Chapter 30

6.5K 118 47
                                    

Ako ay nasa isang madilim na silid, nagmumuni-muni.

I am grateful to have Chace. I could never ask for more. Buti nalang at siya ang ibinigay ng Panginoon sa'kin.

Makulit ako, medyo immature pa, aminado naman ako. But with him, he knows how to handle me perfectly.

Opposite attracts nga talaga. Chace is a very mature man, sobrang mature na niya para sa kanyang age. You wouldn't even know na 23 palang siya. Ibang-iba siya kumilos.

That's my ideal man, he's my ideal man. While me, I'm still a teen. My parents still treat me like a baby since ako ang bunso at ang unica hija nila. Paunti-unting nagbabago naman, living with Chace was like living with my father except sa 'baby' part.

Kahit papaano naman e I'm acting like a lady na talaga. Lalo pa't I'm a wife na. Kailangan na career-in, malapit na d'on.

Biglang pumasok sa isipan ko ang aking pamilya. I truly missed them. May kaunting kirot pa rin dahil sa arrangement na 'to pero I know eventually maaalis na rin nang tuluyan.

"Rel, why are you still awake?"

Chace asked. Nakapasok na pala siya nang kwarto ko ng hindi ko man lang namalayan. I felt his arms around me. I love the way he suddenly hugs me from behind.

Nakaupo ako sa kama ko ngayon, facing the window. Kung titignan ay mukha akong tanga, lutang na nakatingin sa kawalan.

"Just... thinking," I answered honestly.

"What were you thinking?"

"You," Medyo pumaos ang boses ko. Tinignan ko siya, tumitig sa mga mata niya, ang mga matang nakakaakit.

Nakita kong kumurba ang kanyang labi.

"Really? Why's that?" Aniya, clearly amused.

Napaisip ako, which part should I tell?

"'La lang... lucky lang ako kasi you became part of my life..."

He chuckled and kissed my lips with those kissable lips of him.

"I love you, my midget." He says, then chuckled again.

"I love you too." I replied.

"So, tulog na tayo? May pasok pa bukas." He's back at it again, teacher na teacher ang dating.

I nodded my head sabay higa na. Humiga na rin siya kinalaunan.

He pulled me against his chest and hugged me tightly. Naramdaman ko ang munting halik niya sa ulo ko.

"Good night sweetheart,"

"Good night, Chace." At tuluyan na 'kong nakatulog with a smile on my lips.

Kinaumagahan, walang bahid ng Chace sa aking kwarto.

Surely naghahanda na iyon sa ibaba. Kinukusot kusot ko pa ang aking mga mata pababa ng hagdan.

Hanggang sa nasa pangatlong huling hakbang na 'ko nang papanik sana si Chace.

"O, gigisingin sana kita. Handa na almusal, 'lika na."

Tumango ako at sinundan siya papuntang kusina.

Pancakes ang bumungad sa akin sa kusina. I immediately took a sit at agad agad linantakan ang luto ni Chace.

"Soooooo yummy!" I commented, kahit na may laman pa ang bibig ko.

Tinawanan ako ni Chace. "I know, I'm yummy."

Hinayaan ko nalang 'yon at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Ilang sandali pa habang ako ay kumakain, nako-conscious ako ng paunti-unti. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Chace.

My Teacher Every Day but My Husband Every Night (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon