Rain's POV
Kakatapos lang ng seminar namin kanina sa isang center malapit doon sa hotel. Nakakabagot yung seminar although informative naman. Leadership training yung naganap kanina. Grabe! Antok na antok pa ako. Anong oras na ba ako bumalik sa kwarto kagabi? Halos 2:00 am na. Leche kasing Ethan 'yun eh! Hindi ako pinatulog, bwisit.
"Ayos ka lang? Para kang zombie na naglalakad, hahaha" sabi ni Drake sa akin. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa bahay na tinutuluyan namin.
"Inaantok pa ako," tipid kong sagot.
"Matulog ka muna. 3:00 pm pa naman yung next activity natin eh," sabi ni Denise.
"Ano bang gagawin natin mamaya?" bagot na bagot kong tanong.
"Reflection making,"
"May ganun?" mangha mangha kong tanong.
"Oo. By partner daw yun. Pero hayaan mo na, mamaya mo na lang isipin. Mukhang puyat na puyat ka eh," sabi ni Denise.
Tumango na lang ako at sabay sabay kaming umakyat ng hagdan papuntang third floor. Nga pala, magkatabi lang yung kwarto namin at yung kwarto nila Drake. Pagkarating namin sa tapat ng kwarto, pumasok na agad ako. Si Denise mukhang may aasikasuhin ata sa baba, si Drake naman pumasok na din ng kwarto nila.
Humiga agad ako sa kama. Grabe, feeling ko stressed na stressed ako. Wala akong ginawa kagabi kundi isipin ang mga kinikilos ni Ethan. Naguguluhan na ako! Bakit ba siya ganyan? Nung nakaraang linggo halos patayin niya ako sa mga sinabi niya sa akin, tapos ngayon? Kakausapin niya ako na para bang wala siyang ginawang mali?! At ang masama pa diyan, hindi ako nakakaramdam ng galit sa kanya. Oo, naiinis ako! Pero yung tipong isumpa ko siya, hindi ko magawa.
Kainis! Ano bang pinakain sa akin ng Ethan na 'to?!
Naramdaman kong bumukas yung pinto ng kwarto namin. Si Denise ba 'to? Haharap sana ako kaso nakita kong si Nathalia ang pumasok. Jusko! Pag nakita akong gising nyan, aawayin na naman ako nyan kaya nagkunwari na lang akong tulog.
"Babe naman eh! Bakit ka ba ganyan?!" boses ni Nathalia. Medyo mapapansin mo sa boses niya na naiirita siya. Pero t-teka? Babe? Sino bang tinawag niyang babe kahapon? Oo, Rain. Magtanga-tangahan ka pa. Si Ethan ang babe ng lintang 'yan.
"Stop calling me with that fvcking endearment," sabi ni Ethan. Bakit naman? Jusko, nagpapakipot ba 'tong si Ethan para suyuin ni Nathalia? Kadiri ha!
"I hate you! Isusumbong kita kay ate!" nagmamaktol na ata si Nathalia. Okay? Hindi ko maintindihan kung bakit sila ganyan mag-usap.
"Low down your voice, she's sleeping.."
Parang mabibingi ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. She's sleeping? Eh ako lang naman ang natutulog dito! Sino pa bang iba niyang tinutukoy? Baka naman may natutulog na langgam. Oo, baka yung langgam. Shet! Tama na nga, Rain. Don't think too much! Sinaktan ka niya, okay?!
"Lagi na lang siya! Puro na lang siya! What's special about her ba?! Ano bang meron siya na wala ako?! Sino ba siya?! Ano bang maipagmamalaki niya?! Nakakainis na eh!" medyo tumaas na yung boses ni Nathalia. Halatang galit na galit na siya.
Pero muling nagsalita si Ethan, at sinabi niyang 'yon..gusto kong itulak ang sarili ko para gumising, kausapin siya at magtanong ng maraming bagay sa kanya..
"Dahil hindi ikaw si Rain. Come on, just rest.."
"I hate you! Magsama kayo!" sigaw pa ni Nathalia.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...