Rain's POV
"D-drake..ano bang ginagawa mo?"
"Nagugutom ka ba?" tanong pa niya.
"D-drake hindi...okay lang ako, okay lang talaga ak--"
"Gusto mo bang lumabas muna tayo? Baka nasusuffocate ka na dito,"
"Hindi nga! Okay lang ako, please..."
"Ang ingay nila, Rain. Baka nadidistract ka, sa library na lang tayo" pangungulit pa ni Drake.
Dahil sa sobrang inis ko kay Drake ngayon, kinuha ko na lang yung gamit ko at lumabas ng room. Kanina pa kasi siya nangungulit eh. Sinabi na ngang okay lang ako! Bakit ba ayaw niya makinig. Ang kulit kulit talaga. Simula nung eksena kahapon sa cafeteria, ganito na siya sa akin kanina pang umaga. Kung ano anong tinatanong niya. Nag-aalala siya, oo...pero kasi nakukulitan na ako.
Pagkalabas ko ng room, nagulat ako nang may humila sa akin. Si Drake na naman!
"Drake, ano ba!" sigaw ko sa kanya. Buti na lang wala masyadong tao dito sa corridor tapos yung mga kamajor namin may pinagkakaabalahan sa loob.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo eh!" bigla niyang sigaw. Natakot ako sa tono niya kaya napayuko na lang ako. Hindi ko din naman alam ang sasabihin sakaling may mabanggit na naman siyang mga salita na hindi ko naman maintindihan,
"D-drake.."
"Gusto mo na ba siya, Rain?! Damn! Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Unti-unti ka ng nawawala sa akin! Mababaliw na ako kakaisip kung paano kita babawiin, Rain! Alalahanin mo na ako, please.." natataranta niyang sabi sa akin. Ginugulo na niya yung buhok niya habang nagsasalita. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya!
"D-drake, sorry..hindi ko alam kung anong sinasabi mo! H-hindi ko gustong magkaganyan ka, pero sorry hindi talaga kita maintindihan! Patawarin mo ako. Mahalaga ka sa akin dahil kaibigan kita kaya please..wag ka namang ganyan. Hindi ko din alam yung gagawin ko para maging okay ka na ulit," sabi ko sa kanya. Kinakabahan ako habang sinasabi ko yun sa kanya. Hindi ko naman kasi talaga alam kung anong sinasabi niya kaya anong gagawin ko? Paano ko siya tutulungan? Ayaw ko siyang makitang ganyan pero wala akong magagawa.
Ilang sandali pa ay medyo kumalma na si Drake. Unti unti nang nawawala yung pagkakunot ng noo niya. Iniangat niya ang ulo ko dahil nakayuko ako tapos tinignan niya ako ng diretso sa mata. Nagulat ako nung bigla siyang ngumiti,
"Ang lakas talaga ng epekto mo sa akin, hahahaha. Don't worry, maghihintay ako...maghihintay ako. Siguraduhin mo lang na sa akin ka pupunta, ha?" sabi niya sa akin tapos pinat niya ang ulo ko. Hindi ko alam ang irereact ko. Kanina para siyang baliw, tapos ngayon...SERIOUSLY? BALIW NA BA LAHAT NG TAO?!
"H-ha?"
"See you later, papahangin muna ako" paalam niya sa akin tapos bumaba na ng building.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...