Chapter 5:

114 13 0
                                        


Dianna***
  Ilang araw na rin ang lumipas simula nung pumunta ako dito sa zambalez. at sa bawat araw na yun ay unti-unting naglalapit ang loob namin ni joshua, sumasaya ang araw ko kapag kasama ko sya

agad kong inunat ang mga nangangalay kong braso pagkatapos kong magsulat sa diary

oo nga pala, pinagusapan namen ni joshua na magkikita kame sa may tabe ng sapa, sabe nya ipi-paint nya raw ako, excited na rin kasi akong nakikita syang nagpi-paint

pagdating ko sa may tabi ng sapa, nakita ko roon si joshua na may dalang paint set

"bakit mo naman naisipan na dito sa tabi ng sapa magpaint?"
agad kong tanong habang inaayos nya yung paint set nya

"para masaya tignan, maliwanag, maaliwalas, at maganda ang view, kasi kapag madilim, sasabihin ng mga titingin dito ang lungkot naman. hindi nila makikita yung tunay na nararamdaman ng artist"
paliwanag nya,

pagkatapos ay nilatag nya yung floral na blanket para doon ako umupo, nang makaupp na ko, pinahawak nya sa akin yung tatlong roses na dala nya at nagsimula na syang magpinta

"naiinitan ka ba sa pwesto mo maam dianna?"
"di naman"

kumuha sya ng payong sa kanyang backpack at ipinayong sa akin, nilapag nya ito sa lupa kung saan nakatapat ang araw

After an hour almost finish na ang pini-paint ni joshua sabe nya background details nalang daw tapos na

"pero pwede mo na syang tignan"

"talaga?"

tumayo ako at lumapit sa kanya para tignan yung painting na ginawa nya, talagang mapapa "wow" ka sa ganda at mapapaisip ng "ako ba talaga tong pinaint nya?" kamukhang kamukha ko kasi ito

"ang ganda nito joshua, may talent ka talaga sa pagpipinta, ang galing mo"

"salamat, pero dahil naman kasi talaga sa model kaya gumanda yung paintings, ganda mo kasi"
Napapakamot sya sa kanyang ulo habang nagsasalita

"hindi joshua, magaling ka talaga yan ang tandaan mo,"

"ikaw may sabe e, salamat"

"ahmmm joshua pwede bang akin nalang tong paintings?"
ewan peri pagkasabe ko nun ay mabilis nyang kinuha na parang bata sakin yung painting na ikinagulat ko

"pwede bang wag na? ahhh..  ang ibig kong sabihin tatapusin ko nalang muna sya bago ko ibigay sayo"paliwanag nya, ganun pala kung sa bagay di pa nga sya tapos sa background details

"ok sige"

"alam mo maam dianna, masarap mamangka nayan libangan namen yan dito dati nung mga bata pa kame"
sabe nya habang nililigpit nya yung mga paintings nya sa kanyang backpack

"tara maam dianna"

Sabay hila nya saken pagkatapos ng magligpit ng gamit

"saan?!" tanong ko

"ang alam ko narito lang yun sa paligid e"
sabe nya habang may hinahanap sya sa may gilid ng sapa

"ayun!!"

Nang mahanap nya ito sa may bandang kanan ng sapa, muli nya akong hinila papunts doon.

isang maliit na bangka pala ang kanina nya pa hinahanap

"kay mang agustin din itong bangka e, wala naman sigurong masama kung hihiramin naten ito" sabe nya habang sumasakay kame rito

******

Habang nagsasagwan sya, inililibot ko naman ng aking tingin sa ganda ng buong sapa, ang aliwalas dito at ang sariwa pa ng hangin. malayong malayo sa maynila na puro polusyon nalang

"gusto ko sa susunod ipaint mo ko dito habang nakasakay sa bangka"
biro habang nagpopost ng kahit anong makulit na post

"sige ba"
sabe nya habang tumatawa kaya napatawa na rin ako

"kunwari nagpakita sayo an papa mo.. o... kahit sa panaginip nalang, anong sasabihin mo sa kanya?"
seryoso kong tanong nang mahimasmasan na kami sa kakatawa

"sasabihin ko kay papa?, pa! salamat ha kasi si mama yung napili mong maging nanay ko kasi kahit na naghihirap kami  hindi tumitigil si mama na magkayod para mabuhay lang kame  kaya pa, saludo ako sayo"

Napangiti ako, kasi nalaman ko na hindi sya nagtanim ng galit sa papa nya

"kaya ang swerte ng mga magulang mo sayo e"

"ako ang maswerte sa kanila. mahal na mahal ko sila"

Bihira lang ang lalakeng ganyan, yung malapit sa mga magulang nila marami kasi akong kakilala na sobrang mataas ang pride pagdating sa kanilang mga magulang

"ako naman an magtatanong sa inyo maam dianna, nagustuhan mo ba ang zambalez? nagustuhan mo ba ang pagtira dito?" sabe ni joshua mula sa sandaling katahimikan

"oo naman, gustong gusto ko, gusto ko yung itsura ng lugar, gusto ko yung ambiance ng mga tao sa ken ang babait nila, gusto ko rin yung mga pagkain, sariwang hangin at syempre... gusto kita!"

Natahimik sya na parang natigilan sa huli kong sinabe

"i mean, gusto kita bilang kaibigan kasi ang bait-bait mo eh"
Natawa ako nang ipaliwanag ko kung ano yung ibig kong sabihin

"mabait din ho kasi kayo"
sabe nya

"ha!ha!ha!.. ahm joshua pwede bang magrequest? pwede bang wag mo na kong i-ho-ho o kaya tawaging maam dianna,, pwedeng dianna nalang kasi feeling ko matanda na ko tignan"

"sige ho maa dia--- este sige dianna"

"yan!! salamat"

"ahh dianna, gusto mo bang kumain sa bahay mamayang gabi?"

"ha?,, ahm.. gusto ko sana kayalang walang kasama si lola marie sa dinner"

"ah ganun ba sayang naman"
sabe nya ng may dismayadong mukha

"pero magpapaalam ako na dun ako sa inyo manananghalian bukas"
bawi ko sa kanya

"sige dianna, ikaw ang bahala"
tapos ngumiti sya.. haha nabawi nya agad yung lungkot kanina

maya maya ay sabay namin napansin na may tumatagAs na tubig sa may gilid ng bangka kung saan nakapwesto si joshua

"san galing yan?"
gulat kong tanong

"kanina ay nauntog tong bangka sa may malaking bato, di kaya'y dahil doon nabutas ang bangka?" tanong nya

"siguro nga"

Tinakpan ni joshua yung batas gamit yung daliri nya sa paa 

pero ilang saglit pa'y may nakita rin kameng tumatagas na tubig sa pwesto ko naman

"tignan mo rin to"
sabay takip ng kamay ko

"ang mabuti pa'y halika na maam dianna baka may mangyari pa sayong masama"
pagalala ni joshua

"pano kung nag-eenjoy pa ko, at parang gusto kong lumangoy"

mababaw lang ang tubig dito sa sapa kaya inugoy ugoy ko ang bangka para magbiro

"maam dianna, itigil mo to please" saway ni joshua

pero hindi ako nagpapapigil at sa di inaasahang pangyayari ay bumaliktad ang bangka at tumilapon kame sa tubig

"sabe ko ho sayo eh," sabe ni joshua na parang kinakabahan kaya bigla kong winisik sa kanya yung mga tubig sa kamay ko at tumawa

"di talaga ako papipigil kung tatawagin mo parin akong maam"

"ahhh.. sorry dianna"

Bigla ko ulit sya sinabuyan ng tubig at tumawa ng malakas

kaya tumawa rin sya at bigla akong ginantihan ng pagsaboy ng tubig

napasimangot ako na noo'y tumatawa dahil nabigla ako sa ginawa nya kaya muli akong gumanti

Ang saya naming naglaro na parang mga bata  sa may sapa ng mga oras na yun halos makalimutan na nga namin ang iban bagay e

Haaaayyyy!! hindi ko namamalayan na sa bawat sandali ay nagiging espesial na sya saken

*******
SALaMAT po:)

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon