Chapter 7

3.5K 109 2
                                    

Timothy

"S-Sibyl?" Gulat kong sambit sa babaeng kaharap ko ngayon, hindi ako makapaniwala na nandito sya. Kagat kagat nya pa ang paa ng manok na sigurado akong galing yun doon sa binili namin kanina. Nag tuturuan pa kami kung sino ang kumuha yun pala sya lang.

Naka taas ang kilay nya ng tumingin ng diretso sa mga mata ko. Napatingin ako sa kabuohan nya. Naka suot lang ito ng long sleeves at parang corporate attaire ko yun, at exposed pa ang kaniyang mga binti.

"Done checking me out?" Malaming pa sa yelong sambit nya saakin. Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng unti unti itong lumapit saakin.

Ano na naman kaya ang gagawin ng babaeng ito?

Hindi ko maialis ang paningin sa kaniyang mga mata, it never fails me to adore her beautiful eyes. Para akong nahihipnotismo nito at naiiwan ang utak ko sa kung saan.

Ang lapit na namin sa isa't isa, itinaas nya ang kaliwang kamay nya at pumunta sa ibaba ng aking baba. At marahas nya itong sinara.

"Pffft... Bwahahaha" tinapunan ko ng masamang tingin ang mga kasama ko na hindi mag kamayaw sa kakatawa.

"Shut up!"naiinis na ako bakit ba sa maliit na bagay na ginagawa nya ang laki ng balik sa akin.

"Why are you here Sibyl? Diba sabi mo sa 10 pa ang punta mo dito?" Nag tatakang saad ko kaniya. As far as i remember ang sabi nya 10, eh 15 ngayon dapat next month pa sya pupunta dito.

"Fool! I told you i'll be here at 10 am" ang tanga tanga ko talaga pag dating dito sa babaeng to. May mga pigil na namang tawa ang naririnig ko. Tiningnan ko ang mga kaibigan kong may panunuksong tingin, nakita ko naman si Sibyl na kumukuha ng pagkain sa mesa.

"How did you get in anyway?" Nag tatakang tanong ko, wala naman akong pinagbigyan ng sparekey dito khit na parents ko.

"What does LN Building stands for?"tanong nya na agad nakapag paisip sa akin. LN...... LN...... shit! Le Noir building? Sa kanila to'?

Hindi nalang ako umimik pang muli. Umayos naman ng tindig ang mga kasama ko, sumenyas pa si Larkin sa aakin.

"Sibyl, these are my friends Larkin, Anthony, Thomas and Raizel"

"Hello Mrs. Ferruno it's nice to finally meet you" saad ni Anthony na may malapad na ngiti.

"Okay" balewalang sagot nya dito, at patuloy lang sa pagkain.

Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kaniya parang mauubusan ako palage ng salita pag dating sa kaniya.

"Mrs. Ferruno-"

"Sibyl"pinutol nya ang sasabihin ni Larkin, ayaw nya ata tawaging Mrs.

"Okay, Sibyl how old are you?"

"20"

"Marunong ka pong mag tagalog?"

"Oo"

"Nag aaral kapa?"

"Yes"

"Friends na tayo?"

"No"

Sunod sunod ang tanong nila sa kaniya, ngumuso naman si Thomas sa isonagot sa kaniya ni Sibyl. At ito namang babaeng ito napakaikli naman ng sagot.

"Wait, nag aaral kapa? Eh bakit parang ikaw na ang namamahala sa company nyo?" Noong nasa Italy pa kase ako, parang siya na ang namamahala ng kompanya nila. May itinapon nga syang business proposal, ang rason nya fraud daw yun.

"Training" yan lang ang sagot nya, wala ba talaga akong makukuhang matinong sagot sa kaniya?

"Ang ganda po ng eyes nyo totoo po yan?" Tanong ni Thomas at humahakbang papalapit sa kaniya. Kumuha narin ito ng pizza. Mukhang hindi lang siya ang nag pipigil ng gutom dahil kumuha narin ng iba.

THE CASANOVA'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon