Chapter 7 (We're just friends...)

160 14 0
                                    

Rain's POV


 "I know. Just don't think of another man pag magkasama tayo" 

"I know. Just don't think of another man pag magkasama tayo" 

"I know. Just don't think of another man pag magkasama tayo"  

  "I know. Just don't think of another man pag magkasama tayo" 


ARRRRGHHH! EH BAKIT BA? Ano naman sa kanya? Hindi na yon sakop ng *Obey me* niya no! Masyado ng personal ang bagay na 'yon. Hindi siya ang magdidikta ng kung anong mga gusto ko isipin! Ibig sabihin hindi ko na pwede isipin si Jimin ng BTS?! NO WAY HIGHWAY! 


Teka..speaking of Ethan, hindi ko pa siya nakikita ngayong araw. Asan naman kaya 'yon? Hindi rin niya ako pinuntahan sa classroom nung break. Wow, porket pinuntahan niya ako nung nakaraan pupuntahan na niya ako lagi? Assuming ka, Rain. 


Kainis talaga 'yoooon. Atsaka bakit ba ako affected ng ganto? Hindi mo kailangan bigyan ng pansin ang mga sinasabi niya, Rain! OA mo din eh. 

Nasa library ako ngayon. Wala lang, nagfefeeling matalino lang ako ngayon. Bakit? Masama? Joke lang. Actually, hindi. Gusto ko lang talaga matulog HAHAHAHA. Oh aminin niyo, natutulog din kayo sa library diba? Humanap ako ng bakanteng pwesto sa collaborative area. Malaki kasi ang mga lamesa dito at malalambot ang upuan HAHAHA. 'Wag lang talaga ako mahuhuli ng librarian T.T 


Ayun! May bakanteng lamesa sa dulo. BWAHAHA! It's time to sleeeeep. Mamayang 2pm pa naman susunod kong klase eh.  


Matutulog na sana ako nang may umupong lalaki sa harapan ko. Nakisit in siya sa lamesa ko. Hindi ko makita yung mukha dahil nakatakip yung librong binabasa niya. 


"How to bring back someone's memory" 'yan ang nakalagay sa title ng librong binabasa niya. Wait? Ano naman kayang course nito at ganyan ang binabasa niya? Anyways, wala akong pake. Matutulog na talaga ako :)))


"Kuya? Iidlip lang ako ha. Magbasa ka lang dyan, basta wag mo ko susumbong, Salamat!" sabi ko sa kanya at inubob ko na ang mukha ko para matulog. 


After 15 minutes...


Huhuhu. Hindi ako makaidlip, nacoconscious ako eh. Mamaya nasa harapan ko na pala yung librarian kasi sinumbong ako nitong si kuya. Teka nga, pagsabihan ko nga uli---


"DRAKE?" gulat na gulat kong tanong.

Eh paano naman kasi, pagkaangat ko ng ulo ko mukha niya agad ang bumungad sa akin. Tintitigan na naman ba niya ako? So ibig sabihin kanina pa siya nandyan? Siya yung nagbabasa ng libro kanina? 


"Hello, Rain" bati niya saka ngumiti. 


"B-bakit ka nandito?" tanong ko. 

 *I know. Just don't think of another man pag magkasama tayo* Umiling iling ako. HMP! BAHALA SIYA DYAN! NI HINDI NGA SIYA NAGPAKITA SA AKIN NGAYON EH, PSH. 


"Nakita kita eh. Edi lumapit na ako" 


YOU ARE MINE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon