isa kang magpakasal; baliw ka talaga." sabay ampas niya.

"Baliw na baliw talaga ako sayo."

 "Lokohin mo lelang mo." 

"Akala ko tayo na." 

"Yon nga! Todo bantay ka na kaagad." 

"Basta sasama ako." 

"Wag ka lang lumapit sa akin baka bugbugin ka ng kaibigan ko." 

"Naku concern siya." Tinawanan ko siya. 

"Concern ka diyan.  Matulog ka na." 

"Sige, bye honey.”

 "Magpaalam lang ako kay tita." Iniwan ako ni Cherry. 

Ultimate Barkada Series-Series#1-Heartbroken(Mike and Cherry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon