Dianna****
After kong kumain ng dinner at nagwash ng katawan, ni-ready ko na ang sarili ko para matulog pero sa saktong paghiga ko ay nakaramdam ako ng hindi maayos na paghinga
ano bang nangyayari sa kin? ngayon ko lang to naramdaman sa tanan ng buhay ko, mamatay na ba ko? wag naman po ngayon!! ayoko pa pong mamatay
patuloy lang ako sa paghinga ng malalim dahil sa nararamdaman kong hindi maayos na paghinga,
mabuti na lamang ay biglang dumating si nay rosa na may dalang isang baso ng gatas
"nay rosa(hinga ng malalim) hindi ako(muling hinga ng malalim) makahinga!!(hinga ng malalim)"
Biglang nataranta si nay rosa at mabilis akong itinayo mula sa pagkahiga
"naku maam dianna ano bang nangyayari sa inyo?!!"
agad nyang kinuha yung telepono para magdial! tinawagan nya yung doktor ni lola pagkatapos ay agad na itong nagmadali palabas ng kwarto ko
"sandali lang maam dianna tatawagin ko lang si madam marie!!" sabe nya bago sya lumabas
hindi ako makahinga! at parang nandidilim na ang paningin ko!
Nay rosa***
Sobrang nagaalala na ko kay maam dianna, ano bang nangyayari sa kanya?may sakit ba sya? hindi ko alam kaya sobrang natataranta na ko dito. halos namumutla na ang kanya mukha!! nakakaawa sya sa sitwastyon nya ngayon sana ako nalang ang nandyan!!
mabuti nalang ay may dalang nebulizer yung nurse ni madam marie at naagapan namin kaagad si maam dianna
ilang saglit pa'y nakarating narin yung doktor na tinawag ko kanina, chinek up nya si maam dianna habang kami naman ni madam marie ay nakabantay lang sa sasabihin ng doktor
"madam, anong pagkain po ba may allergic ang apo nyo?"
tanong ng doktor"allergic sya sa hipon"
sagot ni madam marie na ikinagulat ko, di ko alam na allergic si maam dianna sa hipon, samantalang pinakain namen sya ni joshuA kanina ng hipon"nakakain po ang apo nyo ng hipon kaya nagtrigger ito sa hirap sa paghinga, sa ngayon ok na ang apo nyo kaylangan nya lang magpahinga for one whole week, kaya please lang wag nyo na ulit syang hahayaang kumain muli ng hipon o kahit ano pang pagkaing magbibigay sa kanya ng allergic, maraming pwedeng mangyari sa apo mo, pwede nya ho itong ikamatay"
biglang umiyak si madam marie
"kawawa naman ang apo ko!""kasalanan ko po ang lahat pinakain namen sya ng pagkaing may halong hipon, patawad madam hindi ko po sinadya!!"
"ano? pero bakit hindi nya sinabe sa inyong allergic sya roon?"
"kasalanan ko to pinilit namen syang kumain!"
"nangyari na ang nangyari ang kailangan lang naten ay ipagdasal na sana umayos na ang pakiramdam ni dianna!"
Dianna***
Tinanghali na ko ng gising, bago ako bumangon pinakiramdaman ko muna ang aking sarili, maayos na ang aking paghinga mabuti naman at ganun,
Lalabas na sana ako ng kwarto ko nang biglang pumasok si nay rosa
"kamusta ka na iha?"
"mabuti na ang pakiramdam ko,"
"di mo sinabe na may allergic ka pala sa hipon"
"sorry po"
"sabe ng doktor kelangan mo lang daw magpahinga dito ng buong araw kaya kaya wag ka ng lumabas ng hacienda!"
"sige po nay rosa"
"anong gusto mong kainin?"
"kahit ano po, ahmm nay rosa kung maari po sana wag nyo pong sabihin kay joshua yung nangyari kagabi ayoko po kasing magalala pa sya"
"ganun ba? sige pero ipangako mo saken na iingatan mo na ang sarili mo"
"pangako po nay rosa" tinaasa ko yung kanang kamay ko pagkatapos ay ngumiti
ngumiti rin sya pagkatapos
********
Tahimik akong nagsusulat ng diary ko nang may biglang bumato sa loob ng bintana kokaya agad kong kinuha yung batong nakapulupot sa papel,
pagkaalis ko ng papel sa bato ay binasa ko yung nakasulat
"may gagawin ka ba ngayon? tara ipapasyal kita"
Gustohin ko man pero hindi talaga pwede
mayamaya ay tinawag nya ako pero hndi ako nagpakita, ayaw ko kasing humarap sa kanya tapos tatagihan ko lang sya
sinilip ko lang sya sa bintana at doon ay biglang lumabas si nay rosa
Joshua**
hayyy! nakakapagod ang araw ko ngayon medjo bisi kasi ako sa pagtulong kay mang agustin sa pagaalaga ng mga hayop
teka bakit nga pala hindi ko nakikita ngayong araw si Dianna?
kaya naisipan kong puntahan sya, sobrang excited akong makita sya
kaya nagsulat ako sa papel at ibinalot ko ito sa may bato para maihagis sa bintana ng kwarto ni dianna,
pero ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi parin sya sumisilip sa bintana
"dianna! silip ka naman sa bintana sige na please!!" sigaw ko nang mainip ako kakahintay sa kanya pero kahit sumigaw na ko ay hindi parin sya sumisilip
maya maya pa ay biglang lumabas si mama
"hindi pwedeng guluhin ngayon si maam dianna kayA umuwi ka na joshua"
"pero ma, may sasabihin lang ako"
"sabe nga na hindi pwede e"
"pero bakit?"
"wag ka ng magtanong pa, sige na umuwi ka na!!"
Nakakainis! bakit kaya ayaw ni dianna na ipasyal ko sya ngayon? anong problema nya? may nagawa ba kong hindi nya nagustuhan? galit ba sya?
pumunta ako sa tabi ng sapa para magmuni muni,, hayy bakit parang nasaktan ako sa ginawang pagiwas sa kin ni dianna?
bakit parang gusto kong magtampo sa kanya?
hinagis ko sa may sapa yung hawak kong bato baka sakaling sumama dito yung nararamdaman kong lungkot ngayon!
alam ko wala akong karapatan magtampo pero hindi ko talaga mapigilan e,
kung natuturuan lang ang puso sa pagpili ng emosyon , mas gugustuhin ko pang maging masaya
hayy ewan pero kasi simula nung dumating sya parang ayoko na syang umalis sa tabi ko gusto kong andito lang sya
pero isa lamang akong hamak na anak ng isang katiwala! ngi baka nga hindi nya ako gusto baka kaibigan lang ang turing nya sa akin hanggang dun lang!!
Hoyyyy joshua!! lumugar ka nga!! kung ayaw mo masaktan itigil mo na yang nararamdaman mo walsng kwenta yan!!!
Sa totoo lang, kung ano ano ng naiisipan ko! di ko namamalayan na malapit na palang lumubog ang araw. kulay orange na yung langit at kanina pa pala ako narito pero bakit ganun? tong pakiramdam ko di parin nagbabago??
*********
Salamat po :)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend's Diary
RomansPrologue; Sa pagbabakasyon ni Dianna sa hacienda ng kanyang lola, ay nakilala niya si joshua , anak ng katulong nila.. Sa di inaasahang closeness ng dalawa ay nahulog na sila sa isa't isa ng di nila namamalayan ngunit paano nila aaminin sa isa't isa...