Pagkapasok ko ng bahay, as usual pambungad si manang.
"O ija, bakit ka ginabi?" Aniya habang kinukuha niya ang mga sapatos ko. Hinayaan ko nalang, pagod na pagod kasi ako.
"Nanood lang po ako ng movie kasama si kuya Louie." Ang sagot ko.
"Saan kayo galing?" Tanong ni Chace na kakababa lang galing sa taas. Halatang bagong ligo, basang basa pa kasi ang buhok niya.
"Diyan lang kami." Sagot ko.
Ang hilig talagang sumabat ni Chace. Napakachismoso ng lalaking to.
"Anong diyan lang? May lugar ba na 'diyan lang'?" Ang tanong niya ulit at tinaas pa ang kanang kilay niya.
"O'nga, diyan lang kami. Sa sasakyan niya, doon kami nanood. Bumili siya ng CD. Ang sweet nga niya eh." Sagot ko. Kaagad niyang inalis ang tingin niya sa akin at dumeretso na ng kusina.
"Manang, magbibihis lang po ako." Ang sabi ko kay manang at umakyat na.
"Osge, bumaba ka kaagad nang makakain ka na." Narinig kong sigaw ni manang.
Katatapos kong magbihis ay kaagad kong tinignan ang cellphone ko at in-open ang Facebook ko.
Five new notifications. Dali dali ko itong binuksan at nabigla ako nang mabasa ko ang 'YbrIK Tornes accepted your friend request.'
At ang apat ay like lang sa pictures ko. Wala akong pake dun sa mga likes ko. Pinress ko ang pangalan ni sir Ybrik at inistalk ko siya.
Nalaman ko na graduated siya sa isang mataas na unibersidad sa Manila sa kursong BS Pyschology.
Basketballer siya. Malapit na ang birthday niya. January ang birthmonth. 20 years old palang siya pero mukhang 25, kasi napakamature niyang kumilos. Basta marami akong nalaman tungkol sakanya.
Nagbeep ang cellphone ko, at tinignan ko kung sino ang nagtext, unknown number naman.
+63977+++++++
Good evening :)
Dahil nga nacurious ako, rineplyan ko kaagad.
Ako:
Good evening din. Sino ka?
Hinayaan ko muna ang cellphone ko dahil gutom na ako. Kanina pa kasi yung fries eh, kaagad na digest sa stomach ko kaya ngayon gutom ako.
Pagkababa ko, deretso agad sa kusina. Kumakain na si Chace at si manang naman ay hinihintay nya ako.
Kumain kami ng tahimik, mga kubyertos lang ang tanging maririnig mo. Wala ni isa ang nagsalita, patuloy lang kaming kumain.
Pagkatapos naming nag-ayos, kanya kanyang akyat na sa kanya kanyang kwarto.
Tinignan ko ang cellphone ko, at nagreply ang unknown number.
+63977+++++++
Guidance counselor ng school niyo. Haha. Kumain ka na ba?
Si sir Ybrik! Paano niya nakuha ang phone number ko? Kaytanga talaga Harel, malamang sa student's personal record.
Sinave ko na ang number niya. Na-excite ako bigla.
Ako:
Ah sir Ybrik! Opo, katatapos lang. Ikaw ba? (:
Sir Ybrik:
Kala ko nakalimutan mo nako. Haha:) Good. Ako, hindi pa e.
Ako:
BINABASA MO ANG
My Teacher Every Day but My Husband Every Night (ON HOLD)
RomanceWhen your dad made a deal to one of his best friends, and that deal will change your life for a while. How would you go for it? Are you fine with it? Well, you can't do anything to stop it. Meet Harel and Chace, a student and a teacher, a...