Chapter 10 :

88 8 0
                                    

JoshuA***

  Muli akong nagmuni-muni sa may labas ng bahay namen hawak parin yung mga bulaklak na dapat ay ibibigay ko kay dianna.

pinipitas ko isa isa yung petals ng mga flowers na hawak ko pagkatapos ay hinahagis ko rin ito isa isa. nagbabakasakaling sumama dito yung mga problema ko

ganun na ko bata palang ako, naniniwala kasi ako na dahil sa force ko, lumilipat sa mga bagay na mahawakan ko yung mga problema o sama ng loob ko

"hoy pare may problema ka nanaman ba?"

Bigla na namang sumulpot itong si tomas

"wala to"

"para namang hindi kita kilala!"

pagkatapos ay bumato sya ng bato at ihinagis kung saan . pinapakita nya lang ang gawain ko kapag ganito ako

"woowww bulaklak, para kanino yan?" akmang kukunin nya yung bulaklak kaya agad kong nilayo ito sa kanya

"para kay dianna yan noh?"

"di ko naibigay!"

"bakit kasi torpe ka?"

"isa nga sa dahilan yun pero hindi yun yung pinaka dahilan"

"e ano?"

"e kasi nandun yung ate ni dianna!"

"talaga may ate si dianna? maganda rin ba? pakilala mo naman ako!" pangungulit ni tomas

"maganda yung ate ni dianna kayalang magkaiba sila ng ugali"

"ibig mong sabihin matapobre yung ate nya ganun,?"

"parang ganun na nga!"

"ayy sayang naman!"
panghihinayang ni tomas

"sinabe nyang hindi kame bagay ni dianna at hinding hindi daw ako magugustuhan nun dahil mahirap lang ako at mayaman sya!"

"kaya sumusuko ka na? ganun?"

"totoo naman kasi yung sinabe nya e lahat  totoo pati narin yung hindi ako magugustuhan ni dianna!"

"tssk alam mo hanggat hindi si dianna ang nagsasabeng ayaw nya sayo may pagaasa ka pa! e hindi naman nila hawak ang utak ni dianna di ba!!"

"ano bang dapat kong gawin!"

"ang dapat mong gawin ay wag sumuko kahit napakarami ng hahadlang dapat tinitibayan mo yung loob mo!!"

seryosong sabe ni tomas, ewan ko ba dito kahit mejo loko loko yung itsura nya minsan ay may sense din naman syang kausap

Dianna***
  Sabay-sabay kameng Nagdinner nila lola marie at ate phen,

Sobrang makwento talaga si ate dahil simula sa pagkabata namen hanggang sa magdalaga na kame lahat ng iyon ay naikwento nya kay lola, si lola naman ay tumatawa lang ng tumatawa

"yes lola alam mo bang yung first boyfreind ni dianna ay dumaan muna sa mga kamay ko bago naging silA"

pagpatuloy ng kwento ni ate, ako naman ay tahimik lang na nakikinig at kumakain

"talaga e nasan naman ang mommy at daddy nyo?"
tanong ni lola

"lage silang  bisi sa mga out of town and out of the country business nila kaya ayon, parang ako narin ang tumatayong magulang ni dianna"

"mapagmahal ka talagang ate, phenelopie"

"thanks la! pero sa ngayon nakikita kong may hindi magandang nangyayari sa kapatid ko! you know the anak ng katulong naten dito?si joshua?"

Napatingin ako kay ate phen
Bakit naman nya Pinasok sa usapan nila si joshua?

"what about joshua?"
tanong ni lola

"Nandito sya kanina dahil gusto raw nyang makita si dianna and then pinaalis ko sya"

What? pinaalis ni ate phen si joshua?!

"ate bakit mo sya pinaalis? kaibigan ko sya!!" Bigla akong Nagalit dahil sa inadal ni ate kay joshua

"dianna relax! may flower syang dala ibig sabihin nanliligaw sayo yun, kaya sinasabe ko sayo ngayon palang ayaw ko na magkatuluyan kayo!"

flower? pero may ibang gusto si joshua at sabe nya never nya Akong liligawan! sa tingin ko ay friendly gift nya lang iyon

"ate magkaibigan lang kame at walang gusto saken si joshua, sobrang rude ng ginawa mo sa kanya!!"
sambit ko

"she's right phenelopie, magkaibigan lang ang kapatid mo at si joshua, bata palang yung batang yon ay kilala ko na sya, mabait at mapagkakatiwalaan si joshua, kaya sana maging mabait din tayo sa kanya"
sabe naman ni lola

"tapos na po akong kumain lola, aakyat na po ako sa higaan ko"

Kahit hindi pa ubos yung pagkain ko ay umalis nalang ako ayoko na kading makausap pa si ate

*******
tok tok tok

tunog ng pinto, mukhang may kumakatok

"bukas yan"

Sigaw ko kaya pumasok na ng kusa yung kanina pay kumakatok

Ok.. Si ate phen pala yung kumatok kanina

"little sis, im sorry sa ginawa ko kanina!"

tama ba yung narinig ko? nagsosorry si ate phen?

"please forgive me na!" sabe nya habang papunta sya sa may higaan ko para yakapin ako

"sige inaamin ko naging rude ako at pinagsisisihan ko na yung ginawa ko kay joshua kanina"

Wow nagsisisi na si ate sa totoo ngang nagsisisi na sya

"talaga ba ate phwn na nagsisisi ka na?"
agad na tanong ko

"promise and i cross my heart" sabe nya na tinaas pa ang kanang kamay nya

"the best ka talaga ate phen! ok i forgive you na!"

Niyakap ko si ate dahil naniniwala ako sa sinabe nyang nagsisisi na sya

*********

phenelopie***

     Ok! done! napaniwala ko na si dianna na nagsisisi na ako sa ginawa ko kay joshua

pero ang totoo nyan, wala akong regret sa ginawa ko kanina, tama lang sa kanya yun para alam nya kung ano lang sya dito

ayoko lang na maging masama ang emahe ko sa kapatid ko.

gusto ko talaga si bryan para sa kay dianna kasi  hearthrob sya sa school nila and bihira lang magkagusto  sa babae yun.. swerte na lang ni dianna dahil sya ang napiling ligawan ni bryan!

bukod pa dun, napakayaman ng pamilya ni bryan may ari sila ng limang sikat na tv station dito sa pilipinas

so sa lagay na yun hahayaan ko lang matalo ng isang hamak na anak lang ng katulong si bryan mercado?

No wayy!!!!!

dinail ko yung number ni bryan sa phone ko para tawagan

"o bryan where ka na ba?"

"im on my way na ate! siguro by tomorrow nanjan na ko"

"ganun ba? ok hinihintay ka na ni dianna dito"

"thanks ate ha, thank you sa pagreto mo saken kay dianna!"

"wala yun bryan, besides gustong gusto kita para sa kapatid ko, isa lan ang pakiusap ko, dont make her tears fall to her face ha"

"yes ate, i will never do that"

"ok see you later!"

after nun, binaba ko na yung phone ko!

kelangan talaga nila dianna at bryan ng closures, and this is the right place. ako na ang bahala sa joshua na yon!

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon