Joshua***
"ano bang nangyayari sayo joshua?!, nung una nilaban mo sa karera si oliver! ngayon naman sinira mo ang bangka ko, talagang pasaway kang bata ka! kelan ka ba talaga magbabago ha? kelan?!"nakaupo lang ako dito sa malaking bato habang pinapakinggan ang walang kamatayang sermon ni mang agustin, tahimik at nakayuko pilit na iniinda ang ingay ng matanda
"isa pa pala, mabuti at walang nangyaring masama kay maam dianna! dahil kung meron man lahat tayo ay mananagot kay madam! kaya ikaw joshua sa susunod isipin mo munang mabuti ang gagawin mo bago tumirada ng walang masira o mapahamak!!"
pagkatapos magsalita ni mang agustin ay itinuloy nya ang ginagawa nya at umalis na
Sa di ko sinasadyang paglingon, nakita ko si alfred na dumadaan
"alfred!!" tawag ko sa kanya
Agad akong narinig ni alfred kaya lumingon sya sa akin, pero agad ding nagtuloy sa paglalakad pero sa pagkakataong ito ay mabilis syang naglakad na tila'y iniiwasan nya ako
Siguro ay dahil dun sa pinagpustahan namin sa karera kaya sya nagkakaganyan
Haaayzzt wala talagang kwenta ang lalakeng yun
Dianna***
Nagpaalam ako kay lola marie na magdidinner ako sa bahay nila nay rosa at joshua , na agad naman nya akong pinayagan
Sabay na kami ni nay rosa na pumunta sa kanila pagdating dun, nadatnan namen si joshua na naghahain na ng pagkain
"tamang tama ang dating nyo, naghanda ako n masarap na ulam para sa magandang bisita"
natutuwa pang sinabe ito ni joshuaInilibot ko ang aking mata, nipa-hut ang bahay nila pero malinis at maaliwalas ito.
katabe ng mahabang mesa nila ang malaki at mahabang bintana, siguro ay masarap kumain dito lalo na't nakikita mo ang ganda ng view ng paligid sa labas ng bahay
"alam mo ba maam dianna, si joshua ang taga luto ng pagkain naming dalawa dito, kaya sigurado akong magugustuhan mo ang luto nya, kasi masarap magluto ang anak ko"
pagmamalaki ni nay rosa."di naman ma"
agad na kampanya ni joshua"maupo ka na dianna, excited na kasi akong ipatikim sayo itong ginisang sitaw na niluto ko para sayo"
Sabe nya habang ipinagsasandok nya ako ng pagkain sa may plato ko
Nakita kong may sahog itong hipon, pero nakakahiya kung bigla akong tumanggi sa kainan baka magtampo pa si joshua nito
nagsimula na akong kainin ang pagkain ko, suguro'y di ko nalang kakainin itong hipon na nakalagay sa aking plato
"ang sarap mong maluto joshua, tama nga si nay rosa" nakangiti kong sabe na walang biro sabay tingin kay nay rosa
"tikman mo yung hipon maam dianna, maraming ganito nyan dito sa zambalez, fresh na fresh yan!"sabe ni nay rosa
"ahh,, gusto mong ipaghimay kita ng hipon dianna?"
Kumuha si joshua ng isa at tinanggalan ito ng ulo at balat pagkatapos ay inilagay ito sa plato koIpinagbalat pa ako ng hipon ni joshua nakakahiya naman tuloy tumanggi...
pero siguro wala naman masama kung kakain ako ng konti di ba.. matagal ko na rin kasing gustong tumikim nito binabawalan lang talaga ako.. 1 week ko nalang titiisin yung mga future red spot na lilitaw sa katawan ko
KINAIN ko yung hinimay ni joshua na hipon pakatapos ay nginitian sila
*****
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay ipinasyal ako ni joshua sa buong lugar nila. isa sa pinasyalan namen ay ang pagawaan ng mga basket, sumbrero at kung ano ano pang yari sa abaka

BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Diary
RomancePrologue; Sa pagbabakasyon ni Dianna sa hacienda ng kanyang lola, ay nakilala niya si joshua , anak ng katulong nila.. Sa di inaasahang closeness ng dalawa ay nahulog na sila sa isa't isa ng di nila namamalayan ngunit paano nila aaminin sa isa't isa...