Rain's POV
*Bzzzzt bzzzzzt*
OMG! MAY NAGTEXT! SINO? SINO KAYA? Si Etha--
From: Drake Natividad
Nasend ko na yung copy ng homework natin kay Miss Monasterio. Nabasa mo ba? Btw, Good Morning :)
-end-
Okay? Nag-expect ba ako ng ibang taong magtetext sakin? Ugh, nevermind. Oo nga pala, may homework kay Miss Monasterio. Buti na lang 3 weeks ang binigay niyang deadline. Feeling ko tuloy nahihiya na akong pumasok sa klase niya T.T
To: Drake Natividad
Check ko na lang mamaya. Good Morning din :)
-end-
Tinago ko na yung phone ko, at inayos ang mga gamit ko. Okay, alam kong gusto niyong itanong sa akin kung anong nangyari after that incident sa cafe na pinagtatrabahuhan ni Ethan. At ang sagot ko sa inyo? WALA! WALA, AS IN WALA! We never talked about that. Feeling ko sobrang shocked din ako nung araw na 'yon kaya hindi ko na siya kinausap for the rest of the day. It's good dahil nakabenta kami ng 398 pieces sa loob ng 5 hours meaning hindi matatanggal si Ethan sa trabaho niya. At hindi ko na rin alam kung may mukha pa akong ihaharap sa manager niya T.T
Nagpaalam na ako kay Mama tapos lumabas na din ako ng bahay. Maglalakad pa ako papunta sa terminal ng mga fx. ANG INIT INIT PA NAMAN! ><
AT KUNG MAMALASIN KA NGA NAMAN TALAGA, NAKATAPAK PA AKO NG BUBBLE GUM! BWISIT! Ang dami na ng kamalasang naranasan ko simula nung makilala ko 'yang si Ethan. Nakakainis talaga,
Isinayad sayad, iniscratch, isinadsad at kung ano ano pang ginawa ko sa sapatos ko para lang matanggal yung bubble gum. Kadiri ><
"Kainis kang bubble gum ka! Magsama kayo ni Ethan!" sabi ko habang isinasadsad ang sapatos ko sa kalsada. Teka nga lang, bakit ba ako nagagalit kay Ethan?
Kasi una,
Hindi man lang niya ako kinausap after nun!
(Hindi mo rin naman siya kinausap ah?)
Oo nga, pero dapat inapproach niya pa rin ako. Hello? Babae kaya ako!
Pangalawa,
Hindi man lang siya nagsorry!
(Bakit naman siya magsosorry? Aksidente 'yon! Hindi niya kasalanan)
Okay sige, sabi ko nga eh =____=
Pangatlo,
Parang balewala lang sa kanya yung nangyari samantalang ako super affected! Ni hindi man lang niya ako tinext kung okay lang ba ako? Kung okay lang ba yung nararamdaman ko after nun? Kung hindi ba ako nairita? In short, wala siyang pake! Gaano na ba karaming babae ang nahalikan niya para maging ganun lang yung reaksyon niya towards sa nangyari?! NAKAKAINIS!
OH ANO KONSENSYA? TUTUTOL KA PA?! Isa ka rin eh!
Sobra akong naiinis! At hindi ko rin alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya! Teka lang? Bakit naman ako mahihiya?! Aksidente 'yon, aksidente. Hindi ako ang may gawa non! Kainis.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...