Timothy Riley"I was framed"
"Hindi na ako ngayon si Una"
Sibyl is no longer Una, she's no longer the Queen of Emperio. She was framed, may bumaril sa ama nya gamit ang kaparehong baril na pagmamay ari nya.
But, almost half of the member of Emperio ay kasali sa angkan ng mga Le Noir. Hindi basta bastang sugurin ang isang kasapi sa kanilang angkan, lalong lalo na ang dating ulo.
I maybe not be familiar about their members, ngunit ang angkan nang Le Noir lamang ang nakaka alam nang tunay na pagka tao ng mga namumuno. Ang Emperio ay hindi na katulad ng mga nag daang taon, may mga nakasapi na hindi bilang sa kanilang pamilya.
"The number one rule of Emperio is, don't let your power be used on weaklings"
Papa Gustavo was shot, but by the looks of it. Hindi na sya nanlaban, kaya napakadali sa kung sino man ang bumaril sa kanya na patumbahin ito. He is a weakling because the world does not know he was the former Primus of Emperio.
It was a random robbery/shootout or kung ano man ang tawag dun, mukhang hindi nila alam kung sino ang tunay na Gustavo Le Noir. Papa Gustavo was known to the business world, dahil sa nangyari napakalaking balita ito, at malalaman ng lahat ang paraan ng pag baril sa kanya.
She was framed, someone wanted to dethroned Una. At nakakasigurado akong isa ito sa mga kasapi ng Emperio. Alam nang Le Noir clan na hindi magagawa ni Sibyl na patayin o saktan ang kanyang ama. Pero hindi nila maipagtanggol si By sa Emperio, dahil kung mangyayari iyon malalaman na nila ang tunay nilang pagkatao.
"I killed Primus"
No, she did not. Primus is alive, and a real bastard. Kaya pala hindi sya nagpapakita kay Sibyl dahil buong akala nang asawa ko na patay na ang gagong yun'! And worst she blames herself, kaya pala lahat sinasabi na nag bago si By mula ng mawala si Primus.
She was grieving all these years, she's blaming herself. Damn it! Hindi ko alam kung bakit pa ako nakikipag tulungan kay Primus. He wanted me to get Sibyl far away from the eyes of Emperio for awhile. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang dahilan kung bakit kami umalis.
"Hijo, maayos naba ang asawa mo?"
Sibyl passed out after crying, and also due to hunger and fatigue. Mabuti nalang at sa di kalayuan ay may mga bahay. It was 3 in the morning nang makita kami ni Mang Kanor, sinabi ko sa kanya na naligaw kami ng asawa ko. He was so kind to tend to our needs specially my unconscious wife along with his wife Manang Darling.
"Opo, salamat po at pinatuloy nyo kami"
"Wag mo nang isipin yan hijo, intindihin mo ang asawa mo. Bakit ba kayo naligaw? Sa maynila ba kayo galing?"
He handed me a shirt and a faded maong pants. Mukha na akong basahan sa hitsura ko, i've been wearing these shits for almost 27 hours. And worst hindi ko talaga alam kung nasaan kami ngayon, drive lang ako ng drive at lakad lang kami ng lakad.
"Gusto ho kase namin mag bakasyon, kahit ilang buwan lang para makapag pahinga narin sa polusyon ng maynila. Nawalan kami ng gasolina sa daan, naghanap kami ng pwedeng makatulong pero kahit saan saan kami lumulusot, hindi narin namin mahanap ang daan pabalik sa sasakyan"
I'm the worst liar ever, para akong nagkukwento ng isang horror movie scene. Ito yun kung maliligaw ka eh, makakakita kayo nang isang maliit na barrio kung saan kinakain nila ang mga dayo.
"Ah, ganon ba. Maganda naman dito sa sitio Maya, pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay dito. Maganda rin ang tanawin, may mga sapa at burol kayong pwedeng puntahan. Hindi rin masyadong malayo ang bayan dito, isang sakayan lang ng tricyle"