Chapter 28

5.1K 107 7
                                    

🎶 Heto na naman ako,
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang

Heto na naman ako,
Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko,
Parang walang katapusan
Walang katapusan

Kahit pilitin pa'ng sarili
Ibigin kang mali,
Ako'y Mali
Ako'y Mali

Paano ba ang magmahal?
Palagi bang nasasaktan
Umiiyak na lang palagi,
Gusto ko nang lumisan– 🎶

     "Bes, kumakanta ka pala? Akala ko nakikipag-usap ka sa'kin." pambabasag sa kadramahan ko ni Zainel.

Inirapan ko siya. Sa ngayon talaga ay wala ako sa mood. Lunch break na namin, at heto ako ngayon, nagmumukmok lang imbes na kumain.

Grabe, 'di pa nga umaabot ng isang araw ang relasyon namin ni Chace, kaagad nag-aaway na kami.

Teka, nasaan na nga ba 'yun? Apat na oras na ang lumipas at hindi ko pa siya nakikita, ni anino man lang, wala.

"Ano, di ka talaga kakain?" Pagtatanong ni Zainel. Umiling-iling ako.

"Eh baka naman papabayaan mo na ang sarili mo n'yan. Fries before guys bes! Kumain ka muna please."

Tinignan ko lang ang pagkain na inalok ni Zainel sa akin. Pakiramdam ko kasi isang tingin lang at busog na ako.

"Wag kang magpalipas ng gutom-!" Akmang magsasalita na ako ngunit itinaas ni Zainel ang kamay niya isang senyas na manahimik nalang ako at hintayin ko siyang matapos magsalita.

"Dahil lang sa problemang pag-ibig, nagkakaganyan ka? Hinahayaan mo na ang sarili mo Harel! Nagmumukha kang tanga kahit na tanga ka na. Wag mo naman ipakita na natatalo ka! Cheer up buttercup!"

Patuloy parin ang pagtitig ko sa mga pagkaing nakaharap sa akin. Kasabay pa nito ang pag-iling iling ng ulo ko.

At si Zainel naman ay tuloy parin sa pagdada, habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ipakita mo lang na, parang wala lang sa'yo 'yun. Kahit na deep inside gusto mo nang lapain 'yung magkukulam na 'yun! Ipakita mo na go lang, hindi sakanila umiikot ang mundo mo."

Tinignan ko siya, "Pero si Chace ang mundo ko..." bulong ko.

Ilang segundo lang ay naramdaman kong may bahagyang pumatong sa aking ulo. Pagkatalikod ko ay aking nakita si Chace na may dalang pagkain sa kanyang mga malalaking kamay.

"Um... May hahanapin lang akong book sa library. Bye bes!" aniya ni Zainel at mabilis na umalis.

Pinalitan naman nito ni Chace, na umupo kung saan si Zainel kanina; sa harapan ko.

Aminin ko, kinikilig ako kahit na nagtatampo o nagseselos ako. Inlove ako eh.

"Balita ko ayaw mong kumain. Bakit?"

Napatingin ako sakanya. Ang mga mata niyang kumikinang-kinang, and suddenly, I'm lost...

"Busog pa kasi ako eh," sagot ko with my most fakest smile.

"Asus. Ikaw? Nabubusog? Kelan pa? Kumain kana para naman may kasabay ako."

I flashed my fake smile again.

My Teacher Every Day but My Husband Every Night (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon