Chapter 22

6.7K 177 5
                                    

Harel's POV

"Mm, masarap kaya 'to?" Tanong ni Chace, at pinagmamasdan pa ang hawak nya.

"Why don't you try it? Buy it." sagot ko naman sakanya.

We were currently walking down the aisle of the market. Namimili ng mga pagkain namin. Wala na kasing laman ang refrigerator sa bahay at sakto namang kakasweldo ni Chace sa trabaho kaya marami-rami kaming maibibili nito.

"Okay, mukhang masarap e" aniya at iniligay sa push cart.

"So, tapos na ba? Wala ka ng nakalimutan?"

I checked the list once again para sure na nabili na namin ang lahat ng kailangan namin sa bahay.

"Tara na sa counter. Wala ng nakalimutan." I said.

He pushed the cart 'til makarating kami sa counter.

"3,672 pesos po lahat sir." ang sabi ng cashier kay Chace. Kinuha ni Chace ang wallet niya at iniabot ang 4,000 pesos sa cashier.

Binigay na ng cashier ang sukli sa asawa ko. After that pumunta na kami ng kotse at uuwi na.

Kaming tatlo ni manang at ni Chace ay nagtulungan upang maiayos namin ang aming mga binili sa kusina. Marami-rami nga.

"Aalis na ako mamayang kaunti pagkatapos ng pag-aayos ng mga gamit at pagkain dito. Ako kasi ang magbabantay sa apo ko." biglang pagsasalita ni manang.

Ang apo niya ay nasa ospital ngayon. Na-dehydrate yata, talaga naman kasing napakainit ng temperatura ngayon. Summer e.

"Ah osige po manang. Kami na pong bahala ni Chace sa bahay. Mag-ingat po kayo huh." sabi ko sakanya.

"Kayo din, mag ingat kayo palagi," sagot naman niya.

Ilang minuto pa ay natapos din kami sa pag-aayos, umalis na din si manang.

"Paano ba 'yan, solo natin ang bahay ngayon. So, solo na din kita," aniya ni Chace pagkaupo namin sa sofa.

Binuksan ko ang TV.

"Sira ulo. Solohin mo mukha mo, unggoy." Sambit ko.

Hinawakan niya ang chin ko at iniharap niya 'ko sakanya.

"Mukhang 'to mukhang unggoy? Gwapo ko kaya." then he chuckled. We're looking at each other, staring deeply in one another's soul. Crap! That eyes.. I fell for that eyes.. What? I FELL? Heck, no! Kung mahuhulog ka sakanya Harel, isipin mo muna, sasaluhin ka ba niya? Malay mo paasa pala siya. Pinapa-fall ka lang niya.

Wait, mahal ko na yata siya. Nahulog na yata ako sakanya.

He smiled. "Harel, you're beautiful. Very beautiful."

I don't know what to say or reply. Didn't he said those words, did he? OH MY GULAY! Kinikilig ako! Napangiti ako sa sinabi niya.

Unti-unti niyang binaba ang ulo niya para magkalapit pa ang aming mga mukha. 1 centimeter nalang. Ako na mismo ang lumapit at nagsara ng distansya naming dalawa.

We kissed. He smiled between our kiss. Simple but it gives a huge effect on us. Or me, only? I don't know. I should confess my feelings to him. Pero paano kung, i-reject niya ako? What if- ayan, ang mga 'what if's' na gumugulo uli sa isipan ko.

We pulled away, sabay kami. He smiled again. Lalo siyang gumagwapo. Oh gosh! Ang swerte ko! I smiled din. "Ang ganda mo talaga" sabi niya at pinagmasdan pa niya ako lalo.

"You know Chace, nako-conscious din ako." At ako'y yumuko. Nakaramdam ako ng hiya.

He chuckled. "Let's watch a movie. May binili akong pirated na DVD kanina, I really wanna watch it with you. Set the DVD now." Ayan eh, ako ang yaya niya ngayong wala si manang.

I rolled my eyes. "Opo, BOSS"

In-emphasize ko talaga yung word na 'boss'. "That's good, baby"

I 'tsked' nalang as a reply. Hindi naman talaga ako naiinis, kasi ang katotohanan ay kinikilig ako sa kaloob-looban ko.

So I set the DVD player. Nanlaki ang mga mata ko, "Fifty shades of grey? Really Chace, really?"

"O, bakit? May problema? I-set mo na. Naiinip na 'ko." Aniya.

Feel like a boss talaga ang busit! Ang sarap ng pakiramdam niya, nakataas ang paa sa isang maliit na table dito sa living room.

"Letche," I mumbled at tumabi sakanya sa sofa.

Linagay niya ang kanang kamay niya sa likod ko. Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at hinimas himas ang buhok ko, pinaglalaruan niya ito. Ang sarap kaya medyo inaantok ako.

I hugged him. And now we look like we're cuddling, yes, we're cuddling right now, OMIGAD!

Halatang nagulat siya nang yinakap ko siya pero pinalitan din niya ng isang ngiti.

He kissed my forehead. "Kaya mahal kita eh," he mumbled at pagkasabi niya nun ay unti unting bumigat ang mga mata ko.

-
Hi! So, nae-enjoy niyo ba ang storya ko? Hehe

Lots of love, marie xoxo

My Teacher Every Day but My Husband Every Night (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon