HAREL's POV
I unlocked the front door, at pumasok na ng bahay. Inilapag ko ang mga gamit ko sa sofa, at pumunta ng kusina.
Nag-mano ako kay Manang Rosa. At umupo sa mesa. Manners Harel, manners. I thought to myself.
"Aba, nandito kana pala. Si Chace din n'yan darating na,"
"Oo nga po Manang.. Kumusta po?"
"Mabuti naman ako hija, ikaw ang kumusta? Si Chace?"
"Okay lang 'ho ako, pati si Chace okay lang din,"
"'Eh kayong dalawa?"
Napangiti ako kay Manang Rosa. Parang reporter lang ang dating niya.
"'Yung kaming dalawa po, siguro, okay lang ang estado namin.."
"Ang school kumusta?"
"Hindi ko pa po alam kung bumaba ba ako o tumaas. Baka next month po. Nga pala, may date po ako."
"Kailan ang date n'yo ni Chace?!" Tanong ni Manang Rosa, halata sa boses niya na excited siya. Napalakas ang pagkakatanong niya.
"May date ba tayo?" Tanong ni Chace sa akin. Saktong pagkapasok niya ng kusina.
Humarap ako kay Manang. "Hindi po si Chace ang k–kadate ko, s–si Louie po. Sa F–friday,"
"Louie... 'Yung gwapo ba? Kaibigan ng kuya mo?" Tanong ni Manang sa akin.
"Hehe manang gwapo talaga eh 'no? Opo 'yun na nga po. Gwapo nga po talaga siya, at hindi ko na maitatanggi pa." At saka ako ngumiti.
Gwapo naman talaga si Louie, or should I say 'Kuya Louie'. Matangkad, and football/soccer player sa school. I guess 6' ang height, same as my Kuya Jay's.
Actually crush ko siya. Matagal na, since the day when I first saw him. Insert heart eye emoji.
"Huwag ka sa 'kin magtanong. Kay Chace," sabay turo niya kay Chace na nakaupo, nakatingin lang at nakikinig sa aming dalawa ni manang.
Oh wait, so narinig niya 'yung gwapong comment and so on... The worst thing over there was, nag-iba boses ko when I told manang na gwapo nga siya. Parang day–dreaming–like voice.
Napalunok ako.
"Nand'yan ka pala Chace," and I chuckled.
"Joke lang 'to. Picture lang," aniya naman. Pokerface pa.
I rolled my eyes. Nakakainis si Chace ever! "Hello, it's me. I was wondering if puwede ba akong makipag-date kay Louie...?" Sagot ko. Kinanta ko pa 'yan. { Hello by Adele }
Nakakatitig lang siya sa akin, gayun din ang ginawa ko sakanya, tumitig. Kaya nagtitigan lang kami. Naghintay ako ng limang minuto... Oo! Limang minuto! Tapos ang sagot niya lang, hindi niya raw alam?! He just shrugged his shoulders as a reply!
Oh my letter G. This guy is making me insane. Sobra na pagkainis ko sakanya, dumating na sa point na parang may lumalabas na ng usok sa mga tenga ko at pulang pula pa ang mukha.
BINABASA MO ANG
My Teacher Every Day but My Husband Every Night (ON HOLD)
RomansaWhen your dad made a deal to one of his best friends, and that deal will change your life for a while. How would you go for it? Are you fine with it? Well, you can't do anything to stop it. Meet Harel and Chace, a student and a teacher, a...