Rain's POV
"Mama?"
"Ano 'yun, anak?" sabi ni Mama habang naghuhugas ng pinagkainan namin. Nakatalikod siya sa akin ngayon,
"W-wala po. D-diba ano...sabi niyo po...okay lang magkaboyfriend basta ipapakilala ko sa inyo? Hehe" nahihiya kong tanong kay Mama. Nagulat ako nang bigla niyang bitawan ang hawak niyang plato at humarap sa akin.
"May boyfriend ka na ba Rain?" gulat na gulat niyang tanong habang naglalakad papalapit sa akin at ipinupunas ang basa niyang kamay sa apron na suot niya.
"H-hindi naman sa ganun Mama, ano po kasi..."
"Naku, Rain! Huwag ka mahiya anak, basta pagbutihan mo lang ang pag-aaral mo," mahinahong sabi ni Mama.
"So..pwe--"
"Oo naman anak. Basta ipakilala mo sa akin ha?"
"Opo! Salamat, Ma!" masaya kong tugon sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Kinuha ko yung bag ko sa sofa at nagpaalam na kay Mama.
"Alis na po ako, Mama!"
"Sige, anak. Mag-iingat ka" sabi ni Mama tapos lumabas na ako ng bahay. Buti na lang nauna ng pumasok si Lia kasi kung hindi, aapihin na naman ako ng baliw na 'yon.
Kung iniisip niyo na ipapakilala ko na si Ethan, nagkakamali kayo. Kayo talaga ang hilig niyong umissue. Wala lang, gusto ko lang itanong yun kay Mama kasi...ewan. Ang alam ko lang ngayon ay ready na akong mahulog kay Ethan. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinipigilan pero kung ayaw niya sabihin, wala akong magagawa.
Hindi naman sa nagiging confident ako na baka gusto rin ako ni Ethan pero gusto ko kasing ipursue yung nararamdaman ko. Gusto ko ng tanggapin sa sarili ko na gusto ko nga siya. Naisip ko na mas lalo ko lang pinahihirapan ang sarili ko sa pagdedeny ko. Kung magiging open ako sa kanya, aasarin niya ako. Pero ano naman diba? Yun naman ang totoo. Mahirap magtago, believe me.
Hindi ko pa naiisip kung paano ko sasabihin ang lahat sa kanya pero siguro naman magkakaroon ako ng magandang tyempo, diba?
Yuck, ang corny! Pero ewan. Pumasok ka na nga, Rain!
*****
"Maeexcuse naman tayo sa mga klase natin para sa Youth Summit, eh" paliwanag ni Denise. Nandito kami ngayon ni Denise sa cafeteria. Wala lang, naisipan lang namin kumain.
"Ganun ba? Edi okay naman pala!" masaya kong sabi. Nag-aalala kasi ako na baka makaapekto sa acads ko yung gaganaping summit. Ayoko namang madissapoint si Mama. Baka sabihin niya paglalandi lang ang alam ko. Jusko! Ayokong isipin niya 'yun.
"4 days 'yun, Rain!"
"Oo nga!"
"Sa wakas, makakatakas na rin tayo sa mga prof nating ubod ng sipag! Note the sarcasm, Rain" sabi niiya tapos tumawa. Nashock talaga ako kay Denise na ang kalog pala niya. Akala ko studious type siya ng sobra pero hindi pala. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya.
"Hahahaha! Saan daw ba gaganapin?"
"Baguio ata"
"Woooooah! Astig nun. Sana konti lang ang activities para makalakwatsa tayo" sabi ko.
"Yep. Nga pala, nasaan si Drake?"
"Ewan ko dun. Baka naghanap ng manok at itlog"
BINABASA MO ANG
YOU ARE MINE (On-Going)
Teen FictionSi Rain ay nagsinungaling sa kanyang mga kaklase about having a boyfriend upang malusutan ang parusa niya sa larong truth or dare. Para mapatunayan ito ng mga kaklase niya, inusig siya ng mga ito at tinanong pati pangalan ng sinasabi niyang boyfrien...