HAREL:
Pagkabangon ko sa kama, napangiti kaagad ako. Pagkagising ko kasi ay naalala ko muli ang mga pangyayari kagabi. Para akong isang prinsesa, tinrato ako ni Chace na parang isang tunay na prinsesa.
Dati rati, pagkatunog ng alarm ko eh babangon akong nakabusangot. Pero ngayon, blooming na blooming. Excited nga akong gumising! I'm really looking forward to this day.
Sinuot ko ang bunny slippers ko at nag-unat unat. May biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok!"
At may isang modelong pumasok. Ang modelong ito ay ang aking kasintahan. Napaka swerte ko talaga! Paano? Ang boyfriend ko ay napaka gwapo na, maginoo, at mabait pa. Minsan hindi. Pero okay lang, matitiis ko naman. Pag mahal mo matitiis mo, di ba?
"Good morning my love," bati ni Chace sa akin.
"Good morning din."
Linapitan ako nito at yinakap nang napakahigpit, 'yung hindi na ako makahinga. Literal. Buti nalang at kaagad itong bumitiw. Akmang hahalikan na niya sana ako ngunit ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang mga mapupulang labi.
"Bakit? May problema ba?" Tanong niya.
"Morning breath," ang sagot ko naman. Yinakap ko nalang siya. Ngunit makulit talaga itong Chace na 'to, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. May pagka-agresibo rin itong si Chace.
Wala na akong nagawa kaya hinalikan ko na rin siya pabalik, bahala na.
Ilang segundo pa ay pareho kaming kumalas. "Ibang klase ka Rel, kelan ba babaho 'yang hininga mo 'ha?" pagtatanong niya sa akin. Naku, nag jojoke ba siya? Baka mabaho talaga ang hininga ko...
"Um," hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Pakiss nga ulit!" bulalas ni Chace at ayun, hinalikan na muli ako. Hindi naman ako makakatangi, gusto ko rin naman ito 'no.
Siguro ay hindi nga talaga mabaho ang aking hininga, dahil kung mabaho ito ay baka mabilis nang umalis sa kwarto ko.
"I love kissing you, 'di ako nagsasawa. Alam mo ba 'yon?" ang sabi ni Chace.
Nginitian ko nalamang siya. Walang hiya itong Chace na 'to! Ang galing niyang magpakilig! Pero...
"Alam mo bang kailangan na nating maghanda dahil may pasok pa?" ang sagot ko naman. Naalala ko kasi na Lunes pala ngayon at may pasok. Kainis!
Napasinghap si Chace. "Oo nga pala. I'll leave you now to get ready. Nagluto ako ng itlog, kumain kana after mong magbihis, OK?"
"Yes sir!" sabay saludo pa sakanya. Ngumiti siya at hinalikan ang aking noo. Pagkatapos n'on ay saka na siya umalis.
Gusto kong mag absent. Bakit? Kasi gusto kong makasama ang boyfriend ko. I want to spend this day with him, only him. We'll watch movies, tapos cuddle. Nako! Kaso hindi pwede.
Hintayin ko nalang ang bakasyon. Malapit narin naman.
Nag-ayos na ako at ginagawa kung ano ang dapat kong gawin. Kumain na rin. Sa ngayon hinintay ko ang love of my life ko na si Chace. Naka-upo ako sa sofa at katext ang aking bestfriend. Sino pa ba? Eh 'di si Zainel. Sinabi ko sakanya na may ichi-chika ako sakanya mamaya. Alam niyo na 'yun kung ano ang itsi-tsismis ko.
Narinig ko ang mga yapak ni Chace. Ang ingay kasi ng mga sapatos niya. Medyo nakakairita. Lalo na sa classroom, kapag naglalakad siya. Sapatos niya lang ang tanging naririnig.
"Sorry Rel, tumawag kasi si Jolina. Kanina kapaba d'yan?" aniya.
Jolina na naman. Jolina, jolina!
BINABASA MO ANG
My Teacher Every Day but My Husband Every Night (ON HOLD)
RomanceWhen your dad made a deal to one of his best friends, and that deal will change your life for a while. How would you go for it? Are you fine with it? Well, you can't do anything to stop it. Meet Harel and Chace, a student and a teacher, a...