Chapter 05

12.9K 308 1
                                    

HAREL's POV

Ngayon, hindi ko alam kung sasama pa ba ako kay Louie, or not.

Si Chace kasi! Kinonsensya ako!

Bakit ba kasi galit at ayaw na ayaw ni Chace kay Louie?

Ano bang mayroon sakanila?

Ugh! Ang sakit sa bangs. -___-

Nagpapastress ako ng ganito! Ang ganda ko, baka mawala. Tsk -__-

Matutulog na'ko upang kahit kaunti naman guminhawa ang pakiramdam ko. (Lalim! hahahaha)



- - - - -

Isang himala ang nangyare ngayon!



Ang aga kong nagising!

Naunahan ko pa ang expensive alarm clock na binigay ni Labadabdab ko! \^O^/

At dahil 5:30 na, kailangan ko ng mag-almusal.



Pababa na'ko, nang may marinig akong ingay na nanggaling sa kwarto ni Labadabdab. Korni ng tawag ko sakanya 'no?

Pwes, gumaya kayo! Hahahaha! Dejoke lang. Eh sa sweet ako ngayon. XD

Aha! Saktong nakabukas ang pinto, sumilip ako ng dahan dahan.

(Stalker lang ang peg! Hahahah!)

Heto na talaga. Wala ng pepreno.

May nakita akong babae sa loob ng kwarto ni Chace.

Siguraduhin lang ni Chace na maganda 'tong babaeng to! Yung mas maganda pa sakin!

Taeng Chace na yan! Sino ba 'tong babaeng to?!

Lalapitan ko na sana ngunit bigla siyang lumingon...

*dubdubdub*

M-m-manang?!?!?! Wala naman siguro silang affair diba?!

"M--manang?! Ano pong ginagawa niyo dito sa kwarto ni Chace?"

Naku naku! Kung hindi lang talaga humarap sakin sa manang, sure na sure ako kalbo na siya ngayon. -___-

"Chill lang iha. Sabi kasi na Chace sakin na linisin ko daw ang kwarto niya. Maaga siyang umalis eh tapos nagmamadali pa."

"Ahh ganun po ba.. Ano po ba yang hawak niyo?" May hawak siya, napansin ko lang.

Yan siguro yung nahulog kanina..

"Ito ba iha, picture frame ni Chace. Mukhang luma na nga 'to eh."

"Pwede ko po bang makita?" sabi ko kay manang. Binigay naman niya.

May kasama si Chace na babae dun sa picture. Kamukhang kamukha niya.

Sino ba 'to? Ang alam ko, wala naman babae na kapatid si Chace.

May kapatid siya, lalaki naman.

Jusko, hindi kaya nagpa-transgender lang naman yun?

Hindi! Ang gwapo niya at hot pa!

Psh. Ano ba naman tong pinagiisip ko!

Mamaya ko nalang lulutasin ang misteryo. May pasok pa'ko, baka malate nanaman ako niyan.

My Teacher Every Day but My Husband Every Night (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon