Chapter 2:

226 20 0
                                    

Joshua***

Pinaliguan ko si oliver para ihanda sa karera namen ni alfred mamaya.

Hindi alam ni mang agustin na isasali ko si oliver sa karera, hindi ko rin naman kasi ito ipinagpaalam sa kanya,,
tss para saan pa? e hindi rin naman sya papayag
kaya mas mabuti pang hindi ko na ito sasabihin pa

"yan oliver malinis ka na, handa ka na ba sa karera? ang tagumpay ko ay tagumpay mo rin"
sabe ko pagkalapag ko ng tabo sa timba, at pagkatapos ay tinapik-tapik ko pa ang likod ng kalabaw

Dianna***

"kamusta ka na apo ko?"
Agad na tanong ni lola marie nang lumapit ako sa kanya sa may hapag kainan

"ok naman po ako lola"
Sagot ko pagkatapos kong halikan sya sa pisngi

naka-wheel chair na si lola marie pero mukhang malakas pa rin sya, alagang-alaga siguro sya ng mga personal nurses nya

"kamusta na sila sa maynila?"
"ok naman po sila, sila dad and mom nasa ibang bansa kays si ate phenelopie nalang ang naiwan sa bahay tatapusin nya daw muna yung course nya at pagkatapos ay susunod sa akin dito"
"mabuti kung ganun , dahil gustong gusto ko na kayong makasama mga apo ko"

Napangiti ako kay lola,
bakas kasi sa mga mata nya kung gaano nya kagustong makasama kame ni ate phen;

"hala sige iha, kumain ka na maraming putahe na ipinahanda ko sa mga kusinera naten"

Ang dame nga nilang inihanda
samantalang dalawa lang naman kame ni lola na kakain.
merong chicken, afritada, inihaw na bangus at ginisang hipon..

"oo nga pala, naalala ko allergic ka nga pala sa hipon!"

Ipinatanggal ni lola marie yung ginisang hipon sa hapag kainan, siguro ay nakita nyang nakatitig lang ako sa ginisang hipon kaya naalala nyang allergic pala ako rito

Flashback**
"mommy!!"
Sigaw ko noong 5 years old pa lamang ako,
kumain kasi ako ng hipon na nasa may platito kaya lahat ng naroroon ay sobrang naaligaga dahil sa dami ng mapupula at maliliit na bilog sa mukha ko
Noon namen nalaman na allergic pala ako sa hipon

End of flashback***

*******
After ng lunch ay sinamahan ako ng isang katiwala sa aking magiging kwarto
sabe nya, sya daw yung magiging personal maid ko, medjo ma katandaan na sya pero ang sabe nya kalabaw lang daw an tumatanda

"hanggang dito nalang po ako miss dianna, kung kelangan nyo po ako tawagin nyo na lang po ako"
Sabe nya pagkapasok namen sa kwarto ko
"maraming salamat po.. ahmmm ano po bang pangalan nyo?"
"rosa ho"
"salamat nay rosa"
ngumiti sya pagkatapos, saka umalis

ako naman ay nilibot ang buong kwarto sa pamamagitan ng pagtingin lamang

Joshua**
"joshua! joshua!joshua!"
Sigaw ng mga taong nanunuod,
di pa nagsisimula ang karera pero ramdam na namin ang init ng karera sa bawat isa

"handa na ba ang lahat sa pinakaaabangan nateng karera ng kalabaw ng taon? kung handa na iready nyo na ang inyong mga tili sa inyong mga pambato!!"
Sigaw ng Host

Habang kame naman ni alfred ay ready na para sa karerang ito

"ready .. set ... Goooooo!!!"

Sa hudyat ng host ay parehas na naming pinatakbo ang kalabaw sakay kami

sa unang quarter palang ay lamang na ako kay alfred pero mejo gitgitan parin an laban mukhang atat talaga syang manalo, nandaraya na kasi sya
binabangga nya yung kalabaw kong si oliver.. gusto nyang ibahin ang takbo ng alaga ko

Dianna**

Nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame ng kwarto ko....

.....Nag-iisip....

pero na-realize ko rin na boring ang ginagawa ko, kaya nagpunta nalang ako sa table para magsulat sa "my summer diary" ko

Nang akmang magsusulat na ako, nagkaroon na naman ng realization sa utak ko

Yun ay wala pa pala akong naiisip na isusulat ko roon

"whoooohhhh"

katabi ng table ko yung bintana, kaya rinig na rinig ko yung biglaang ingay sa labas

curious ako kaya sinilip ko ito

kaya pala.. isang karera ng mga kalabaw.. bukod dun may mga taong nagche-cheer habang hinahabol yung dalawang naguunahan..

Napatingin ako sa isa sa mga pahinante ng kalabaw

ilang segundo ko syang tinitigan bago sa makalagpas sa hacienda ni lola..

hayy.. bakit ba ganito ang tibok ng puso ko para sa lalakeng un

di ko maexplaine pero bigla akong na-atract sa pahinanteng yun nung tinitigan ko sya
cute kasi sya eh , ewan parang nagkaka-crush ako sa isang taong ilang segundo ko lang nakita

well.. wala naman sigurong masama dun.. crush lang naman
wag lang Love.. O.a na yun

pagkatapos nun, bumalik muli ako sa aking table..

alam ko na kung anong isusulat ko☺

Joshua**

konti nalang!!!!

talagang ramdam na ng bawat isa ang pananabik dahil ilang saglit nlang malalaman na kung sino ang panalo..

angat ako kay alfred kaya malaki ang tyansa kong manalo

konting nalang talaga!
tatlo dalawa isa!! sa hudyat na yun nakuha ko ng makaabot ng finish line

Yesss!!!! ako na ang panalo! nakaabot na ko sa finish line, habang si alfred ay parating palang

Nagsigawan yung mga taong nagche-cheer sa ken ng idiklara na ako ang nanalo sa karera

"galing mo joshua!!!"
sigaw nila

napalingon ako sa akong likod kung nasaan naroon si alfred

mukhang hindi nya tanggap ang pagkapanalo ko, masama kasi ang tingin nya saken ganun din ang mga kaibigan nya

tinuon ko ang pansin kay oliver na mukhang napagod sa karera!

"good job oliver!"
hinimas ko ang ulo nito habang kumakain ng damong ibinigay ng mga tao sa kanya

end of chapter...

Salamat po

My Girlfriend's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon